Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Business
  2. Video
Business

Mga Pinakamahusay at Bagong Template ng After Effects sa Taong 2016

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sana ay ginagawa mo ang lahat para maging makabuluhan ang iyong 2016!

At dahil tag-init at nakalahati na ang taon, ngayon ang pinakamainam  na panahon para gawin ang iyong bidyo para sa marketing.

Kailangan mo bang mapalago ang iyong negosyo? Mailunsad ang iyong produkto? Lumikha ng presentasyon gamit ang bidyo o viral na pang tag-init na anunsyo? Nasasabik ka na bang simulan ang paggamit ng After Effects?

Walang mabilis na paraan sa pagkakaroon ng de-kalidad na bidyo kung hindi ang lumikha gamit ang isa sa mga pinakamagaling naming template sa After Effects. Maraming de-kalidad na proyekto ang AE na mapipili sa Envato Market.

Sa artikulong ito, magpapakita kami ng ilang sikat at tinatangkilik na template sa After Effects na bagong labas ngayong 2016 – na maaaring bilhin at kopyahin. Tingnan kung ano ang mga tumatak sa 2016.

2016 Best After Effects Templates
Ang pinakamagagaling na bagong template ng AE, maaari nang bilhin at kopyahin mula sa VideoHive.

Bawat frame ng mga bidyo na ito ay balanse sa swabeng animasyon at makabagong estilo sa kinetiko. Ilan lang ang mga bidyo na ito na ina-upload sa VideoHive kada lingo ng mga propesyonal na taga-disenyo ng galaw para ibenta.

10 Template ng After Effects (Mga Trending sa Taong 2016)

Ang kapangyarihan ng bidyo ay mahirap tapatan o tumbasan sa ibang porma. Ang propesyonal na bidyo ay may kakayanang palabasin ang emosyon ng madla, himukin sila na maibigan ang iyong produkto, maalala ang pangalan nito, at makagawa ng emosyonal na koneksyon sa mensaheng iyong ipinaaabot. Kung ang iyong negosyo (o ng mga kliyente) ay mayroong bagong layunin sa marketing, may potensyal na makamit ito sa pamamagitan ng paggamit ng de-kalidad na bidyo!

Narito ang sampung bagong template ng After Effects na sumisikat sa VideoHive. Bawat isa ay nilikha ng grapikong taga-disenyo na propesyunal na nabalanse ang animasyon, estilo at bilis ng galaw ng mga bidyo na ito.

Papataas ang trend ng mga ito sa 2016, nakakakuha ng malaking benta at positibong reaksyon sa mga parokyano. Inyong pagmasdan!

1. Quick Summer Media Opener AE Template

Kung kailangan mong gumawa ng bidyo para samantalahin ang saya sa tag-init, ang template na ito ay may mabilis na galaw, makulay na mga font, at pinong transisyon na maaari mong magamit. May kasama itong 33 na placeholders pang midya, 26 na placeholders para sa teksto at 5 magagandang ilaw na pang-disenyo.

Napansin ng mga kostumer kung gaano ka-aktibo, positibo, at propesyunal ang gabay na ito, at nagkumento nang, “Wow!! Kamangha-manghang ideya at napakagandang proyekto!” Madaling i-edit ang template na ito, may modular na istruktura, at mabilis ma-render upang makipag-simula ulit ng bagong proyekto.

2. Slideshow After Effects Template

Kung mayroon kang maiksing mensahe na kailangang maipahiwatig at mayroon lamang kakaunting oras para gawin ito, ang kailangan mo ay ang template na may agarang epekto at resulta. Ang template na ito ay sa porma ng slideshow. Ito ay elegante, makabago, at mabibilis ang transisyon.

May kasama itong 22 na placeholders upang mabilis mong maidagdag ang mga imahe, etiketa, at bidyos. Ang pagbabago ng kulay, paglalagay ng teksto, at pag-customize ay kaya nito sa isang iglap. Hindi kailangan ng plugin dahil madali itong ma-export sa full HD. Siguraduhin mo na ang susunod mong proyekto na bidyo ay may dagliang epekto!

3. Quick Logo Sting Pack 11: Clean & Minimal

Imbes na palaging gumagamit ng parehong estilo sa pagpapalabas ng logo, na posibleng ikabagot ng iyong mga tagapanood, gamitin ang template na ito na mayroong 20 na mabibilis na AE logo stings. Napakaganda nito para sa mga laging gumagamit ng logo sa kanilang mga bidyo, halimbawa ay sa iyong YouTube o online video channels. Maari mong i-update ang iyong brand o tatak. Mananatiling uso ang iyong brand dahil sa malinis at mahusay na istilong ito!

Ang template na ito ay elegante, madaling i-edit, at ilipat sa 4K Full HD. Ito ay angkop sa CS4+ at madaling maintindian ang istruktura. Ilagay lamang ang iyong logo, isingit ang teksto, at i-export sa pamamagitan ng pagpindot sa render button.

4. Colorful Smoke Logo Reveal - AE Template

Ang makulay na template na ito ay isang malikhaing paraan para ipakita ang iyong produkto. Buksan gamit ang mga kulay ng bahaghari, na siyang magbibigay drama sa iyong logo. Ang usok na gawa sa 3D ay may kasamang alpha channel para mas madaling mapalitan ang background. Madali itong gamitin: palitan lang ang logo o teksto at handa na itong i-render.

