Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Business
  2. Presentations
Business

10 Pinakamagaling na Keynote Presentation Templates

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Mayroon ka bang nalalapit na business presentation? Nahihirapan ka ba sa paggawa ng Keynote slide layouts sa iyong Mac? Kailangan mo bang gumawa ng nakakatawag-pansing presentation na makakapukaw ng emosyon ng manunuod o tagapakinig?

Hindi madaling  ilatag ang layunin sa negosyo, paiksiin ito, hanggang sa maihatid ang mensahe nang malinaw.

Hindi madaling makipag-ugnayan sa tagapakinig o manunuod, kunin ang kanilang atensyon, at gumawa ng makabuluhang koneksyon sa kanila. Ang  iyong presentation ay kailangang makuha ang pondo na iyong hinahanap, maabot ang sale na iyong hinahangad, o maipaabot ang nakakatawag-pansing pang-unawa sa pangunahing stakeholders.

Kailangan mong gawan ng disenyo bawat slide para malinaw na maihatid ang bawat bahagi ng iyong business presentation at mas maipakita ang kuwento na iyong plinano. Ang iyong presentation design ay kailangang may dating!

Kapag medyo nahihirapan ka na pagtugmain ang iyong layunin sa pagdisenyo ng iyong presentation, huwag ma-alalala, kami na ang bahala dito! Kailangan mo ang propesyonal na Keynote Template para makapagsimula ka sa tamang direksyon. Sa may kalidad template, mayroon kang propesyonal na  disenyo ng slides at magaling na features pre-packaged, na handa ng gamitin. Sa ganyang paraan, mabilis kang makakakuha ng pinagsamang propesyonal na presentation. 

Keynote Slide Design Features

Maraming magandang Keynote presentation templates tampok dito sa GraphicRiver — na makikita na maaaring bilhin at i-download.

Ang mga presentation themes na ito ay maraming nagagawa at dinisenyo para sa maraming gamit sa negosyo. Maging ito man ay may ulat na kailangang ibigay, koponan na kailangang  sabihan, o sasakyan na imamaneho pauwi ng bahay, ang mga templates na ito ay taglay ang lahat ng features na kailangan mo para makagawa ng malikhain, pinakamagaling na presentation.

Best Keynote Templates
Magaling na Keynote Themes, na mabibili sa GraphicRiver.

Ang mataas na kalidad na Keynote themes na ito ay maraming pagpipilian na presentation. Feature-rich at madali ring gumawa dito. Maaari mo ng ilagay kaagad ang iyong impormasyon,ilakip ang business photos, baguhin ang bawat disenyo ng slide, at mabilis na pagsamahin ang iyong presentation.

Maaari mong ilagay lahat ng slides na iyong kailangan para mapapunta mo sa iyong presentation ang tagapakinig o manunuod. Maari ka ring gumawa sa slides na ginawa para sa business presentations, katulad ng mission slides, team presentation slides, portfolio slides, at ilang infographic slides. Ang mga themes na ito ay tampok ang daan-daang pagpipilian sa data driven presentation- timelines, business model graphics, customizable maps, flow charts, malinis na comparison tables, at ilang data diagram slides.  

Bawat slidesa themes na ito ay mayroong kakaiba, modernong disenyo, para propesyonal na mangibabaw ang iyong presentation. Mayroon itong simple, subalit sopistikadang pagpipilian na visual, at ilang pagpipilian na layout. Maari mo itong gamitin para ipakita ang iyong konsepto ng presentation at ilahad ang iyong kuwento ng negosyo.

Ang business themes na ito ay mayroong nangungunang Keynote presentation features, katulad ng:

  • iba’t ibang design layouts
  • magagamit na agad na master slides
  • business-driven infographics
  • spectrum ng pagpipilian sa kulay
  • gawa sa kamay na animations
  • at marami pang iba

Ilagay lamang ang iyong impormasyon sa kakaibang dating na themes na ito, i-customize ang iyong presentation habang iyong hinahanda ang slide deck, at handa ka ng gawin nang matagumpay ang iyong business presentation!

