Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
  1. Business
  2. Microsoft PowerPoint
Business

12 Pinakamahusay na mga PowerPoint Presentation Template—May Kasamang mga Magagaling na Infographic Slide

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Microsoft PowerPoint Templates (Ultimate Guide to the Best PPT).
30+ Professional PowerPoint Templates: For Better Business PPT Presentations
29+ Animated PowerPoint PPT Templates (With Cool Interactive Slides for 2019)

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Kailangan mo bang gumawa ng katangi-tangi PowerPoint presentation? At marami ka bang pinagsasabay na mga impormasyon ngayon, naghahanap para sa thread na makaka-antig sa iyong tagapanood?

Nakakapanghamong kumuha ng mga komplikadong datos (tulad ng kabuuang benta o mga proyeksyon sa negosyo) at gawing simple lahat para makagawa ng makabuluhang presentasyon.  Hindi madaling gumawa ng nakikitang kwento na maiintindihan ng iyong manonood at sa tingin nila nakakahimok.

Pwede kang magsimula sa tamang direksyon.  Ito ay nagsisimula sa pagkuha ng mga disenyo sa presentasyon na may kalidad para pagtrabahuan.  Huwag mag-alala, kami na ang bahala diyan! 

Maraming kapabilidad, Mga Opsyon sa Presentasyon ng Datos

Maraming mga propesyonal na mga tema sa PowerPoint ang tampok dito mula GraphicRiver.  Sila ay sinadyang dinisenyo para sa mga presentasyong makakatotohanan at sagana sa datos.   Ang mga ito ay pinakamahusay na mga PowerPoint Template kasamang mga infographic na opsyon para sa mas mataas na antas.  Binibigay nila sa inyo lahat ng mga tampok na kailangan mo para makagawa ng mapanlikha at propesyonal na presentasyon.

Best PowerPoint Templates on GraphicRiver
Ang mga pinakamahusay PowerPoint na Tema, ay ibinibenta sa GraphicRiver

Ang bawat isa sa mga infographic na mga PPT na tema ay mga daan daang mga opsyon para sa presentasyon ng datos.  Kahit na maraming kapabilidad, mabilis at madali lang silang matutunan at gawin.  Pwedeng mong baguhin ang iyong impormasyon ayon sa iyong pangangailangan, at ilabas nang may kalinawan, para ang bawat slide ay nagsasabi ng kwento tungkol sa iyong datos-sa unang tingin.

Ang bawat PPT slide ay may natatanging mga disenyo at magagandang mga biswal na pwedeng pagpilian.   Pwede mo silang gamitin para ipakita ang mga konsepto sa iyong presentasyon nang may dati ng gawang mga infographic tulad ng:

  • mga palatakdaan ng oras
  • mga modelo ng negosyo
  • mga mapang pwedeng baguhin depende sa pangangailangan
  • mga flow tsart
  • mga talahanayan para sa paghahambing
  • mga balangkas para sa datos

Idagdag lamang ang inyong mga numero at mga impormasyon dito sa nakikitang slide na malakas ang epekto, ihanda ang iyong slide deck, at handa ka ng aliwin ang iyong tagapanood!

Powerpoint Infographic Templates

Kumuha ng premyadong dekalidad na solusyon para sa iyong presentasyon ngayon.  Ito ang dosenang propesyonal na mga PPT na tema na pwedeng pagpilian: 

1. Marketofy - Ultimate PowerPoint Template

Makakuha ng negosyo at mapalitan ang isipan ng iba gamit ito PowerPoint template.. Ito ay dinisenyo para sa iba't ibang layunin para sa maramihang negosyo at mapanlikhang mga pangangailangan sa presentasyon: kung imbestor ka man sa kakasimulang negosyo o ipinapakita mo sa social media ang paglaki ng iyong negosyo sa mga huling ikaapat na bahagi ng taon.  Ang bawat isa sa mga higit 200 na natatanging mga slide sa temang ito ay napatunayang magagamit sa makatotohanang mga presentasyon.    Kasama dito ang mga gawang kamay na mga infographic, pwedeng mabagong mga animation, mga tsart na pwedeng baguhin, at marami pang iba. 

Marketofy PowerPoint Template
Marketofy - Mapanlikhang Infographic PPT na Tema.

2. Ever - Multipurpose Presentation Template

Ito ay isang mapanlikhang PowerPoint template para sa maramihang layuning presentasyon sa negosyo o personal na gamit.   Kasama dito ang 200 na mga slide para sa maramihang layunin at mahigit 300 na mga icon.   Maramihang mga opsyon para sa kulay na may kasamang 20 dati ng gawang mga kulay at 10 na mga tema sa kulay na pwedeng pagpilian.  Maraming mga opsyon para sa slide ng mga datos, tulad ng: mga flow chart infographic, mga balangkas na nakadepende sa mga datos, mga balangkas para sa proseso, punong balangkas, mga mapa, mga tsart na baskagan, at marami pa.   Ang mga slide at mga grapika ng impormasyon ay pwedeng baguhin sa loob ng PowerPoint.

