Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
  1. Business
  2. Microsoft PowerPoint
Business

15+ Animated na mga PowerPoint Templates na may Kahanga-hanga at Interaktibong mga Slides

by
Length:LongLanguages:
This post is part of a series called Microsoft PowerPoint Templates (Ultimate Guide to the Best PPT).
35 Best Infographic PowerPoint Presentation Templates—With Great PPT Data Slides
30 Best Pitch Deck Templates: For Business Plan PowerPoint Presentations

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Kung ikaw ay may presentasyon na kailangan paghandaan sa kaunting panahon, marami kang kailangang gawin.

Napakahalagang alamin ang mga layunin mo sa iyong presentasyon, at bigyan ng buhay ang iyong mga ideya at ayusin ang iyong presentation deck bago ang iyong panayam.

Kung ikaw man ay magbabahagi ng ideya sa maliit na grupo sa opisina o sa harapan ng maraming tao sa isang pagpupulong, ang disenyo ng iyong presentasyon ay dapat naglalaman ng iyong mga punto.

Ang bawat bahagi ng iyong mensahe ay kinakailangang makakuha ng atensiyon ng iyong manonood at ito ay dapat makatulong para maihatid ang iyong mga punto. Ito din ay nagdadagdag ng bahagyang mosyon upang ang iyong teksto at grapika ay maging moderno at maging kaakit-akit sa iyong mga manonood.

Gamit ang tamang animated na PowerPoint template, maaari kang magbuo ng iyong konsepto na may mosyon, at gumawa ng isang kapuri-puring presentasyon na interaktibo at may istilo – nang hindi sumosobra.

Maaari niyong makita ang mga pangunahing PPT presentation designs sa GraphicRiver. Ito ang mga kasalukuyang popular, at pinakamabentang PowerPoint templates, na maaaring i-download sa 2017.

Best Premium PPT templates with animated features
At pinakamabentang premium PowerPoint templates sa GraphicRiver, maraming animated na katangian.

O patuloy magbasa para sa isang premium na seleksyon ng mga PPT template na may kahanga-hangang animation na pagpipilian:

15+ Animated (Interaktibong) na mga PowerPoint Templates

Dito tampok namin ang ginawang set ng pinaka-nangungunang animated na mga PowerPoint template sa GraphicRiver na may interaktibong mga slide, mga gawang transisyon, at mga disenyo ng elemento na maaaring lagyan ng mosyon. Gumawa ng magandang PPT presentation ng mabilisan gamit ang isa sa mga propesyonal na mga disenyong ito.

Kami ay naglabas din ng halimbawa ng mga presentation slide na may animation at nagdagdag ng ilang mga demo video ng mga PowerPoint na ito.              

I-browse ito sa animated na mga PPT template, pag-aralan ang iba pang naiibang katangian ng bawat isa na kasama nito, at hanapin ang tamang set ng diseniyong dapat i-download para sa iyong presentasyon.

1. i9 Template System - PowerPoint Animation Templates Set

Ang i9 ay isang propesyonal at popular na animated na template set ng PowerPoint. Ito ay may ilang kahanga-hangang disenyo, mula sa custom gradients hanggang sa iba’t-ibang grapika.

Ito ay puno ng daan-daang animated na mga slide, na may mahusay na transisyon at maayos na mosyon sa mga elementong tulad ng infographics, talaan, at mga tsart. Tingnan ang video sa itaas para makita ang paggamit ng mga PowerPoint animation.

2. Marketofy - Ang Ultimate PowerPoint Template na may Animated na Slides

Itong kilalang PowerPoint template ay puno ng may kalidad na disenyo ng mga slide, kakaibang grapika at mga animation. Maaari mo itong ayusin ng mabilis para sa pangangailangan ng iyong presentasyon-lahat makikita sa loob ng PowerPoint. Itakda ang iyong mga slide transition sa mabilis na tiyempo at maglagay ng mga animation sa iyong mga pinkamahahalagang punto.

3. Motagua - Maraming layunin na Animated at Interaktibo PPT Template

Motagua Interactive Animated Template for PowerPoint

Pahangain ang iyong manonood gamit itong animated na PPT Template. Ito ay isa sa mga pinakamabili, at pinakapopular na template sa GraphicRiver. Ito ay may mataas, at five-star na marka mula sa mga gumagamit nito tulad ng:

“Isang kahanga-hanga, naaangkop na deck na makakapaghatid ng kahit na anong mensahe sa pamamagitan ng pagkuha ng atensiyon ng manonood sa propesyonal na pamamaraan.”

I-download itong PowerPoint template, at mabilisang ayusin ang iyong presentasyon mula sa mga daan-daang slide at graphics.