Premium Keynote Presentation Themes

Narito ang sampung Keynote presentation templates na mapagpipilian, lahat ay puno ng pro features, at gawa sa maganda, modernong business designs:

1. Kaspian Keynote Presentation Template

May moderno, namumukod-tanging disenyo, itong Keynote template ay may kaunti, malinis na business style na may kahanga-hangang angled aesthetic. Ang patagilid na larawan, at tight cropping, na may kasamang nakakatawag-pansing typography at maraming puting espasyo ay ginawa para sa pagpapakita ng malikhaing business ideas. Ito ay mataas na kalidad, maraming gamit na theme na may kahanga-hangang aesthetic.

Mayroon din itong maraming kakaibang graphic at inforgraphic features, key icons, full color na pagpipilian, drag and drop placeholders para sa mabilisang pag-aayos, at ilang nangungunang presentation features. Ginawa ito para sa totoong gamit talaga, na may magandang readability, at makahulugang mga disenyo ng slide.

Kaspian Keynote Presentation Template
Kaspian Keynote Presentation Theme.

2. Motagua -  Maraming Gamit Na Keynote Template

Ang malinis, modernong presentation template na ito ay ginawa para sa Keynote. Mayroong daan-daang mga disenyo ng slide, handa ng gamitin sa iyong Mac, at i-set up para sa mabilis na customization. Maari mo ng idagdag kaagad ang iyong impormasyon at baguhin ang mga slides na ito depende sa hinihingi ng iyong presentation. Maganda ito sa busines, sales proposal, corporate portfolio, o sa kahit na anong business o malikhaing presentation. Mayroong 16 color themes, layouts batay sa master slides, editable data charts, vector shapes, at nakaka-engganyong animations, at iba pa.

Matagua Keynote Presentation Template
Motagua Keynote Presentation Theme.

3. Reach - Keynote Business Presentation Template

Kunin itong maganda ang pagkakagawa at gumaganang Keynote theme. Ito ay versatile theme na magagamit sa maraming uri ng business presentations. Ang mabilis baguhin na slides ay may kasamang infographic elements, charts, graphs, icon options, at iba pa. Maaari mo itong gamitin para sa bagong hinging pagpopondo sa negosyo, product overviews, marketing at promosyon, market research, pag-aaral epekto ng social media, o para sanayin ang iyong koponan.

Reach Keynote Presentation Template
Magawa Ang Keynote Business Presentation Theme

4. Startup Pitch Keynote Template

Ang magandang simula ang magiging isa sa pinakamagandang pagkakataon para sumulong papunta sa tagumpay bilang startup. Kung kailangan  mong gumawa ng pitch deck, kumuha ng posibleng mamumuhunan bilang simula, at ilagay ang kanilang pera sa bagong business, at ito na ang iyong magiging theme.

Ang makulay na Keynote presentation template ay ginawa para sa panalong startup pitching. Mayroon itong mga disenyo ng slides na kailangan mo para matukoy ang iyong market, ipakita ang competitor analysis, linawin ang iyong value proposition, ipakita ang iyong makabagong produkto, at makakuha ng mga mamumuhunan. Mayroong mahigit 100 slides na ginawa para sa startup pitches, gayon din slides na ginawa partikular sa Business Model Canvas na kabilang.

Startup Pitch Keynote Template
Startup Pitch Keynote Theme.

5. Concept Keynote Premium Template

Kung kailangan mo ng moderno, maraming gamit na Keynote presentation template, ang kakaiba at sadyang flexible theme na ito ang pinakamaganda sa pagpipilian. Mayroon itong simple, malikhaing disenyo, na nagbibigay ng kahanga-hangang toolset para sa pagpapakita ng iyong business concepts. Maari mong gamitin itong presentation template para sa corporate, creative, sales, o kahit na anong uri ng business presentation. Mayroong mahigit 150 slides na may maraming pagpipilian ng mga kulay, versatile slide layouts, timelines, infographics, portfolio slides, at iba pa.

Concept Keynote Template
Concept Keynote Business Theme.