Ever PowerPoint Infographic Template
Ever - PPT Infographic na Tema.

3. Ang Deck ng Datos - ang PowerPoint Infographics Template

Itong Swiss Army na kutsilyo na tema sa PPT ay ginawa para sa nangangailangan ng modernong, mga simpleng infographic, ganon din ang mga tsart at mga icon sa kanilang mga presentasyon.   Ito ay gawang kamay at ginawa para sumabay sa usong patag na disenyong mga estetiko.   Mayroong 12 na mga iskema ng kulay na walang tunog, bold na tipograpiya, at palakaibigan na disenyo.

May mahigit 40 na infographic na mga slide para sa datos na pwedeng gamitin, may kasamang iskrol para sa mga tsart, mga talahanayan, at mga bisuwalisasyon ng datos.   Madaling baguhin ayon sa pangangailangan, pumili lamang ng nakapangkat na bagay, kopyahin, tapos balik ka ulit sa tinatrabahong slide, iklik ang kanan at piliin ang idikit.   Ganong lang kasimple! 

Data Driven PowerPoint Infographic Template
Ang Data Deck - PPT Infographics na Tema.

4. Somalia PowerPoint Template

Itong malinis, madilim, scalable at mapanlikhang PowerPoint Template, ay ginawa para ipakita sa mga potensyal na kliyente sa negosyo sa eleganteng paraan.   May 28 PPT na mga file at 125 natatanging mga slide.   Ang bawat isa ay may maraming mga infographic na opsyon, tulad ng: mga mapa, mga talahanayan, mga palatakdaan ng oras, at mga tsart ng datos.  Mayroon ding mga tampok tulad ng mga animation at daan daang mga vector icon na pwedeng baguhin. 

Creative PowerPoint Infographic Template
Somalia mapanlikhang PPT Business na Tema.

5. Patag na Infographic Presentasyon

Itong patag na infographic na estilong PPT na tema ay ginawa para sa maramihang layuning mga presentasyon sa negosyo.   Pwedeng gamitin para sa: pinasyal o presentasyon sa benta, mga checkpoint sa social media, mga update sa datos, mga profile ng kumpanya, at marami pa.  Nagtatampok ng 75 natatanging mga slide, libreng mga icon, at maraming opsyon sa kulay.   Madaling baguhin nang hindi nangangailangan ng Photoshop, pagbabago sa PowerPoint mismo.

Ang mga paksa sa slide ay ginawa ng may kasamang mga infographic at opsyon sa presentasyon, tulad ng: mga balangkas, mga profile ng pangkat, mga halimbawa ng portpolyo, mga layunin sa negosyo, pagsusuri sa mga pangangailangan ng mga kostumer, tsart sa pag-update ng negosyo, ulat sa benta, mga pinansyal na proyeksyon, pagsusuri ng ratiyo, puno at mga flow tsart, at marami pa. 

Flat infographic presentation template
 Patag na Infographic Presentasyon na Tema

6. Ang Zero Negosyong Infographic Presentasyon

Sero ay isang maramihang layuning PowerPoint Template para sa negosyo.   Ipakita ang iyong mga ideya sa negosyo sa pamamagitan ng mataas na kalidad ng mga biswal na opsyon.   May kasamang mga natatanging layout na kinuha mula sa makatotohanang at panalong mga presentasyon.  May mahigit 200 na mga slides na may laman, may mga portpolyo, gawang kamay na mga infographic, tsart ng datos, mga paghihiwalay sa bawat seksyon, mga talahanayan sa paghahambing, at mga palatakdaan ng oras. 

Business Infographic Presentation Theme
Ang Zero - Business Infographic PPT na Tema.

7. Minalo - Negosyong PowerPoint Template

Itong PPT na temang pang-negosyo ay malinis, malikhain at pwede kahit saan.   Mayroong 133 na natatanging mga slide at higit sa 3,000 na pwedeng baguhing mga vector icon.   May nakakahimok na halo ng natatanging iginuhit na mga ari-arian at mga opsyon para sa presentasyon ng datos (mga cloud graphic, mga ruwedang balangkas, piramidang layout, at marami pa).  Lahat ng mga grapiko ay pwedeng baguhin, kahit ang sukat.   May 20 na iskema sa kulay na may hindi madilim at madilim na mga background para pagpilian.  May mga madaling mabagong mga animation at mga slide transition. 

