Paano Bigyang Diin ang Freelance na Trabaho sa Iyong Resume
() translation by (you can also view the original English article)
Kailangan mo ba ng resume kung isang freelancer?
Ayon sa ilang mga eksperto, ang mga resume ay hindi na nababagay para sa mga freelancer. Ang argumento ay sapat ang impormasyong laman ng website, portfolio at presensya sa social media upang kunin ng kliyente.
Habang totoo na posibleng makakuha ng freelance na trabaho nang walang resume, maaaring malagpasan ang ilang mga pagkakataon kung wala nito. Kahit na hindi ginagamit ang freelance resume para sa bawat potensya na kliyente, mas mabuti nang handa at mayroong nakahanda kung kailanganin.
Isang rason kung bakit umiiwas gumawa ng resume ang mga freelancer ay dahil mahirap ang paglikha ng resume bilang isang freelancer. Ang karamihang mga anyo ng resume ay nakadisenyo para sa tradisyonal na pagtrabaho. Mahirap ipagkasya ang karera sa freelance sa tradisyonal na estruktura ng resume.



Sa artikulong ito, pinapakita kung bakit mahalaga ang iyong freelance resume. Ipakikita rin kung paano lalagpasan ang mga hamon sa resume na kinakaharap ng mga freelancer. Ang pinakamagandang paraan upang isali ang trabahong freelance sa resume Panghuli, makikibahagi ng mga batis na template na maganda para sa mabilis na pagdisenyo ng iyong freelance resume.
Upang mas marami pang matutunan tungkol sa paglikha ng resume, aralin ang aming gabay, at kung ika’y isang freelancer, tayo’y magsimula na.
Bakit Mahalaga ang Iyong Freelance Resume
Maayos ang iyong kalagayan bilang freelancer. Regular na nakakakuha ng trabaho. Wala pang humihingi ng iyong resume.
Maganda iyon. Ngayon ang tamang pagkakataon para ayusin ang iyong resume para idagdag ang iyong trabaho sa freelance - bago pa may humingi.
Kung mayroon ngang humingi ng iyong resume, maganda nang mayroon ka nang nakahanda. Ayaw mong gumamit pa ilang araw para lang gumawa ng freelance resume na gipit sa oras. Mabuting asikasuhin na ito agad at maging handa.
Ito ang ilan sa mga karaniwang pagkakataon
kung kailan maaaring kailanganin ang resume bilang isang freelancer.
- Sa pagkuha ng trabaho sa mas malaking kliyente. Sa mas malalaking mga kompanya, ang mga freelancer (na tinutukoy bilang mga independent na consultant) ay kadalasang hinihingan ng mga resume. Ang malalaking kompanya ay gumagamit ng Appplicant Tracking System (ATS) upang salain ang mga resume.
- Sa pagkuha ng trabaho gamit ng ahensya o recruiter. Kung naghahanap ng trabaho gamit ng third party gaya ng ahensya o recruiter, maaari silang humingi ng resume nai aayusin ang istilo at iprepresenta sa kanilang kliyente.
- Babalik sa tradisyonal na klase ng trabaho. Ang resume pa rin ang malimit na ginagamit sa paghahanap ng tradisyonal na trabaho. Kung matagal nang freelanceer at naghahanap ng tradisyonal na posisyon, maaaring maging mahirap gumawa ngresume na sasakupin lahat ng iyong karanasan.
- Pagkuha sa propesyonal na lisensya o sertipiko. Sa ibang mga larangan, maaaring kailanganing magsumite ng resume. Kahit na hindi direktang hingan ng resume, maaaring gamitin sa paglarawan ng iyong karanasan.
- Pagkuha sa parangal sa industriya. Minsan ang komite ng parangal ay nais makita ang iyong listahan ng mga tagumpay. Ang resume ay madaling paraan upang mabilis na ibuod ang iyong mga nakamit
- Nagsasalita sa isang komperesya o pagpupulong. Kung hiningan ng presentasyon, ang nag-oorganisa ng pagpupulong ay nais kang ipakilala. Ang resume ay isang paraan upang ibigay ang kailangang impormasyon.
