Advertisement
  1. Business
  2. Proposals

15 Pinakamahuhusay na mga Template ng Panukala sa Negosyo: Para sa Bagong mga Proyekto ng Kliyente

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Isa sa pinakamahalagang mga kasanayan ng mga may-ari ng maliliit na negosyo, solong negosyante at mga malayang manggagawa sa anumang industriya ay ang pagiging dalubhasa sa paggawa ng perpektong panukala. Ang mga panukala ay talagang mahalaga sa inyong tagumpay,dahil mayroon silang kapangyarihan upang maglatag sa inyo ng bagong mga kliyente at mga proyekto na maaaring magdala ng inyong pangalan at kita sa bagong tugatog.

Ang tagumpay ng inyong negosyo at kita ay palaging depende sa pagkakaroon ng pirmihang matatag na mga kliyente, ngunit minsan,ang lumang mga kliyente ay maaaring hindi magbigay sa inyo ng negosyo na kasing dami ng katulad ng dati. Kaya naman ang kakayahang makapagpasa ng mataas na kalidad at mapanghikayat na mga panukala sa pirmihang batayan sa iba’t-ibang mga pagkakataon ay ang susi upang palaging mapanatiling bukas ang inyong mga pintuan bilang isang maliit na negosyo.

Business Proposal Template Example
Propesyonal na Panukala sa Negosyo.

Ang lakas ng isang matatag na panukala ay nakasalalay din sa kung ano ang hitsura ng inyong panukala at kung paano ninyo ito ilahad.Ang isang template ng propesyonal na panukala sa negosyo ay makatutulong sa inyo na makakuha ng bagong proyekto mula sa isang kliyente at makapagsarado ng tarato.

Mayroon kaming bilang ng mga propesyonal na idinisenyong mga template ng panukala sa negosyo sa Envato Market, katulad nitong nauuso na mga pinakamabenta sa ilalim(mayroong mas maraming itinatampok sa kasunod na seksyon):

Best Business Project Proposal Templates
Pinakamahuhusay na mga Template ng Panukala sa Negosyo - na ito ay magagamit mula sa Envato Market (GraphicRiver)

Ang tamang panukala sa proyekto ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagkuha ng proyekto ng kliyente na inyong nais at sa pagkawala ng magandang mga oportunidad sa negosyo.

Mga Template ng Propesyonal na Panukala sa Proyekto ng Negosyo

Ang mga ito 15 na mga template ng panukala sa negosyo mula sa Envato Market ay mayroong magagandang mga disenyo at mga propesyonal na mga tampok. Ang mga ito ay mayroon maraming pahina ng mga disenyo na sinasakop lahat ng mga bahaging kailangan upang makagawa ng isang polidong panukala ng proyekto.

Gamitin ang isa mula dito sa ginawang pagpipilian upang makagawa ng magandang impresyon sa bagong mga kliyente,na magdadala ng pagkakaroon ng mas magagandang mga proyekto at makalilikha ng mas maraming mga benta.

1. Propesyonal na mga Template ng Panukala sa Negosyo

Ang template na ito ng panukala sa negosyo lamang ang inyong kailangan kapag sinusubukan ninyong makakuha ng bagong mga proyekto sa kliyente.Ito ay isa sa pinakamabentang template kung saan lumalabas na mainam para sa mga mapag-adhikang negosyante na sinusubukang makamit ang kanilang pangarap na kliyente o malaking proyekto.

Puno ng malinis na organisasyon at isang madaling basahin na column layout, ang template na ito ay titiyakin na ang inyong panukala sa puntos ng pagbebenta ay tatalon mismo sa inyong mga kliyente kapag nakita nila ito.Ito ay nagtatampok ng 12 pahina, ito ay handa na para sa pag-imprenta,may kasamang Indesign IDD grapikong mga file,anim na naitakda ng tema ng mga kulay,at libreng mga font.

Professional Business Proposal Template Design

2. Suisse Style - Disenyo ng Panukala sa Negosyo

Ang mga template ng panukala katulad nitong matalinong pagpili ay makadaragdag ng mga pagkakataon na makatrabaho ang pangarap na kliyente katulad ng inyong palaging ninanais.Itong mataas na propesyonal na hitsura at polidong paglalahad ay aatasan ang atensyon ng inyong mga hinahanap at bibigyan ang inyong panukala ng panahon at respeto na nararapat para dito.