6. Exalio, Business Keynote Template

Ang Exalio ay malikhain, maraming gamit na presentation template, na handa ng gamitin sa Keynote, na ginawa na may istilo, at madaling i-customize sa iyong Mac. Ang theme na ito ay ginawa para sa agencies, creatives, mga negosyante para gamitin sa kanilang susunod na business presentation. Mayroon din itong maraming iba’t ibang slides, na  may kalendaryo, team slides, infographic slides, pricing pages, portfolio slides, at iba pa. Puno ito ng PSD files para sa mabilis na mockups din.

Exalio - Best Keynote Theme for Business Presentations
Exalio - Business Keynote Theme.

7. Pinakamagaling na Business Keynote Presentation Template

Ito Keynote theme ay puno ng presentation tools para magawa ang kakaibang business presentation. Mayroong mahigit 200 presentation slides, built in ng ilang pagkakaiba-iba ng kulay, at feature-rich na pagpipilian sa visualization.  Maaari mong ipakita ang iyong business ideas para maglahad ng nakakatawag-pansing business story. Mayroong iba’t ibang pagpipilian ng presentation, katulad ng infographic slides, at text and image layouts, maps, charts, customizable slides, at iba pa.  Ito ay versatile template na maaari mong agad na simulan para sa paggawa ng magandang presentation.

Best Keynote Template
Best Keynote Presentation Theme.

8. MaxPro-Business Plan Keynote Presentation Template

Ang Keynote theme na ito ay ginawa para sa maraming business purposes, katulad ng business report, paglalahad ng business plan, sales presentations, o para ipakita ang business nang may pagka malikhain. Sa MaxPro makakakuha ka ng 182 kakaibang mga disenyo ng slides, custom animation ng bawat object, iba’t ibang color schemes, at custom features para maipakita mo ang masiglang presentation. Ito ay ginawa na may custom placeholders at smart art, para mai-drag at drop mo para sa mabilis na customizations. Ilagay lang ang iyong images, text, at data, at handa ka ng magbigay ng magaling na presentation!

Best Business Keynote Presentation Template
Best Business Keynote Presentation Theme.

9. Fusion Keynote Template para Business Presentations

Ang Fusion Keynote presentation template ay may makulay na propesyonal na disenyo na may limang color schemes na pagpipilian. Mayroon itong 10 master slides, mahigit 90 na kakaibang mga disenyo ng slides, at ilang vector infographics katulad ng data charts, tables timelines, ilustrasyon, mahigit 500 icons, at iba pa. Ang theme na ito ay may magaling, malikhaing presentation slides para maipakita mo ang iyong makabagong business ideas!

Fusion Keynote Business Theme
Fusion Keynote Presentation Business Theme.

10. Marketofy - Ultimate Keynote Template

Hikayatin ang iyong tagapakinig o manunuod, baguhin ang kanilang mga isip, at pataasin ang benta sa propesyonal na Keynote presentation theme na ito. Bawat isa sa 200 na kakaibang slides sa template na ito ay ginawa nang may layunin at para kaagad mo na itong magamit. Ang mga slides na ito ay ginawa para sa marketing, sales, o sa kahit na anong malikhain o kailangang business presentation.  Maaari mong ipakita ang iyong pinakabagong sales figures, maghikayat ng bagong mga kliyente, or ipakita ang iyong mga matagumpay na ideya. Puno ito ng graphic slides, infographic features, gawa sa kamay na animations, nababagong graphics, libu-libong vector icons, at iba pa.

Marketofy - Best Keynote Presenation Theme
Best Keynote Presentation Theme.

3 Mabilis na Paalala sa Disenyo ng Keynote Presentation

Narito ang tatlong siguradong paalala sa mga disenyo, para magamit mo nang husto ang iyong propesyonal na Keynote theme, maglahad ng nakakatawag-pansing visual na kuwento, at gawing magaling ang iyong business presentation:

1. Gamitin Nang Mahusay ang Template Features

Napakaraming malikhaing Keynote templates na mapagpipilian. Maaaring mahirap gumawa ng huling desisyon kung alin ang pinakamaganda sa iyong presentation. Ang istilo at features ay dalawang importanteng bagay na dapat isaalang-alang.

