() translation by (you can also view the original English article)
Maaaring makatulong sa iyo ang Database software para ayusin, subaybayan, at itago ang mga impormasyon nang ligtas. Oo, maaari kang gumamit ng spreadsheet tulad ng[] para magtago ng impormasyon, ngunit kung ang impormasyon ay komplikado at nakaugnay sa iba pang impormasyon sa maraming paraan, ang spreadsheet ay maaaring hindi sapat. Maaari din na maging mahirap ang paggamit ng spreadsheets kung ikaw ay gumagamit ng maraming impormasyon.
Kahit na ang database software ay maaaring
makatulong bilang isang magandang database program, tulad ng Microsoft Access,
ito ay maaaring maging magastos din. Ngunit mayroong mga ibang alternatibo sa
isang mahal na database. Sa artikulong ito, magbibigay
ako ng isang maikling pangkalahatang ideya ng mga pinakamagaganda na libreng
database software na kagamitan para sa Macs.
Ano ang Database Software?
Simple lang, binibigyan ka ng database
software ng pagkakataon para magtago, magpanatili at kumuha ng impormasyon.
Ngunit walang simple sa database. Maraming malawak na pagkakaiba ang uri ng
database mula sa mga pangkalahatang layunin ng database na maaari lamang
gamitin kasama ang database querying language tulad ng SQL na nakalaan sa
espesyal na database na madaling gamitin na mga GUI at mga nadisenyo ng ulat
para sa iisang layunin lamang, tulad ng pagsusubaybay
sa mga kustomer o ang pagpapanitili dito.



Ang Specialized predesigned database ay
nagiging mas kilala— at mayroong magandang kadahilanan ito. Madali itong gamitin
at hindi nangangailangan ng karanasan sa programming. Ngunit kung ikaw
ay mayroong sariling negosyo kinakailangan mo pa din na mamuhunan sa isang
database software na nagpapahintulot sa iyo para magtago ng maraming uri ng
tala, magdisenyo ng iyong sariling mga ulat, at maisama ito sa iba pang
software tools.
Para mas malaman pa ang tungkol sa mga database, kumuha ng isa sa aming mga premyadong kurso. Matuto tungkol sa pamanggit na mga database, mga mahahalaga sa SQL, disenyo ng database, at marami pang ibang paksa. Makikita mo ang anuman sa aming premyado Envato Elements, na magbibigay din sa iyo ng walang hanggang akses sa WordPress at mga template sa presentasyon, at marami pang iba.



Sa
artikulong ito, titingnan natin ang mga uri ng database software para sa Macs
na nagbibigay pahintulot sa iyo para magtago ng iba’t-ibang klase ng
impormasyon pati na rin ang pagbabago dito upang matugunan ang iyong
pangangailangan at pati na rin ang pagsasama nito sa ibang uri ng software na
mayroon ka.
10
Mga Katangian ng Magandang Database Software
Ngayon
na nakapagdesisyon ka na kailangan mo ang database software para sa iyong Mac,
nais mong tiyakin na ang software na iyong napili ay natutugunan ang iyong
pangangailangan. Ito ang ilan sa mga katangian ng magandang database software
na dapat na hanapin:
- Nagsasala ng impormasyon. Ang isang magandang database na nagsasala ay hinahayaan kang tukuyin hindi lamang ang mga impormasyon na iyong gusto, ngunit pati na rin ang mga impormasyon na hindi mo nais.
- Madaling mahanap. Ang Mac database software ay dapat mayroong kagamitan sa paghahanap upang maaari mong mahanap ang isang rekord o grupo ng mga rekord nang mabilis.
- Mga Katangian sa Pag-uulat. Ang software ay dapat kang hayaang magdisenyo at magprint ng iyong sariling mga ulat, gumuhit ng impormasyon sa isa o marami pang mga table.
- Pinagsamang impormasyon. Maaari mo dapat pagsamahin ang iba’t-ibang uri ng impormasyon sa isang ulat o paghahanap.
- Mga Update. Ang database ay mayroon dapat na update form upang maaaring makapagbago ng maraming impormasyon nang mabilis.
- Export. Dapat itong makapag-export ng datos sa ibang mga format. Ang kakayanang makapag-export ng datos sa isang spreadsheet, o iba pang software na kagamitan, ay maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang.