Itong 16 na pahinang template ay nagtatampok ng apat, na ibat’ibang natatanging mga kulay kasama ang Microsoft Word, Photoshop at InDesign files ang mga file ay bahagi lahat ng pakete. Kasama ang masaganang paggamit ng puting espasyo at minimalistang diskarte sa pagformat ng teksto na mga layout, ang Panukala ng Suisse Style ay sigurado na magagawa ang inyong panukala sa negosyo na lumabas ng mas nakalalamang.

Simple Business Proposal Design

Malikhaing Template ng Panukala sa Negosyo

Mainam para sa malikhaing mga negosyo katulad ng mga solong negosyante at mga malayang manggagawa, itong kahanga-hangang template ng panukala ay ginawa sa Apple Pages, Microsoft Word at Adobe InDesign. Magagamit sa parehong Liham at A4 na mga sukat,ang panukalang ito ay nagtatampok ng napapasadyang mga font at mga kulay,kaya naman maaari ninyong pagbutihin ito upang maging eksatong tugma sa personalidad ng inyong pangalan at estilo ng lengguwahe. Ito ay template na ganap na isinalansan, na naglalaman ng maraming grid na mga column para sa mas madaling pagbabasa at isang malinis na disenyo.Ang kopya ay isinaayos sa mga estilo ng maliwanag na talata para sa pinakamataas na pagpapanatili ng pagbabasa.

Creative Project Proposal Template Set

4. Ang kalinisan Template ng Panukala sa Negosyo

Ang kalinisan, kaiklian at kagalingan ay nagdodomina sa impresyon na nakukuha ng isa kapag binabasa itong kahanga-hangang template ng panukala sa proyekto.Maganda para sa propesyonal na hitsura ng mga panukala sa negosyo kung saan makatutulong sa inyo na makakuha ng mas maraming bagong mga kliyente,ito ay nagtatampok ng maayos at malalaman na mga paglalahad upang mas madaling basahin.

Ang resulta sa huli ay isang kapakinabangan para sa mapag-adhika na mga negosyante at may-ari ng maliliit na negosyo kung saan ang panukala sa proyekto ay matatandaan pagtagal dahil sa template na ito,pagkatapos ang mga panukala ng kanilang mga kakompetensya ay malilimutan.It ay magagamit sa US na Letra at A4 na mga sukat,kasama ang libreng mga font, ito ay napakadali na sadyain at gamitin.

Clean Business Project Proposal Template

5. Mapanghikayat na Panukala sa Proyekto ng Template Set

Ang isang ideal na template ng panukala sa negosyo para sa may-ari ng maliliit na negosyo at malikhaing mga negosyante ay palaging naghahangad na mapalawak ang basehan ng kanilang kliyente.Ito ay malinaw at maayos na idinisenyo, at ito ay nakapakete kasama ang ilang bilang ng mga nilalaman na makatutulong sa inyong panukala na makahikayat ng propesyonal.

Nagtatampok ng 36 na mga pahina sa kabuuan at 8.5 sa 11 na pulgadang dimensyon ng imprenta, itong template ay makukuha ang atensyon ng mga namumuno, mga hinahanap at mga makatutulong sa negosyo sa hinaharap sa pamamagitan ng maistilo nito at masiglang nilalaman na layout at paglalahad. Ito ay dapat subukan para sa sinumang seryosong negosyante. Kasama nito ang nDesign INDD graphic files at idinisenyo para sa Microsoft Word and Adobe InDesign.

Persusive Business Project Proposal Template Set

6. Template ng Panukala para sa Plano ng Negosyo

Ang Panukala para sa Plano ng Negosyo ay nagbibigay sa anumang panukala na inyong ilalahad sa bagong mga kliyente ng agarang kredibilidad ng propesyonalismo.Ang isang moderno, malinis at malikhaing template ng panukala sa negosyo,ito ay lumalabas sa parehong A4 at US na Letra na mga sukat, nagtatampok ng 24 na custom na mga pahina sa kabuuan,at nagpapakita sa mga mambabasa ng anim na column ng grid layout kung saan ginawa para madaling basahin at panatilihin.

Matitiyak ninyo na kayo ang palaging magkokontrol ng pagkakakilanlan ng inyong pangalan,bilang ang template na ito ay ganap na napapasadya para sa parehong teksto at mga kulay. Malayang magagamit ang template na ito sa panukala para sa anumang industriya.