4. Ang Cavale - Maraming layunin PowerPoint na Animated Template Design

Cavale PowerPoint Animated Template PPT Design

Ang Cavale ay mas mainam na piliin kaysa gamitin ang libreng PowerPoint templates. Itong premium na PPT download ay may propesyonal na katangian na iyong inaasahan. Ito ay may malaking bilang ng mga slide design, isang daang color themes, at maraming mga animation na ginamit sa mga custom graphic.

5. Quadro - Pambihirang Animated PowerPoint Presentation Template

Kung kailangan mo ng isang propesyonal PPT template na may naiibang effect ng animasyon, ang Quadro ay meron nito. Gumamit ng simpleng transisyon at custom na maipapakita sa iyong mga slide, mga larawan, at mga punto. Ito ay isang PowerPoint template na may interaktibong istilo ng presentasyon at kanais-nais na paghahatid.

6. Spectacular - Animated PPT Presentation Set na maaaring I-download

Ito ay isang malikhaing animated PowerPoint template set. Ito ay ginawa upang mapagsama ang dalawang-minutong presentasyon ng pangkabuhayan, at ito ay may slide na madaling i-edit, may animated na graphics, at lahat ng iyong kailangan upang makagawa ng isang kawili-wiling kwento. Sa paraan na iyon, maaari kang magbahagi ng iyong mga ideya at makahikayat ng iyong manonood.

7. The Zero - Ang Infographic Style PowerPoint na may mga Animated Slide

The Zero Infographic PowerPoint With Animated Slides

Ang Zero ay malinis, masusukat na PowerPoint template may maraming disenyo ng mga slide at propesyonal na katangian, tulad ng: madaling i-edit na mga animation, mga transisyon, at iba pa. Ito ay may gawa-sa-kamay na infographics at may mga custom animation na ginamit sa bawat bagay. Maaari mo itong ayusin nang mabilis at maaari mo ding palitan ang sukat at iskala kung kinakailangan.

8. Startup X - Tamang Animated Pitch Template para sa PowerPoint

Startup X Best Animated Pitch Template for PowerPoint

Kung mayroon kang ideya na kailangang bigyang-diin, para sa isang malikhaing negosyo, ang Startup X ang maasahang mong PowerPoint template. Ito ay may mga modernong slide para sa planong pangkabuhayan, kaakit-akit na infographics para mailahad ang iyong datos, at mga slide para maipakita ang potensiyal na paglago. Ito ay may kumpletong animated na bersyon.

9. Napakagandang Multipurpose Presentation Template – Ito ay Animated

Exquisite Unique PowerPoint Presentation Template - Fully Animated

Ito ay minimal na istilo PowerPoint template design na may modernong katangian. Ito ay may maraming malikhaing disenyo ng mga slide na pagpipilian, mga infographics, vector illustrations at ito ay animated. Mabilis mong mapapalitan ang color scheme, maiaayos ang iyong mga slide, at maglalagyan ng mga animation effect para bigyang-buhay ang iyong mga ideya.

10. PowerPoint Template Pro Pack -  na may mga Animated na Slide

Itong PowerPoint template pack ay isang koleksyon ng mga interaktibong graphics, mga propesyonal na slide, mga kakaibang dayagram, at mga malikhaing PPT template file. Ito ay madaling i-edit sa pamamagitan ng maraming animation, mga transisyon, at iba pang opsyon para magbigay ng sapat na mosyon sa iyong mga ideya.

11. Summit 1 - PowerPoint Template para sa mga Animated na Presentasyon

Ang paghahanap sa web ng mga libreng animated na PPT template ay nakakaubos ng maraming oras. Sa halip, mas mainam gumamit ng isa sa mga pinakamahusay na premium PowerPoint templates. Ang Summit 1 ay may propesyonal na katangian, mula: 100 na kakaibang mga disenyo ng slide, hanggang sa malikhaing infographics, madaling i-edit na smart art, at magagandang animation upang makapaghatid ng balanseng presentasyon.

12. Ever - Animated Presentation Template para sa PowerPoint

Ever Animated PPT Presentation Template for PowerPoint

Ito ay isang malikhaing animated na PPT template na ginawa para sa iba’t-ibang uri ng presentasyon, mula sa pangkabuhayan hanggang sa personal. Ito ay may mahigit sa 200 na mga custom PowerPoint slide design at mga pakete na may: 300 na font, 10 color themes, at toneladang mga infographics. Tampok din nito ang mga magagandang slide transition at custom animation para sa bawat bagay.