- May kasamang mga backup. Anumang oras na magtago ka ng impormasyon online, nanaisin mo ng abilidad na maaari mo itong ma-backup. Ang mga backup ay pumoprotekta mula sa pagkakabura ng impormasyon.
- Kaligtasan. Dapat mayroong ilang built-in na seguridad na mga katangian o magbibigay sa iyo ng pagpipilian para makapagdagdag ng sariling seguridad ang iyong libreng database software.
- Suporta. Maaaring gumamit ng panahon ang mga database na kagamitan, kaya magandang humanap ng may ilang katangian sa pagsuporta tulad ng aktibong komunidad, mga tutoryal, at iba pa.
- Dokumentasyon. Sa iyong pag-aayos ng Mac database, nais mo ng magandang dokumentasyon ng gumagamit para makatulong na sagutan ang mga katanungan at gabayan ka sa proseso.
Siyempre, ang iyong sariling pamantayan sa
seleksyon para sa Mac database ay maaaring naiiba. Kung ikaw ay pipili ng libre
o bukas na source na database na kagamitan para sa Mac, tiyakin na saliksikin
ito nang maingat at lubos at bumuo ng iyong sariling listahan ng mga bagay na
kinakailangan.
Paano Gamitin ang Listahan na Ito
Ang sumusunod ay mga listahan ng libre at bukas na source ng database software para sa Mac na nagbibigay lamang ng pangkalahatang ideya. Gusto mong gamitin ang listahan bilang isang panimula para sa pagsasagawa ng iyong sariling pananaliksik upang mahanap ang tamang Mac database software na iyong kinakailangan.
Tandaan, ang database na epektibo sa isang
tao ay maaaring hindi nababagay para sa iyo. Kung ikaw ay humahanap ng bukas na
source o libreng database software para sa Mac, magandang ideya na kumuha ng
iyong database na taga-develop at administrator. Ang pangunahing
kaalaman sa mga database query language ay maaaring
kailanganin upang mapakinabangan ang iyong Mac database na kagamitan.
Paalala: Maraming iba’t-ibang database na
kagamitan. Gayundin, maraming tao ang gumagamit ng mga database sa kanilang
Mac, tulad ng FileMaker Pro, na wala sa listahan na ito dahil ang pinakahuling
bersyon ay hindi libre o bukas na source. Sa ilang pagkakataon, ang mga
database ay hindi kasama sa listahan dahil maaaring hindi na nito
sinusuportahan ang Mac gaya ng dati.
7 sa mga Pinakamagandang Database na
Kagamitan para sa mga Mac
Ito ang pangkalahatang ideya sa ilang mga
pinakamaganda na libre at bukas na source ng database sorftware na kagamitan
para sa Mac. Nagdagdag din ako ng ilang mga personal na database na kagamitan.
1. SQLite
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang kowd ng SQLite ay isang pampublikong
domain, na nagiging libre para sa komersyal at pribadong paggamit. Itong
relasyonal na database na pamamahala ng sistema ay isa sa pinakakilalang mga
database engine, na literal na may bilyon ang sukat. Kilala ang SQLite dahil sa maaasahan ito,
na mayroong internasyonal na grupo ng mga full-time na mga taga-develop. May
kasama na rin itong dokumentasyon sa pamamagitan ng SQLite na website pati na
rin ang board ng diskusyon para masagutan ang mga support-type na mga
katanungan.
2. POSTGRESQL
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang kilalang bukas na source ng database na
sistema ay isang bagay na relasyonal na database. Ang POSTGRESQL ay isang
aktibong komunidad, na nagbibigay sa mga gumagamit ng suporta at dokumentasyon. Mayroon din
na mga kaganapan ng POSTGRESQL at grupo ng mga gumagamit na nagbibigay ng iba
pang pagkakataon para sa pag-aaral. Ang database na ito ay mayroon din na
reputasyon na maaaring asahan. Ito ay madalas na na-uupdate at may mga
pagtatangka para sumunod sa mga pamantayan ng SQL maliban na lamang kung ang
pagsunod ay magdudulot ng mahirap na arkitektura.