Naipakita natin sa itaas ang ilang pagpipilian sa istilo. Para sa karamihan sa presentations ang malinis, kaunting business style ang pinaka-akma. Subalit tingnan ang mga disenyo ng presentation slide na nasa loob ng theme. Lahat ng tampok na templates dito ay may ilang pagpipilian sa slide.  Gusto mong pumili ng isang istilo na akma sa iyong business needs na may kasamang pagpipilian ng tamang slide presentation.

Huwag mong isipin na parang kailangan mong gamitin lahat ng slides na mayroon ang templates. Siguraduhin lang na gamitin nang mahusay iyong pinaka akma sa iyong presentation. Gamitin ang master slides ng Keynote theme, image placeholders, at ang kasamang graphics para mapanatili ang hindi pabagu-bagong istilo ng disenyo habang nilalagay mo ang iyong sariling images, text at data.

Gumamit ng ilustrasyon o infographic kung kinakailangan, at siguraduhing naiintindihan mo ang iyong ipinapakita, kung hiindi gawin itong simple na  may text sa ibabaw ng larawan kung iyon lang ang kinakailangan. Siguraduhin na hindi maglalagay ng sobra sa indibidwal na slide o lagyan ng labis na animations.  Ang simple at walang paliguy-ligoy na pamamaraan ay malayo ang mararating sa paggawa ng propesyonal na presentation.

2. Panatiling Matibay Ang Iyong Mga Disenyo ng Slide

Malamang sa marami kang impormasyon na nais mong ipahatid sa iyong presentation. Subalit bago mo galawin ang slide, gawing simple ang iyong materyal sa pagsasaliksik at marketing para maipahatid mo nang malinaw ang iyong mensahe.

Pagkatapos, sa bawat slide pumili ng narrow focus. Nais mong ipahatid ang isang component sa iyong presentation sa bawat slide. Siguraduhig ang bawat slide na nilalagay mo sa iyong presentation ay madaling intindihin, at malinaw na naipahahatid, at nabubuo sa pangkalahatang narrative arch ng iyong presentation.

Ilagay sa isip, mas maraming impormasyon ang sinusubukan mong ilagay sa slide, mas malaki ang posibilid na gumawa ka kalat at pagkalito. Sa halip magbigay ng matinding tuon sa bawat isa sa iyong slides.

3. Maglahad ng Intergrated Visual Story

Halos mahirap paglabanan na gustuhing magpakita ng mraming visuals sa iyong tagapakinig o manunuod, subalit sobrang daming graphics, o sobrang daming naglalabang data, ay makakalito lang sa kanila. Higit sa lahat ng ito, iakma sa nais mong sabihin sa presentation sa visuals na iyong ibibigay.

Gusto mong ang iyong pinapakitang data at graphics ay nilalahad ang iyong kuwento. Gawin ang iyong slides para dalhin ang iyong tagapakinig o manunuod sa visual narrative.

Kung gumagawa ka ng sales presentation, ipakita ng simpleng infographics na umaayon sa iyong sales figures. Gumamit ng diretsong bar chart, sa halip na mas kumplikadong data visualization, kung iyon lang ang kailangan. Kung sinisimulan mo ang iyong bagong business idea, kung gayon ay nais mong ang larawan ng iyong produkto ay naka hanay sa features na iyong ipinapakita Magkaroon ng malinis na punto sa bawat slide at ipakita lang ang info at graphics na nagpapakita ng pinakamahusay na puntong iyon.

Alin man sa Keynote templates sa artikulong ito ay magbibigay ng magaling na presentation features. Maari mong kunin ang pinakamagaling na mga disenyo ng slide at gamitin ito para kumonekta sa iyong tagapakinig o manunuod. Piliin ang tamang layout para sa iyon business information, maglahag ng nakaka engganyong visual story, at ipahatid ang iyong mensahe.

Kung mas interasado ka sa PowerPoint Themes o Google Slides Templates, mayroon din kaming iba’t ibang Presentation Templates na iyon sa GraphicRiver.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.