15 na Malikhaing, Infographic na Templeyt ng Resume
() translation by (you can also view the original English article)
Ikaw ba ay nag-aapply para sa bagong trabaho? Kung oo, paano mapapansin ang iyong resume sa isang mataong merkado ng trabaho? Hindi ba dapat ang iyong resume ang umaangat sa ibang mga aplikante?
Ngayon ay tamang panahon upang isumite ang iyong resume para sa posisyon na iyong hinahanap. Bawat segundong ikaw ay naghihintay, isa pang aplikante ay nagpapadala ng kanilang resume, inilalagay sila sa posisyong sila ay mabigyan ng trabaho, habang ikaw ay napag-iiwanan.
Kailangan mo bang muling ayusin ang disenyo ng iyong resume? At gawin ito nang mabilis sa lalong madaling panahon? Kahamun-hamon at nakakaubos ng oras para magdisenyo ng resume mula sa wala—isa na nagbibigay ng mahusay na unang impression.
Kailangan mong i-organisa ang iyong nakaraang mga trabaho, detalye ng pagiging empleyado, at maipakita ang iyong mga kakayanan sa isang graphic na paraan. Gumawa ng konseptong biswal, idisenyo ang iyong layout sa Photoshop, Illustrator, or InDesign. Tapos kailangan mong hakbang-hakbang na gawin ang bawat custom section ng iyong resume, upang makagawa ito ng malakas na epekto. Ngunit huwag mag-alala, kung ikaw ay nagmamadali at nangangailangan ng mahusay, at nakahanda nang solusyon, kami ang bahala sa iyo!
Ang kailangan mo ay isang propesyonal na templeyt ng resume—isang umaangkop sa iyong nais na disenyo, mayroong mahusay na infographic at biswal na mga tampok, at napakali para iyong magawang pansarili.
Infographic at Visual Design Features
Kami ay mayroong mga malikhaing resume templates na nakatampok dito mula sa GraphicRiver. Ang bawat isa ay dinisenyo gamit ang propesyonal na graphics, upang iyong makuha ang trabahong iyong ninanais. Sila ay mayroong kasamang malinis na mga infographics, at data presentation options, kaya’t ang iyong karanasan at kakayahan ay kumikinang nang may linaw sa isang tingin.



Ang bawat isa sa mga infographic resume templates na ito ay maraming visual features upang ipakita ang iyong karanasan sa trabaho sa kaakit-akit na paraan. Habang maraming tampok, ang mga ito ay madaling gamitin. Maaari mong sa anong oras ay isaayos ang iyong profile, kasaysayan ng iyong trabaho, maipakita ang iyong mga kakayanan, at ilagay ang iyong personal na detalye ng brands.
Mayroong mga visual features na maaari mong gawing pansarili, tulad ng:
- makukulay na infographics
- nae-edit na talangguhit ng mga kakayanan
para sa trabaho
- timelines ng karanasan sa trabaho
- napapasadyang mapa ng mga salita
- bar at pabilog na grap
- iba’t-ibang graphic icons
Karagdagan pa dito, ang mga malikhaing resume na ito ay mayroong advanced options upang ipakita ang iyong personalidad, at maraming nagsasama ng mga pahina ng pagpresent ng portpolyo, cover letters, at iba pa.
Kumuha ng isa sa mga makatawag pansin na resume, magdagdag ng iyong pansariling graphics at impormasyon, at ikaw ay handa nang makuha ang trabaho na iyon!
Malikhaing Templeyt ng Resume
Heto ay 15 malikhaing templeyt ng resume na may mahusay na infographic at biswal na tampok na pagpipilian:
1. Infographic na Templeyt
ng Resume
Vol.1
Ang templeyt ng resume na ito ay nagtatampok ng maraming infographics. Ito ay mayroong istilo ng modernong disenyo at mayroong matalas at malinis na itsura. Ito ay ginawa upang gawin ang iyong kasaysayan ng trabaho at mga kakayanan na makatawag-pansin sa malikhain at propesyonal na paraan. Ito ay mayroong Photoshop, Indesign at Microsoft Word files. May kasama itong naaangkop na cover letter. Madali i-edit at i-customize, at matutulungan ka nitong gumawa ng hindi malilimutang impression! O kaya ay maaari kang makakuha pa ng mga pagpipiliang disenyo mula sa gumawa nito gamit ang Infographic na Bundle ng Resume.