13. Archie - Animated PowerPoint Presentation Theme Design

Archie Animated PowerPoint Presentation Template Design

Gamitin ang buong animated PowerPoint template na kasama sa premium download na ito. Ito ay may kalidad na mga slide transition na maaari mong gamitin sa paglalagay ng animation, at gayon din sa paglalagay ng animation sa mga graphic elements at infographics na maaari mong kontrolin. Ito ay may koleksiyon ng mga katangiang pang-propesyonal.

14. ONE - PPT Presentation Template na may mga Animated na Version

ONE - PowerPoint Presentation Template With Animated Version

Kung ikaw ay bigo sa paghahanap ng mga libreng animated powerpoint template na may pinakamagandang katangian, panahon na para kumuha ng Premium PPT set. Ang One template ay may napakagandang modernong set ng mga slide design, na ginawa para magamit mo sa paglalahad ng iyong mga ideya. Ito din ay madaling i-edit at ito ay may mga animation na maaari mong ilagay sa iyong mga slide upang bigyan ng diin ang iyong mga punto.

15. Awesome Slides - Interaktibong PPT Template + Animated Slides

Ang Awesome slides ay maaari mong i-edit sa loob ng PowerPoint. Hindi mo na kailangan ng iba pang graphic programs tulad ng Photoshop para ayusin ang mga graphics at magagandang disenyo ng mga slide. Maaari mong ma-edit nang mabilis ang lahat ng elemento, maitakda ang mga custom animated PPT slide ng mosyon, at malagyan ng mga kakaibang animation sa lahat ng infographics-para mas maging epektibo ang iyong mensahe.

16. Concept - Ang Powerpoint Interactive Template Slide Bundle

Ang Concept ay isang 3 in 1 na Powerpoint theme bundle, ibig sabihin makakakuha ka ng tatlong mataas na kalidad, na mga animated PowerPoint template sa iisang presyo.

Tampok sa video na nasa itaas ang Revolution PowerPoint template, na may mahigit sa 100 na kakaibang disenyo ng mga slide, magagandang animation, at napakaraming katangian na madaling i-edit.

I-download ito ngayon para gawin nang mabilis ang iyong susunod na presentasyon (at magkaroon ng iba pang animated PPT decks na maaaring magamit sa iba pang presentasyon.

Bakit dapat gumamit ng mga Animation sa iyong mga PowerPoint Presentation?

Ang Animation ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang kontrolin ang iyong PowerPoint presentation.

Maaari mong lagyan ng animation upang bigyan ng tiyempo ang iyong pagsasalita at lalong pagandahin ang iyong presentasyon. Ito ay magagawa mo sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga transisyon sa pagitan ng bawat slide o paghayag ng mga elemento sa iyong mga slide, tulad ng susunod na bullet point o bar sa tsart.

At ikaw ay kaagad na makakagamit ng animation upang lalong mabigyang-diin ang iyong panayam o upang maglagay ng drama sa mga ideyang iyong ipapakita, tulad halimbawa nitong basic animation na ginawa sa pamamagitan ng Simplicity PowerPoint template:

Use animations in PowerPoint templates to animate your text and images
Gumamit ng mga animation sa PowerPoint template para bigyang buhay ang iyong mga teksto at larawan.

Laging tandaan ang tanong na ito: Ang paggamit mo ba ng animation ay magbibigay ng interest sa iyong manonood? Ang pinakamahusay ng paggamit ng animation ay kung ito ay nakaugnay sa iyong istilo ng presentasyon at ito ay tugma sa iyong mensahe.

Iwasang magdagdag ng mga hindi mahalagang animation na nakakainip para sa iyong manonood o makakaabala sa iyong pagsasalita.

Dapat gumamit ka ng animation sa PowerPoint kung:

  • Ito ay nababagay sa istilo ng iyong presentasyon, tulad ng  iyong pagnanais na ang iyong presentasyon ay maging mukhang mas moderno na may maayos na transisyon sa pagitan ng bawat slide.
  • Mayroon kang isang set ng bullet points o data graphics na gusto mong ipakita isa-isa, na magbibigay-daan sa iyo upang mapanatili ang pokus ng iyong manonood sa isang konsepto habang ikaw ay nagpapaliwanag.
  • Ikaw ay may planong ibahagi ang iyong presentasyon bilang file na magagamit ng manonood upang sila ay magkaroon ng interaksiyon. Maaari mong i-export ang iyong PowerPoint bilang isang interaktibong presentasyon at ito ay maipapadala sa email, Dropbox o online.

Ang Animation ay madaling gawin ng higit sa nararapat at ito ay maaaring mangailangan ng mahabang oras para gawin, ngunit ito din ay isang mainam na instrumento upang ang iyong PowerPoint presentation ay mangibabaw. Ngayon, tingan natin ang mga ilang paalala upang magamit ng mahusay ang mga animation.