Minalo Info Creative PowerPoint Templates
Minalo -  Mapanlikhang Business PPT na Tema.

8. XtrimBro - Multipurpose Infographic PPT Template

Itong PPT na tema ay ginawa para sa maramihang layuning negosyo, tulad ng paguulat ng negosyo, mga presentasyon sa plano ng negosyo, mga panukala sa benta, at marami pa.  Ito ay nagtatampok ng malikhain, malinis na disenyo at nakakahimok na halo ng litrato at grapikong opsyon sa ari-arian.   May 100 natatanging slide na kasama.   Ang mga patong ay sobrang maayos at madaling baguhin.   Lahat ng mga infographic at mga elemento ay kasama sa vector format.   Ang mga palatakdaan ng oras, mga infographic, and mga tsart ng grapiko ay kasama.   Madaling baguhing mga kulay, teksto, mga litrato, at mga grapiko-lahat pwedeng baguhin. 

Business Infographic Creative PPT Template
XtrimBro - Negosyong Infographic PPT na Tema.

9. Stampede - Multipurpose Powerpoint Template

Dagdagan ang iyong benta at magsara ng mga transaksyon nang hindi tulad dati gamit itong maramihang Powerpoint Bundle template. Magpakita ng dinamikong mga presentasyon gamit itong mga slide, na dinisenyo para sa kalakal, social media, SEO, o ibang gamit sa negosyo.   Kasama ang daan daang mga gawang kamay na mga infographic, kasama ang 740 na malikhaing mga slide na pwedeng trabahuin—parehong madilim at maliwanag na mga bersyon. 

Maraming mga opsyon para sa presentasyon ng datos mula sa mga tsart, mga balangkas, mga mapa ng isipan, komersyo, pangkat, negosyo at kalakal na mga slide.  Itong mga modernong layout ay batay sa master PPT na mga slide at madaling gawin.

Creative Multipurpose PPT Template
Stampede - Multipurpose PPT Tema.

10. Malikhaing Konseptong PowerPoint Template

Ito ay makulay, malikhaing presentasyong tema na ginawa para ipakita ang iyong impormasyon at paggawa ng biswal na kwento.   Ito ay kahanga-hangang kagamitan para sa pagpapakita ng inyong kumpanya, mga daloy ng trabaho, mga proseso, at datos.   May kasamang maraming natatanging mga slide at maraming tema ng kulay na mga opsyon, mula sa maliwanag hanggang madilim. 

Pwede mong gamitin ang template na ito para sa: malikhain, organisasyon, kumpanya, mga benta, at marami pang uri ng mga presentasyon.   Kasama dito ang iba't-ibang uri ng mga infographic na slide opsyon.   Walang Photoshop o karagdagang aplikasyon na kailangan para sa pagbabago, PowerPoint lamang. Ipasok lamang ang iyong teksto, ilagay ang imahe, at handa na ang iyong slide. 

Creative PowerPoint Theme
 Malikhaing Konseptong PP Tema.

11. Mercurio PowerPoint Presentasyon Template

Itong temang presentasyon para sa impormasyon ay may mahigit 90 na slide para sa nilalaman at nababagong kulay na mga temang opsyon.   Ipakita nang may kaliwanagan, ipagyabang ang iyong pangkat, ang iyong portpolyo, baguhin ang mga palatakdaang oras, at mga talahanayan ng presyo, mga tsart ng datos, mga infographic, mga mapa at marami pa.  Maraming mga madaling mabagong mga layout na opsyon, mga animation, at mga nababagong mga hugis ng PowerPoint vector.   Nagtatampok ng libreng font at mga icon.

Great PowerPoint PPT Template
Mercurio Negosyong PowerPoint PPT na Tema.

12. Negosyong PowerPoint Presentasyon Template

Itong malikhaing PowerPoint na tema ay may kasamang toolbox para sa presentasyon.   Mahigit 300 na natatanging mga slide para sa presentasyon, 50 iba't ibang kulay, at magagandang propesyonal na disenyo at malikhaing mga ideya.   Ito ang isa sa mga klase na pwede sa lahat, maraming kapabilidad na template sa presentasyon sa listahang ito.   Akma sa pagsasagunita ng mga ideya sa negosyo, datos sa akawnting, online na plano sa kalakal, o anumang malikhaning kwento sa negosyo.

Nagtatampok ng moderno at minimal na disenyo.   Maraming magkakaibang mga pinagsamang mga balangkas na powerpoint, mga mapa, mga tsart, at mga nababagong mga slide para sa mga datos na teksto at imahe.  Kapag kailangan mo ng epektibong template sa iyong presentasyon, ito ang sagot sa iyong mga pangangailangan.   Kalidad na template na malayo ang mararating para sa mga layunin ng iyong presentasyon. 