2. Malinis at Makulay Templeyt ng Resume
Mayaman sa graphics, makulay, maraming icons at infographics—na mabilis na maipakikita ang iyong aplikasyon bilang kakaiba—ang templeyt na ito ng infographic resume ay handa nang gamitin. Ito ay dumadating sa MS Word, InDesign, at PDF formats. Ito ay madaling i-edit at i-customize. At ito ay nakahanda nang propesyonal para sa paglilimbag sa mataas na kalidad o maaari kang mag-export sa maraming sikat na formats.



3. Tri-fold Resume at Portpolyo
Ang resume templeyt na ito ay magandang paraan para magpakita ng malikhaing impression. Ito ay dinisenyo kasama ang biswal na tampok upang masaklaw na maipakita ang iyong folio, maipresenta ang iyong karanasan sa trabaho kasama ang infographics, maisama ang iyong personal na brand, maipakita ang iyong kakayanan, at iba pa. Ang graphic na disenyo ng resume na ito ay tumitiklop nang malinis sa tatlong bahagi na kasya sa isang pamantayang sobre. Ang InDesign file na ito ay hinanda para sa paglilimbag at handing gamitin.



4. Malikhaing Templeyt ng Resume Disenyo
Infographic at mayaman sa datos, may mga numero at modernong fonts, ang malikhaing resume templeyt na ito ay isang mahusay na paraan upang ipakita ang iyong mga abilidad sa mga potensyal na employers. Ang iyong kasaysayan sa trabaho at katangi-tanging mga kakayanan ay kaagad na mapapansin. Ito ay may InDesign at Illustrator formats. Ito ay handang ilimbag, itayo gamit ang text styles, may mga layers na handang gamitin, pati na rin mga infographics na madaling i-edit. Iyong maaring idagdag kaagad ang iyong impormasyon at mag-customize. Mayroong itim, abo, at puting mga bersyon.



5. 3-Piece Malinis na Infographic Resume
Ang modernong resume templeyt na ito ay mayroong malinis na infographic na mga tampok upang ipakita ang iyong mga kakayanan nang biswal at ipakita sa mga potensyal na employers kung anong pangunahing mga kakayanan ang kaya mong dalhin sa kanilang organisasyon. Ito ay may InDesign at Photoshop formats. Ito ay maaaring may A4 at Letter sizes. Ito ay siksik sa vector icons at infographics, na madaling i-edit at gawing pansarili. Lumukso bilang malikhaing propesyonal!



6. Infographic Style Resume Template
Ang resume na ito ay mahusay para sa lahat ng uri ng mga nagdidisenyo at mga malikhain, o kahit sino na gusting kuhanin ang mata ng employer mula sa maraming mga aplikante. Ang templeyt pack na ito ay may resume, cover letter, at pahina ng portpolyo. Mayroo ring maraming pagpipiliang mga kulay sa mga Photoshop (PSD) files na ito. Kung ikaw ay may mga kakayanan na maitatampok sa mga potensyal na employers, ang resume templeyt na ito ay mahusay na solusyon. Ito ay may infographic at biswal na pagpipilian ng display na malinis, propesyonal, at makatawag-pansin.



7. Simple Infographic Resume Disenyo
Ito ay isang simpleng infographic resume templeyt, na maaaring magpresenta ng iyong impormasyon ng mga trabaho sa propesyonal na paraan. Ang datos at mga biswal na tampok ay matalas at mababasa nang may linaw. Ito ay may PSD/Photoshop, AI/EPS, at InDesign/INDD file formats. Ito ay handing ilimbag sa 300DPI at ihanda gamit ang propesyonal na printer bleeds. Ang files na ito ay mae-edit at organisado. Maaari mong makuha ang iyong bagong trabaho gamit ang disenyong itong resume.



8. Mga Elemento ng Infographic Curriculum Vitae Resume
Ito ay isang propesyonal na disenyo ng resume pangkalahatang nasa vector format. Ito ay handing gamitin, madaling i-customize sa iyong impormasyon, at ipresent ang iyong mga kakayanan sa biswal na istilo. Ang graphic resume templeyt files ay nagtatampok ng mga pagpipilian para maipakita ang iyong tirahan sa mapa, mga lenggwaheng iyong sinasalita, maaari mong mapaangat ang iyong mga kakayanan, at gumamit ng icons upang tumawag ng pansin sa mga awards, karanasan sa trabaho, at iyong mga mga kwalipikasyon. Ito ay nagtatampok ng makulay na disenyo sa malinis na puting likuran.