The Business Plan Proposal Template Design

7. 40 Pahinang Proyekto ng Template ng Panukala sa Set

Kung hanggang saan ang mararating ng mga template ng panukala, ang set ng maraming pahina ng panukala ay isa sa makagagawa ng anumang pagtatangka sa pagsisiguro sa pamumuno ng mas mahusay kaysa sa dati.Sa pamamagitan ng malinis at matalinong layout na idinisenyo,ito ay makatutulong na makapagpokus ang mata ng inyong mga kliyente sa mahahalagang detalye ng inyong panukala, hinahayaan na ang inyong pinakakapansin-pansin na mga puntos ang manguna sa kanilang mga isipan.

Itinatampok ang masisiglang pagsasaboy ng kulay para sa epektibong contrast,itong template ay isang tagumpay anuman ang binibigyang-diin ng inyong panukala.Ito ay maaaring i-edit ng ganap sa Microsoft Word, Adobe InDesign at Illustrator.

40 Pages Business Project Proposal Template

Disenyo ng Template ng Maikling Panukala sa Negosyo

Itong nagniningning na template ng panukala sa negosyo ay nakakapagbibigay ng bagong timpla dahil ito ay naglalagay ng maikki ngunit malaman na pokus sa paglalahad sa inyong mga pinuno at hinahanap na mga kliyente.Samantalang ang maraming iba pang mga template ay maipagkakatiwala sa maraming pahina upang tulungan kayo na maipalabas ang lakas ng inyong idea at pagkamalikhain sa mga kliyente,ang Business Brief Proposal Template napupunta sa kumpletong kasalungat na direksyon.

Nagtatampok ng apat na mga pahina lamang, ang template na ito ay hinahayaan kayo na makapagpokus sa pinakamahalagang inisyatiba at makuha ang kaagad tamang punto.Magagamit sa parehong A4 at US na Letra na mga sukat, ang dokumentong ito ay ideal para sa malikhaing mga panukala na may kaugnayan sa disenyo ng web, pagmemerkado, SEO at grapikong disenyo,bukod sa iba pa.

Business Brief Proposal Template Design

9. 36 na Pahina na Puno ng Pakete ng Panukala - A4/US Letter

Kasama ang 36 na mga pahina na sumasabog na puno ng mga grid, mga column, mga chart at mga layout ng table, ang buong panukalang pakete na ito ay nagbabalot ng maraming kahalagahan sa isang template para sa presyo.Ginagawang nitong ideal ang paglalahad ng mas mahaba at mas detalyadong mga proyekto sa inyong hinahanap na mga kliyente,kung saan siguradong pahahalagahan ang karagdagang impormasyon na maaari ninyong pag-isahin sa isang panukala. Perpekto para sa mga may-ari ng maliliit na negosyo, mga negosyante at mga kapwa malayang manggagawa, ang template na ito sa negosyo ay pinakikinabangan ang libreng mga font at kasama ang InDesign INDD graphic files.

36 Page Full Proposal Package - A4US Letter

10. Maistilong Panukala sa Negosyo

Kung kayo ay naghahanap ng isang template sa negosyo na ginagawang lubos ang paggamit ng puting espasyo ng epektibo at ng makabuluhang nilalaman para sa mas madaling basahin na mga talata,kung gayon itong Maistilong Panukala sa Negosyo ang umaangkop sa inyo.

Nagtatampok ng isang malinis na disenyo kasama ang magagandang mga grapiko at panaikling istilo, ito ay hinahayaan kayo na mailabas ang inyong malikhaing mga panukala sa inyong pinakamapanghikayat na liwanag na maaari. Ang inyong mga pinuno at mga kliyente ay matutuwa na buklatin ang template na ito,bilang ang lahat ng impormasyon ay inilahad sa isang masigla at kasiya-siya at malinaw na paraan.

Stylish Business Project Proposal Templates

11.Overlay Disenyo ng Template ng Panukala

Itong 28 na pahinang dokumento ay perpekto para sa pagbibigay ng kapana-panabik na mga panukala sa inyong mga kliyente para sa pag-apruba o sa pagsasama.Ito ay simple ngunit epektibo na disenyo na nangangahulugan na mayroon kayong buong kontrol sa pinal na panukala,salamat sa maaaring pag-edit ng buo sa teksto at mga swatch ng kulay sa template.