3 Maikling Paalala sa Paggamit ng Animation sa PowerPoint ng Tama

1. Gawing Simple ang Iyong Animation

Ang animation ay di dapat kumplikado. Ang susi ay gumamit ng pare-parehong animation sa buong PowerPoint presentation.

Di magandang ideya ang magdagdag ng panibagong animation o transisyon sa iyong presentasyon. Iyon ay maaaring makaabala sa iyong manonood at ito ay di propesyonal tingnan.

At isa pa, ang PowerPoint ay nagbibigay ng tone-toneladang opsyon ng animation effect. Mainam na gumamit ng simple, gaya ng Appear o Fade. Kahit ang mga banayad na mga animation ay maaaring magkaroon ng kapansin-pansing epekto.

Malalaman mo din na ang mga lumikha ng mga premium PowerPoint template ay gumawa ng animation effects sa transisyon ng mga slide at mga graphic element sa kanilang presentasyon. Sa ganiyong paraan, mayroon ka ng nakahandang mga propesyonal na animation na agad mong magagamit, tulad ng nasa i9 PowerPoint template system.

2. Gumamit ng Animation sa Iyong mga Pangunahing Punto

Hindi mo kailangang bigyang-buhay ang bawat elemento sa iyong PowerPoint presentation. Kadalasan, pinakamainam gumamit ng animation sa ilang elemento lamang ng iyong presentasyon. Upang ang mga ito ay mangingibabaw.

Piliin sa iyong presentasyon at hanapin ang mga pinakamahahalagang punto na iyong nilalayong ipabatid. Ang mga ito ang pinakatamang lugar para simulan ang paglalagay ng mga PowerPoint animation.

Maaari ka ding gumamit ng animation para bigyang-diin ang mga punto sa iyong PowerPoint slide. Halimbawa, kung ikaw ay naglalahad ng resulta para sa apat na kuwarter ng nakalipas na taon, maaari mong bigyang-pansin ang pinakamahusay na kuwarter sa pamamagitan ng simpleng animation.

Maaari ka ding gumamit ng build in na tsart para ihayag ang mga resulta gamit ang Marketofy PowerPoint template na may kasamang infographics na gawa sa mga animation.

3. Kontrolin ang Tiyempo ng Iyong Pagsasalita

Ang Animation ay isang magandang instrumento para bigyan ng tiyempo ang iyong presentasyon. Maaari kang gumamit ng mga slide transition o mga animation sa bawat elemento ng iyong PowerPoint presentation.

Kadalasan gusto mong gumamit ng mabilis na transisyon at medyo mas mabilis ng kalahating segundong effect. Maaari kang gumamit ng template tulad ng Spectatular PPT set, na may mabilis na mga slide transition, madaling maglagay ng animation sa mga elemento, at ito ay dinisenyo upang makagawa ng mabilis na presentasyon.

Kung ang iyong mga animation ay napakabagal, maaaring tumagal ang iyong presentasyon. Ang kawili-wili sa iyong manonood sa una, ay maaaring pagmulan ng tensiyon kung ito ay napakabagal.

Sigurading suriin ang kalidad ng mga animation sa iyong presentasyon bago matapos. Panoorin mo ito ng buo upang siguraduhin na may katuturan o wala ang paggamit nito, at ayusin kung kinakailangan.

Alamin ang ilan pang kapaki-pakinabang na PowerPoint animation tips:

Pag-aralan kung Paano Gumamit ng mga Animation sa PowerPoint

Sa mga mahahalagang Envato Tuts+ PowerPoint tutorial na ito, mapag-aaralan kung paano maglagay ng animation sa PowerPoint, gumamit ng mga slide transition, at gumawa at magkontrol ng PPT motion paths:

Pumili ng Magandang Animated PPT Template Ngayon!

Kung ikaw ay may importanteng presentasyon na dapat paghandaan, kailangan mo ng isang disenyo ng presentasyon na makapagdadala ng iyong mensahe. Ito ay dapat makakapagpakita ng iyong mga ideya, makakagawa ng may atensiyon sa mga detalye, at may moderong disenyo ng mga elemento tulad  ng mga animated na slide at interaktibong graphics.

Gamit ang nangungunang animated PowerPoint template, maaari kang mabilis na makagawa ng magandang disenyo ng presentasyon na may sapat na dami ng mosyon upang makuha ang atensiyon ng iyong manonood.

Mag-browse sa mga napakaraming PPT presentation design sa GraphicRiver, o kung mayroon kang regular na pangangailangan sa paggamit ng mga graphic asset, mga web theme, o mga presentation template, tingnan ang lahat na kasamang alok sa bagong Envato Elements, kung saan maaari kang makadownload ng mga template ng hindi limitado para sa isang buwanang bayad.

Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.