9. Ansel - Graphic na Resume at Templeyt ng Cover Letter
Gamit ang malinis na itim at puting disenyo, mahusay na mga biswal na tampok na infographic, at photo at brand components, ikaw ay kaagad mapapansin sa graphic na resume templeyt na ito. Ito ay may propesyonal at graphic na format ng disenyo na mayroong Photoshop at Word. Ikaw ay maaari kaagad mag-customize sa kahit aling application. Ito ay mayroon ring cover letter templeyt dagdag sa isang pahinang resume. Magkatrabaho na ngayon!



10. Creative Resume Templates 2 in 1
Kung ikaw ay nag-a-apply para sa kahit anong posisyon, ang iyong unang impression ay nagsisimula sa iyong resume. Ang graphic na templeyt pack na ito ay mayroong dalawang malikhaing disenyo ng resume. Ang bawat isa ay may infographic at biswal na tampok na kayang ipakita ang iyong karanasan, idetalye ang iyong mga kakayanan, at tulungang mapaangat ka sa biswal na paraan. Ang kahit aling Photoshop file ay madaling iangkop sa iyong profile at personal na brand. Ang mga resume templeyt files ay mayroon ding displays ng portpolyo, business cards, covers, at karagdagang mga tampok.



11. Resume Template Disenyo
Ang graphic resume template package na ito ay mayroong anim na pahina: pangunahing pabalat, pahina ng resume, sanggunian, portpolyo, sulat, at panlikod na pabalat. Ito ay simpleng, modernong graphic na disenyo ng resume, na maaaring itiklop sa tatlo para maipadala. Madali idagdag ang iyong impormasyon, gamitin ang mga infographics, at biswal na mga pagpipilian ng graphics, at mamukod tangi nang propesyonal—na may malinis na pagkamalikhain. Ito ay handa para sa paglilimbag sa InDesign format.



12. Graphic Resume Template
Ang sikat na user-friendly, graphic na resume templeyt na ito ay may mga pagpipiliang files. Mayroong sa Adobe Photoshop, Illustrator, InDesign pati na rin MS Word. Mayroong 8 kulay na nakahanda at maaaring gamitin—332 files lahat-lahat. Lahat ay maraming mayroong pagpipiliang pahina: simpleng resume, infographic resume, cover letter, at folio. Ang graphic resume template files lahat ay maaayos na naka-layer, nakahanda para sa isang pindot na pagpapalit, at madaling gamiting istilo ng talata.



13. Malikhaing Templeyt ng Resume Disenyo
Ang resume templeyt na ito ay malinis na dinisenyo, sa eleganteng istilo, at mayroong simpleng graphic at mga tampok na pagpresent ng datos. Kailangan mo bang kumuha ng trabaho? Ang disenyo ng resume na ito ay tutulungan kang gumawa ng malikhaing propesyonal na impression. Ito ay nakapakete kasama ang MS Word at Photoshop files. Sila ay inihanda upang ma-customize, organisado, at madaling i-edit. Kuhanin ang pinakamahusay na mga resulta sa pinakamabilis na paraan gamit ang templeyt na ito ng resume.



14. Hexagon Graphic Resume Template
Ito ay isang magandang disenyo ng resume na may simpleng tema ng hexagon. Ito ay mayroong graphic page templates para sa: resume, cover letter, portpolyo, at sanggunian. Ito ay may anim na pagpipiliang kulay at mayroong Photoshop, InDesign at Word files. Ang graphic na templeyt ng resume na ito ay nakahanda upang mailimbag sa mataas na kalidad, at nangangailangan lamang dagdagan ng iyong persona na mga detalye. Maaari ka nang magpadala ng biswal na namumukod tanging resume sa mga potensyal na employers.



15. Biswal Resume/ CV na may Graphics at Infographics
Kailangan mo ba ng sariwang resume o kurikulum bitey (CV)? Anuman ang iyong tawag dito, ang iyong resume ang naglalagay ng iyong paa sa pintuan ng kahit anong trabahong iyong pasukin. Kung matagal na simula ng huli mong maiangkop ang iyong resume, isang makalidad na disenyo nito ang iyong kailangan. Ang propesyonal na graphic na templeyt ng resume ay mayroong sa InDesign, Illustrator, at Word format. Kasama nito lahat ng infographic at biswal na tampok na iyong nanaisin para makagawa na mahusay na unang impression!