5. Transitions After Effects Template Pack

Ang paketeng ito ay may kasamang limang espesyal na transisyon. Gumagamit ito ng iba’t-ibang hugis para makalipat sa bawat eksena. Maraming mapagpipilian sa After Effects template na ito kung kailangan mong magdagdag ng transisyon sa susunod mong bidyo.

Malakas ang kita nito ngayong 2016 at masyado ding nagiging popular. Hindi nangangailangan ng plugin, madaling gamitin, at maaari itong idagdag sa susunod mong proyekto. Kalakip dito ang mga tunog para sa transisyon at ang alpha channels.

6. Parallax Slideshow After Effects Template

Kung mayroon kang proyekto o nalalapit na product launching sa 2016, ang Parallax Slideshow ay isang dramatikong paraan upang ipakilala ito sa iyong mga tagasunod o mga namumuhunan. Ang pambungad na ito ay dinamiko, mabilis at siguradong makakakuha ng atensyon ng manonood!

Kung kailanganin mo ang AE template na ito, para man sa presentasyon pang-negosyo, video package para sa telebisyon o marketing na bidyo sa YouTube, propesyunal ang template na ito at madaling gamitin. Mayroon itong modular na istruktura at ang haba ay maaaring baguhin batay sa pangangailangan.

Ito ay  maaaring i-customize para sa iyong proyekto. Madali mong mapapalitan ang mga modernong titulo at maisingit ang iyong logo. At saka mo idagdag ang mga litrato, dokumento ng bidyo, ayusin ang tunog, at i-export mula sa After Effects.

7. Simple Titles After Effects Video Template

Sa After Effects template na ito, iba-ibang titulo ang iyong mapagpipilian, lahat ay nadisenyuhan ng makabagong estilo. Maaari idagdag sa iyong files alinman sa mga pino at eleganteng titulong ito. Ginagamitan sila ng free sans-serif fonts sa loob ng gumagalaw na kahon.

Ang mga animasyon ay pino na may makalumang disenyo sa paggalaw – kapansin-pinsa pero hind mapanghimasok. Babagay ito sa iyong bidyo. Ito ay agkop sa iba’-ibang bersyon ng After Effects kung kaya’t madali mong maisisingit ang mga titulong ito sa business video project na tinatrabaho mo ngayon.

8. Corporate Slogan Image Logo Reveal

Kung kailangan mo ng minimal na disenyo na kayang pagalawin ang iyong logo bilang reveal, ito ang nababagay sa iyo. Ang After Effects template na ito ay nagpapakita ng eleganteng animasyon ng logo sa 3D, na may pinong paggalaw at epektibong saklaw ng pokus.

Mayroong pitong placeholders ng mga imahe, lugar para mailagay ang logo, maisingit ang tagline, at maisama ang impormasyon ng iyong negosyo. Madali itong i-customize, isaayos ang files batay sa kulay ng iyong brand, at i-render sa mataas na resolusyon.

9. Lower Thirds After Effects Template

Kung kailangan mo ng makabagong lower thirds na template sa After Effects, ito ang madalas na pinipili. Ang file na ito ay mayroong 24 na lower thirds motion titles, sa simpleng disenyo, na pinong pumapasok sa screen.

Ito ay kasalukuyang bumebenta sa VideoHive na siya namang nagkomento sa kung gaano kalinis at kaganda ito. Madali itong i-edit at angkop sa Adobe After Effects CS4 pataas. Gamitin ninyo ang AE template na ito para madagdagan ng lower third title ang iyong bidyo.

10. Fast Opener Adobe AE Template

Ang template na ito ay bagay sa bidyo na kailangan ng positibo at malugod na introduksyon. Magagamit ito sa pagtatampok ng bagong produkto, pagpapakita ng slideshow, at pagpapahayag ng launch ng bago mong startup sa 2016, After Effects template ay isang modernong, naka-istilong, pumunta sa.

Mabilis itong maproseso o ma-render at madaling ma-export sa Full HD. Angkop ito sa After Effects CS5 at mas mataas na bersyon at hindi ito nangangailangan ng plugin. Gamitin ang gabay na ito para makipag-ugnayan sa manonood at makagawa ng impact sa iyong bidyo.

Bumili ng Bagong Template ng After Effects!

Kung ikaw o ang iyong kliyente ay may bagong layunin sa marketing, ang propesyonal na bidyo ay makakatulong na maabot ito. Ang isang de-kalidad na template ay tutulungan kang makamit ito. – parehong pinapahusay ang workflow at ang resulta.

Tingnan ang napakaraming mga pro After Effects na template sa VideoHive, o tingnan ang pinaka-popular na template sa AE sa linggong ito na trending sa 2016. Mamili ng pinaka-angkop sa bagong layunin ng iyong proyekto.

Kung mayroon kang partikular na kailangan, dumeretso sa isa sa mga pangunahing kategorya, tulad ng: After Effects Openers or After Effects Product Promos, o tingnan ang After Effects Tiles.

Tandaan: Ang artikulong ito ay pinapanatiling updated sa buong taon ng aming grupo, nagdadagdag ng bagong mga template sa After Effects, at sinisiguradong ang mga trending na bagay sa 2016 ay palagiang naibabalita.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.