Best Business PPT Template
Negosyong PowerPoint PPT Tema.

5 PowerPoint Data Presentasyon Tips

Ito ang mga limang mabilisang mga tip sa presentasyon, para magagamit mo nang lubusan ang iyong infographic PPT na tema, at mapaganda mo ang iyong presentasyon: 

1. Simplehan ang Iyong Slide na Disenyo 

Ang presentasyon ng datos nang epektibo hangga't maaari ay makakatulong para pagtibaying ang iyong kredibilidad.   Ito ang makakatulong para baguhin ang isipan ng iyong manonood, epektibong naitataguyod ang iyong tatak, at nakakapagsara ng transaksyon. 

Ingatan ang iyong datos at huwag maging pabaya.   Gusto mong ipakita ang iyong impormasyon nang malinis. 

Gamitin ang disenyo para pagisahin ang mga elemento.   Ilagay sa isipan na ang parehong kulay ay pinagsasama ang parehong impormasyon at magkakaibang kulay ay pinaghihiwalay ang mga iba't ibang datos.   Ang gamit ng modernong, sans serif font ay pananatilihing alinsunod ang presentasyon ng datos.   Siguraduhing gumamit ng maraming espasyo huwag pagdikit-dikitin ang iyong mga slide. 

2. Magdala ng Kaliwanagan at Pokus 

Malamang maraming kang mga datos na titignan.   Puno ng hamon ang pagsamahin ang mga impormasyon, pero iyon ang susi para magkaroon ng epekto.   Sa bawat slide na pipiliin, may isang pangunahing bagay dapat paglaanan ng pansin.   Kapag kaya mo, mag-pokus sa iisang metriko para sa bawat elemento. 

Iyan ang gitnang punto na pwede mong gawan ng slide.  Tandaan, kapag mas maraming datos na naihambing ang idinagdag sa infographic, mas malilito ang iyong mga manonood.  Kapag nagdududa, magdadagdag ng isa pang slide sa iyong presentasyon, at ilipat ang ekstrang impormasyon dito. Magdala ng kaliwanagan sa bawat slide. 

3. Gawin Mong Bayani ang Iyong Datos

Ang iyong layunin ay magpakita ng makabuluhang datos.  Gusto mong mangibabaw ang iyong impormasyon at ang ibig sabihin ng iyong impormasyon ay malinaw sa iyong manonood. 

Madali lang magdagdag ng mga hindi kailangan sa iyong datos na nagiging dahilan para ito'y maging nakakalito.   Kailangan mo ba talaga ang paglalarawan ng iyong talata?   Iyan bang litrato ng mga kalalakihan na naka-Amerikana ay talagang nakakatulong?  Gusto mo ba na ang mga panuto ay nakaturo kahit saan? Tanungin ang bawat elementong idadagdag.   Ang bawat bahagi na ginagamit mo ay dapat pampuno sa iyong datos at hindi pampagulo sa iyong manonood mula sa iyong mga puntos. 

4. Piliin Ang Pinakamahusay Slide Infographic

Napakaraming paraan para magpakita ng datos: mga flow tsart, mga punong balangkas, mga palatakdaan ng oras, mga talahanayan sa paghahambing, mga linyang talangguhit, mga bar tsart—at marami pang iba.

Piliin ang infographic opsyon na akma sa iyong impormasyon.   Ang format na ginamit mo para maisagunita ang iyong datos ay nililinaw ang iyong punto at ginagawang madaling maintindihan. 

5. Magsabi ng Biswal na Kwento

Nakakatuksong gustuhin ang lahat na nakalap na datos, magiging mabigat lamang ito sa iyong mga manonood.   At higit sa lahat gusto mo nagsasabi yung datos mo ng kwento.   Pangunahan ang iyong mga manonood sa pamamagitan ng biswal na kwento. 

Kapag ikaw ay gumagawa ng presentasyon sa benta, ipakita ang datos sa paraan na maeenganyo ang mga manonood na bumili.   Kapag ikaw ay nagsisimula ng bagong ideya, ipakita ang datos sa paraang hihimukin ang mga imbestor na mamuhunan.   Kapag ina-update mo ang iyong pangkat sa negosyo sa mga kinita noong nakaraang apat na buwan, ipakita ang impormasyon na magbibigay linaw sa mga prosesong nagawa mo na. 

Magkaroon ng malinaw na mithiin at ipakita ang datos na makakatulong para makamtan ito. 

Alinman sa mga PowerPoint template na nabanggit sa artilong ito ay mabibigyan ka ng mahusay na mga opsyon sa iyong presentasyon.   Pwede mong piliin ang pinakamahusay na format para sa iyong impormasyon, at isama ang mga tamang infographic slide na magsasabi ng iyong nakakahimok na kwento. 

Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.