Unlimited Powerpoint templates, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Adobe Photoshop
Business

Pinakamagandang mga Makabagong Photoshop Templates ng 2016

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Lumilipad ang oras, at tayo’y papaalis na ng 2016. Ngayon ay isang magandang araw para sa pagbabago!

Handa ka na bang buuin ang iyong negosyo online? Gusto mo ba ng pixel perfect, at tunay na malupit na site sa isang kisapmata? O kaya nama’y baguhin ang iyong site ayon sa uso?

Kakailanganin ng tunay na pagiging malikhain at kaalaman sa Photoshop upang makapagdisenyo ng tunay na de kalibreng website. At kahit na ikaw ay isang propesyonal na web designer, gamit ang tamang kakayahang biswal, matagal pa rin busisiin ang bawat pixel, lahat ng mga pages ng website ng iyong kliyente, at bigyan ang bawat UI element, section at lahat ng mumunting mga detalye ng atensyong nararapat dito. Mas mabilis na kumuha na lamang ng de kalidad na Photoshop Template – yung nagawa na ng may kagalingan at masinsinan.

Marami-rami na kaming mga kapansin-pansin na PSD files na pagpipilian. Dito ipinapakita namin ang mga pinakapopular na Photoshop Templates, na kalalabas lamang nitong 2016 – at maaari mong mabili at i-download. Ito ay ilan lamang sa balde-baldeng mga websites na inia-upload at ibinebenta ng mga pro web designers sa ThemeForest bawat linggo. Tignan nyo kung ano-ano ang mga haharurot ngayong 2016:

Best New PSD Template Files - Websites
Pinakamagagandang bagong PSD Template Files, maaari nang bilhin at idownload GraphicRiver.

Ang tamang disenyo ay maaaring magbago sa iyong website: baguhin ito mula sa nakakaantok, tungo sa isang tunay na kapana-panabik na masterpiece. Ang iyong mga website sales ay maaaring umangat, mas maaalala ka ng mga potential na mamimili, at mababago rin ang iyong dating. Maaari mong baguhin ang iyong pagkakakakilanlan – baguhin ang iyong tatak mula sa bagot tungo sa patok. Ang iyong negosyo (o ang sa iyong kliyente ay matutupad ang pangitain at maaabot ang kabuuan ng kanilang kakayanan online!

5 Pinakamagandang mga Photoshop Templates (Trending ngayong 2016)

Ito ang limang bagong Photoshop website templates na trending ngayong ThemeForest. Ginawa ang mga ito ng mga talentadong web designers na talaga namang nag-alay ng oras at panahon upang mahubog ang bawat sulok ng mga PSD files na ito.

1. Begge - Modernong Fashion Shop na PSD Template Files

Kung ang goal mo ngayong 2016 ay maglunsad ng isang online eCommerce business, na partikular na nakatutok sa mga bagong nauuso sa fashion, kung gayon ang fashion template na ito ay para sa ‘yo. Taglay nito ang pinakamainam na disenyo na itinatampok ang iyong mga produkto at mga larawan sa unahan.

Mayroon itong malinis na layout na may sobrang malinaw na pagdaloy. Ang disenyo nito ay nakakapanghikayat at organisado, pero may sapat pa ring grid-breaking ng mga overlapping na boxes para makakuha ng atensyon ng mga mamimili. Ang mga PSD files ay nakaayos at maaaring i-customize ayon sa pangangailangan ng iyong site agad-agad!

Begge eCommerce PSD Template Files
Begge - Pinakamagandang mga Makabagong PSD File (2016).

2. Digital Agency - SEO/Marketing Photoshop Template

Ang Digital Agency ay isang PSD Template na ginawa para sa SEO at mga website ng mga ahensya. Ang disenyo nito ay base sa materyal, na talagang tumutugna sa malinis na UI elements na may mga bold na kulay. Naghihintay lamang itong magdagdag ka ng iyong mga larawan at mga graphics para maisalang mo na ito sa iyong site.

Higit pa riyan, may kalayaan kang mamili kung bibilin mo ba ang PSD file lamang, o kung gusto mo ay isama din ang WordPress version, na fully-coded na, binuo sa Bootstrap 3 Framework, at hitik na hitik sa mga features.

Digital Agency PSD Site Template
Digital Agency - Pinakamagandang mga Makabagong PSD  Template (2016).

3. Volter - Malikhaing Photoshop Website Template (PSD)

Ito ay isang malikhaing Photoshop Template na may katangi-tanging disenyong pang-website. Ang Volter ay ginawa para itampok ang iyong portfolio, i-presenta ang iyong magagandang larawan, at hikayatin ang iyong mga bisita gamit ang nakakagulat na typography. Maaari mong maipakita ang iyong proseso, ibalangkas ang iyong mga serbisyo, at bigyan ang iyong mga kliyente ng magandang dahilan upang kuhanin ka! Ito ay isang high-resolution na PSD file, base sa 1170px na Bootstrap Grid, at nakasetup para mas mapadali ang iyong trabaho. Maaari mo na itong kunin at simulang disenyuhan ang iyong katangi-tanging online showcase!

Volter Creative PSD File 2016
Volter - Pinakamagandang mga Makabagong PSD Site Template (2016).

4. Mga Expert - Pangnegosyo at pangpinansyal na Site PSD Template

Kung naghahanap ka ng Photoshop template para sa iyong bagong pangpinansyal na website, nababagay sayo ang Experts. Puno ito ng 55 PSD files, multiple na disenyo para sa home page, at pati na sa mga unique pages, para maipakita ang iyong mga presyo, testimonials, mga serbisyo at marami pang iba.

Ang template na ito ay tila pagbibihis ng suit at tie sa iyong negosyo. Ito ay dinisenyo para sa mga legal, pinansyal na kumpanya, mga investment firms, mga accountant, o kahit na anong uri ng propesiyonal na negosyo. Mamili mula sa 21 headers, multiple footer options at ilan pang mga pixel perfect na components at mga madaling i-edit na mga sections.

Experts - Best New Photoshop Site Template
Mga Expert - Pinakamagandang mga Makabagong PSD Site Template (2016).

5. Ang Spectre - Pang-Agency Business na Site Photoshop Template

Ang Spectre ay isang modernong flat agency na template. Ito ay mayroong malinis na disenyo na may 12 na adaptive na pages at theme blockes na maaaring pagsama-samahing ayon sa iyong pangangailangan. Marami itong design fetures, na mayroong mga stylish na line icons, vector shapes, at kaakit-akit na UI elements, gaya ng: profiles, pull quotes at image showcases. Ito’y binuo para sa Bootstrap na may 12 na columns at 1170px na lawak. Ito ay ginawa ng mahusay, at kaakit-akit na pangkat ng PSD files, na handang-handa nang magamit sa iyong susunod na website design.

The Spectre Agency PSD Site Template 2016
Ang Spectre - Pinakamagandang mga Makabagong PSD Agency Template (2016).

Kumuha na ng Bagong Photoshop Template File!

Tumingin sa aming daan-daang propesyonal na Photoshop Templates na nilikha ng mga talentadong web designers sa ThemeForest. O kaya nama, kung ikaw ay isang web designer, na may natatanging paningin para sa mga paparating na uso, at mayroong malikhaing kamay para hubugin ang bawat pixel, kung gayon ay magupload ng sarili mong website PSD files. Maging may-akda at magsimulang lumikha ng mga benta at makisalamuha sa mga entrepreneurs sa aming marketplace.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.