Ang hitsura nito ay talagang napakaayos kasama ang 12 na column na grid at anim na puntong baseline-grid.Ang produktong ito ay lumalabas kasama ang mga bektor impograpiko,master na mga pahina, karakter at mga istilo ng talata, at ito ay tugma sa Adobe InDesign CS4 through CS6.

Overlay Business Proposal Template Designs

12. Multipurpose Disenyo - Template ng Panukala sa Negosyo

Itong kapaki-pakinabang na, 24 na pahinang dokumento sa negosyo lamang ang kailangan ng mga may-ari ng maliliit na negosyo mapanghikayat na makapaglahad ng mga panukala sa bagong mga kliyente.Ang isinalansan na ito at ibinase sa grid na layout ay titiyakin na ang inyong pinakamahalagang punto sa paglalahad ay madaling makikita at mapapanatili ng inyong mga mambabasa.

Nagtatampok ng isang paraan ng pagkukulay na ibinase sa contrast upang mapalitaw ang pinakamahalagang nilalaman, ito ay magagamit sa lahat na Panukala sa Negosyo at tugma din sa Microsoft Word and Adobe InDesign.Itong pagiging handa sa pag-imprenta ay hinahayaan kayo na maipasadya ang mga kulay sa pamamagitan ng isang pindot lamang.

Multipurpose Business Proposal Template

13. Hinati-hating Template ng Panukala - na Mayroong Malikhaing Disenyo

Itong maganda at malikhaing disenyo ng panukala sa negosyo ay hinahayaan kayo na mapagningning ang kulay ng inyong pangalan, salamat sa pagpipilian nito na maaaring sadyain.Ang swatch na paleta ay hinahayaan kayo na ayusin ang katangian ng kulay ng inyong sariling pangalan,kung saan nagbibigay sa template ng inyong panukala sa negosyo ng isang lebel ng personalisasyon kung saan hinahayaan ang bagong mga kliyente na malaman na kayo ay isang seryosong manlalaro.

Itong maganda at malikhaing disenyo ng panukala sa negosyo ay hinahayaan kayo na mapagningning ang kulay ng inyong pangalan, salamat sa pagpipilian nito na maaaring sadyain. Ang swatch na paleta ay hinahayaan kayo na ayusin ang katangian ng kulay ng inyong sariling pangalan,kung saan nagbibigay sa template ng inyong panukala sa negosyo ng isang lebel ng personalisasyon kung saan hinahayaan ang bagong mga kliyente na malaman na kayo ay isang seryosong manlalaro.

Divided Proposal Template Creative Design

14. Ang Panukala - Naibabagay sa mga Template ng Negosyo

Itong 20 pahina na dokumento ng custom ay nagtatampok ng mga teksto na na-eedit ng buo, mga bagay at mga kulay, ginagawa nito ang napakamaraming template upang magamit sa paglatag ng trabaho na inyong nais. Pabilibin ang inyong mga kliyente sa hinaharap gamit ang maayos na pagkakasulat at maayos na pagkakalahad ng panukala sa negosyo kung saan pinalilitaw sa inyong maliit na negosyo ang kakaibang panukala ng pagbebenta.

Salamat sa grid layout na ito, ang inyong mga kliyente ay mahusay na mai-scan ang mga impormasyong may kaugnayan kung saan ang inyong panukala ay nailahad sa kanila ng maluwag.

The Proposal - Flexible Business Template Design

15. 28 na Pahina, ang Pakete ng Panukala - A4/US Letter

Ang lakas ng anumang mapanghikayat at di malilimutang panukala sa negosyo ay mailalatag kung paano ito inilahad katulad din ng kung paano isinulat ito.Itong kamangha-manghang template ng panukala sa negosyo ay nagtatampok ng malinis,maikli at maayos na layout kung saan nagbibigay ng kapangyarihan sa inyong mga mambabasa na makita at maintindihan ang pinakanauugnay na mga stat, mga katotohanan at impormasyon sa inyong paglalahad.

Ang mga negosyante ay magugustuhan ang kakayahang umangkop at kakayahang maipasadya ang magandang template na ito para sa lahat ng kanilang bagong mga panukala sa kliyente. Kasama nito ang Microsoft Word, Excel at Adobe InDesign files para sa kahanga-hangang kagamitan.