3 Mabilis na Payo para sa Pagdidisenyo ng Resume
Heto ay tatlong mabilis na payo upang makapili ng pinakaangkop na templeyt ng resume para sa iyong pangangailangan, paano ito i-customize at dagdagan ng iyong natatanging detalye ng branding:
1. Pumili ng Maayos na Disenyo ng Templeyt ng Resume
Maraming malikhaing templeyt ng resume. Maaaring maging mahirap pumili sa huli ng maaaring gamitin. May ilang puntong maaaring pag-isipan upang gumawa ng angkop na desisyon.
Una, isipin kung anong biswal na itsura ang iyong nais at kung paano ito kakatawan sa iyo sa merkado. Mas interesado ka ba sa makulay na resume ng infographic—isang may matapang na icons at graphics? O mas naaakit ka ba sa simpleng itim at puti, tulad ng simpleng Ansel resume template. Anuman ang kaso, nais mo ng disenyo ng resume na organisado, nababasa nang malinaw, at nakahanda sa layout na madaling sundan ng mata.
Karagdagan sa istilo, dapat mo ring isipin kung ano ang mga sangkap iyong kailangan. Nais mo ba ng isang pahinang resume o kailangan mo rin ng cover letter at pahina para ipresenta ang iyong portpolyo? Nais mo ba ng mga icons at ibang biswal na tampok upang gawing katangi-tangi ang mga bahagi ng iyong resume? Pumili ng templeyt ng resume na may itsura at mga tampok na iyong kailangan.
Bawasan rin ang iyong pagpipilian sa kung anong graphic software ang iyong kinasanayan at magagamit. Mayroon ka bang Photoshop, Illustrator, InDesign, o Word? Kung hindi, maaari ka ring kumuha ng graphic designer upang tulungan ka. Maaari nilang idagdag ang iyong detalye sa kahit anong templeyt na iyong piliin.
Kapag iyo nang nakita ang mga pagpipilian, pauntiin ang iyong kailangan sa istilo at pagpresent, at gumawa ng mahusay na desisyon at pumili ng isa.
2. Kunin ang Mata gamit ang Resume Infographics
Maaari ka ring magbigay ng atensyon sa infographics kapag gumagawa ng desisyon kung anong templeyt ang gagamitin. Ang mga disenyo ng infographics ay mahusay na paraan para magdagdag ng detalyado at naaayon sa datos na dating sa iyong resume. Sila ay nagdadala rin ng pokus sa mga detalye na iyong nais tawagan ng pansin kaagad, tulad ng kung gaano ka kaeksperto sa partikular na software program o karanasan sa trabaho na mayroon ka.
Pinag-iisipan kung nais mong ipresenta ang iyong kasaysayan sa trabaho gamit ang timeline? O nais mo bang idagdag ang iyong mga kakayanan gamit ang bilog na tsart? O posible, magpakita ng word clouds para itampok ang iyong propesyonal na karanasan?
Pumili ng graphic na templeyt ng resume na mayroong tamang tampok na infographic na iyong kailangan at magpapakita ng iyong kakayanan at karanasan nang may linaw.
3. Idagdag ang Iyong Brand at Gawing Pansarili
Isa pang puntong dapat pag-isipan ay kung paanong umaangkop ang iyong personal na brand sa templeyt ng resume na iyong tinitignan. Babagay ba ang iyong larawan at personal na gawang brand sa resume templeyt na ito? Paano kakasya ang iyong personal na logo sa disenyo? Mayroon rin bang mga kulay na tema na angkop sa iyong brand o madali i-customize para umangkop?
Nais mong maging hindi kalimot-limot ang iyong resume, kaya pumili ng templeyt na maaari mong lagyan ng iyong personalidad.
Kami ay mayroong nakatutulong na artikulo sa payo sa malikhaing disenyo ng resume para sa mas nakaaantig na suhestyon—kasama ang payo kung paano mas maayos na malalagyan ng brand ang iyong resume:
At kung ikaw ay isang graphic designer, at naghahanap lamang ng gabay kung paano idisenyo ang iyong malikhaing disenyo ng resume sa InDesign, at maggawa gamit ang sangguning ito:
Kung kailangan mo ng mahusay na overview ng kung paano gawin ang iyong resume, na sumasaklaw sa proseso ng pagsusulat at pagdidisenyo, pumunta dito sa sangguning ito:
Kahit alin sa mga malikhaing templeyt ng resume na nabanggit sa artikulong ito ay maaaring maging kung ano ang iyong kailangan. Ilagay ang impormasyon ng iyong trabaho dito sa propesyonal na mga disenyo, i-customize ito sa iyong profile at karanasan, idagdag ang iyong personal na branding at graphics, at i-export. At hand ka nang makuha ang trabaho na iyong nais!