3. MongoDB
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang MongoDB ay ang nangungunang NoSQL na database na mayroong milyun-milyong mga gumagamit. Ito ay nasa ilalim ng v3.0 lisensya ng Free Software Foundation's GNU AGPL, na gumagawa dito upang maging bukas na source. Gayunpaman, ang kumpanya ay nag-aalok din ng komersyal na mga lisensya para sa MongoDB, kaya isa rin itong pagpipilian. Ang MongoDB ay mayroong encrypted storage engine. Ang user manual para sa MongoDB ay linsensyado sa ilalim ng Creative Commons. Ang kilalang database na ito ay mayroong grupo ng mga gumagamit, pati na rin ang ibang uri ng suporta.
Kung ikaw ay interesado para malaman ang
iba pang bagay tungkol sa MongoDb, maaaring makatulong sa iyo ang tutoryal na
ito:
4. CouchDB
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang CouchDB ay isang bukas na source na
software na mayroong aktibong komunidad upang magbigay ng dokumentasyon at iba
pang gabay sa mga gumagamit. Mayroon din CouchDB chats na nakakatulong at ito
ay magagamit sa pamamagitan ng Freenode IRC network at Slack. Ito ay NoSQL (hindi relasyonal) na database
na gumagamit ng JSN para magtago ng mga datos. Ito ay nag-iisang node na
database na maaaring i-upgrade sa isang cluster kung kinakailangan. Maaari kang
magtabi ng mga datos sa iyong sariling mga server o di kaya sa cloud.
5. FoundationDB
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang FoundationDB ay isang NoSQL database na
kilala sa pagiging maaasahan na nakuha ng Apple ilang taon na ang nakaraan.
Noong Abril ng 2018, ito ay naging bukas na source. Ang distributed systems ay isa sa mga ideya
sa likod ng database application na ito. Gumagamit ito ng mutli-model na
tagatago ng mga datos na metodolihya na mayroong kakayahang magtago ng
iba’t-ibang klase ng impormasyon sa isang database. Ang FoundationDB ay mayroong ng aktibong
komunidad ng mga gumagamit pati na rin ang online na dokumentasyon. Malamang na
makikita natin ang higit pa sa database na ito sa hinaharap.
6. Airtable
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang Airtable ay naglalarawan sa software na
ito na “parte ng spreadsheet, parte ng database.” Kung ang hinahanap mo ay ang
madaling gamitin na database na aplikasyon ito na marahil ang nababagay para sa
iyo. Ang Airtable ay parehas na nag-aalok ng
libre at premyadong bersyon ng software. Ang libreng bersyon ay
makapangyarihan, na nagbibigay ng pahintulot sa iyo na gumawa ng walang
katapusang mga base na may hanggang 1,200 na datos sa
bawat base. Ang libreng bersyon ay mayroon din na
malagong uri ng mga field. Mayroong iba’t-ibang mga tanawin na magagamit kasama
na ang: grid, kalendaryo, porma, kanban, at gallery. Dagdag pa dito, mayroon itong real-time na
kolaborasyon at pagkokomento. Kung gusto mong subukan ang database na ito,
magiging kapaki-pakinabang na isaalang-alang ito. Kung ang iyong negosyo ay
maliit o nagsisimula pa lang, maaaring
ang libreng bersyon nito lamang ang iyong kakailanganin.
7. LibreOffice Base
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang LibreOffice base ay talagang database
ng front end, ngunit makabuluhan na isama ito sa listahan dahil ito ay libre,
na pinananatili ng Document Foundation. Para sa ilang mga negosyo, ito na marahil
ang kanilang hinahanap. Ang LibreOffice base ay bumubuo ng maraming kilalang
database engines tulad ng MySQL/MariaDB, MS Access, at PostGresSQL. Dagdag pa dito, mayroon itong HSQL na
relasyonal na database engine. Kung ikaw ay gumagamit na ng LibreOffice,
magugustuhan mo ang katotohanan na maaari itong gamitin kasama ng iba pang
LibreOffice suite na mga kagamitan.
Konklusyon
Nagawa na naming tingnan nang mabilis ang
ilan sa mga pinakamaganda na libre at bukas na source na database software na
maaaring gamitin para sa Mac. Kung ang hinahanap mo ay libre at bukas na source
ng database na software para sa iyong Mac, magugustuhan mong tingnan nang
mabuti ang ilan sa mga pagpipiliang ito. Sa iyong pagpili ng Mac database na
software na kagamitan, tandaan na kailangan ng software ng pagkakaiba-iba.
Kaya, pumili nang maingat para sa iyong database software.
Gumagamit ka ba ng libre o bukas na source
ng Mac database software? Aling database na kagamitan ang iyong ginagamit?