Full Business Proposal Template Package Design

Paano Magsulat ng Perpektong mga Panukala sa Negosyo

Bagama’t nabibilang ang paglalahad, kapag nakita ninyo ang mga template na ito ng panukala,hindi lamang ito ang isang bagay na magiging mahalaga. Kahit sa pagniningning na ito mga Template ng Panukala sa Negosyo, ang nilalaman ay mapanganib pa rin, at nasa sa inyo ito kung paano ninyo gagawin. Andito ang madadaling gamitin na mga tip kung paano sumulat ng perpektong mga panukala sa proyekto:

1. Makipag-ugnay sa inyong Bagong Kliyente sa pamamagitan ng Paglalarawan sa Kanilang Sitwasyon

Ilarawan ang kasalukuyang sitwasyon o problema na hinaharap ng inyong hinahanap na kliyente.Kung, halimbawa, ang inyong bagong kliyente ay isang kumpanya na naghahanap ng mas magagandang disenyo ng website upang mapataas ang mga rate ng conversion,kailangan ninyong simulan ang inyong panukala sa pamamagitan ng pagkilala sa kung ano ang mga hamon na kanilang hinaharap.

2. Pagpapaliwanag kung Paano Ninyo Lulutasin ang Kanilang Problema

Maging taga-lutas ng problema.Balangkasin ang inyong layunin at paraan sa paglutas ng problema ng inyong hinahanap na kliyente at kung paano ninyo lulutasin ito para sa kanila. Sa halimbawa sa itaas,maaaring wala itong sapat na A/B na pagsusuri upang matukoy kung anong mga uganyan ng pahina ng disenyo ang gumagana at alin ang hindi.May potensyal kayo na mai-alok ito bilang parte ng inyong estratehiya upang harapin ang kanilang mahinang converting site.

3. Idetalye ang Halaga at Oras na Kakailanganin

Walang kliyente ang matutuwa kapag sobra sa badyet para sa anumang trabaho o proyekto, ngunit lahat ng kliyente ay pinahahalagahan ang eksaktong kaalaman kung magkano at gaano katagal ang kanilang aasahan kapag pinili nila kayo para sa isang espesipikong proyekto. Baybayin ang timeline kung kalian at paano ninyo gagawin sa pinakamahusay na pagtantiya. Kakapanayamin ba ninyo ang inyong mga kliyente sa umpisa ng sunod na buwan upang malaman kung saan nawawalan ng kita ang kanilang site?Uumpisahan ba ninyo ang wireframing sa inyong pagbabago ng disenyo makalipas lamang ang ilang sandali?

4. Tapusin ng may Tiwala sa sarili

Ito na inyong pagkakataon upang mahikayat ang inyong hinahanap na kliyente sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kanila kung bakit nila kailangang piliin ang inyong panukala ng higit sa iba.Palitawin ang matatagumpay na mga proyekto na inyong natapos para sa ibang mga kliyente noong mga nakaraan at huwag mahihiyang ipagmalaki ang inyong mga lakas.

5. Gumamit ng Propesyonal na Pakikipagbigkis

Ipasa ang inyong panukala sa negosyo ng maayos gamit ang propesyonal na pakikipagbigkis.Gayundin tiyakin na magbigay ng maraming kopya upang lahat ng susi sa paggawa ng desisyon ay mayroong pisikal na mga kopya.

Karagdagang Pinagkukunan ng Panukala sa Negosyo

Andito ang dalawang magara na mapagkukunan na makatutulong sa inyo na makapagsulat ng matagumpay na panukala sa negosyo:

Paano Magsulat ng isang Matagumpay na Panukala sa Negosyo

Kapag kayo ay sumusulat ng isang panukala, kayo ang talagang nagkokontrol ng kinabukasan ng inyong maliit na negosyo at pangalan,kaya kailangan ninyong magbigay ng isang magandang deal ng kaisipan at preparasyon sa inyong pinal na paglalahad.

Ang isang magandang nalikha at maayos ang pagkakasulat na panukala at maaaring maglatag sa inyo ng bagong mga kliyente,mga trabaho, at mga proyekto na maaring hindi ninyo pinangarap dati.Ang lahat ng hahantungan nito sa pangalan ng inyong solong pagnenegosyo ay ang paglaki lamang at pagiging kilala, kung saan ito ay ang pangunahing layunin.

Upang bigyan ang inyong mga sarili ng kalamangan kapag nagpapasa ng mga panukala sa negosyo sa inyong bagong mga kliyente, siguraduhin na gamitin ang isa sa aming mga template ng panukala sa negosyo sa Envato Market, at mailatag itong bagong proyekto ng may matinding tiwala sa sarili.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.