- Iba pang mga pagkakataon ng humingi ang kliyente. Iba ang bawat kliyente. Marami ang masaya na sa link sa porfolio. Ang iba ay kakailanganing may resume. Sayang naman kung may trabahong hindi makuha dahil lang hindi nabigay sa kliyente ang impormasyong hinihingi.
Tandaang hindi napapalitan ng resume ang portfolio ng isang freelancer. Dinadagdagan ito. Siguraduhing maglagay ng link sa iyong portfolio sa resume.
Mahalaga rin ibahin ang resume sa bawat pagsumite. Gamitin ito upang bigyang diin kung paano mapakikinabangan ang iyong karanasan at kahusayan para sa kailangan ng partikular na kliyente. Walang freelancer resume na babagay sa lahat.
Paano Harapin ang mga Karaniwang Problema sa mga Freelance Resume
Isang rason kung bakit hindi gumagamit ng resume ang mga freelancer ay dahil maaaring maging mahirap isali ang freelance na trabaho sa resume. Ito ang ilan sa mga karanimang problema na kinakaharap ng mga freelancer sa paglikha ng kanilang mga resume:
- Ano ang ibibigay sa sarili na titolo?
- Isa-isa bang ililista bilang hiwalay ng mga trabao ang mga kliyente?
- Gaano karaming detalye ang ilalagay sa mga freelance na proyekto?
- Paano kung mayroong mabagal na bahagisa karera? Magmumukha ba itong butaw sa pagtrabaho?
- Maglalagay ba ng link sa personal na website o online portfolio?
- Paano kung isang freelancer kasabay ng full-time na trabaho? Pareho bang isasali?
- Paano isasaayos ang resume?
Sasagutin nang hiwalay ang bawat paksa:
1. Titolo sa Trabaho
Bilang freelancer, hindi ka binibigyan ng mga kliyente ng titolo. Ikaw na ang bahalang gumawa ng sarili.
Dahil ang iyong negosyo sa pag-freelance ay
maliit lang, maaaring maging maakit na ilagay sa resume na ika’y isang
“may-ari” o “CEO.” Bagaman maaaring maging tama ang paggamit ng naturang
titolo, maaaring hindi ito makatulong sa paghanap ng trabaho.
Suhestyon ng maraming mga eksperto na gumamit
ng titolo na nilalarawan ang aktwal na trabaho na ginawa para sa kliyente. Halimbawa, ang titolong “Independent Graphic
Designer” ay mas may impormasyon para sa potensyal na kliyente kaysa sa titolo
na “May-ari”
2. Paglista ng Kliyente
Dapat bang ilista ang pangalan ng mga kliyente? Kung marami nang naging kliyente, kailangan bang ilista ang mga ito nang isa-isa?
Una, i-konsidera
ang mga nagawang kontrata. Halimbawa, kung
isang freelance na ghostwriter, maaaring sabihin sa kontrata na hindi pwedeng
pangalanan ang kliyente. Sa kasong ito,
ilarawan lamang ang trabaho. I-konsidera ang
halimbawa:
- Nagsilbi bilang ghostwriter para sa isang corporate blog. Nagbibigay ng lingguhang posts na sa pagitan ng 500 at 1000 na salita.
Kung papayagan ng kontrata, ilista ang pangalan ng kliyente habang kinaklaro na hindi ka naging empleyado. Sapat na ang pagdagdag ng mga salitang “kontraktor” o “independent worker” matapos ng pangalan ng kompanya.
Kung marami nang
nagawang freelance na trabaho, hindi na kailangang ilista ang bawat kliyenteng
pinagtrabahuhan. Ayon sa mga
eksperto, mas magandang bigyang-diin ang mga trabahong ginawa para sa mga
kilalang kompanya.
Sa paglista ng
kliyente, siguraduhin na mayroong kontrata sa kompanya na maaaring kausapin
tungkol sa trabaho na ginawa para sa kliyente. Tinitignan ng mga
kliyente ang mga batis.
Ang
pinakamagandang solusyon ay gamitin ang pangalan ng freelance na negosyo para
sakupin lahat at ilista ang pinakamahahalagang mga kliyente sa ilalim. Pagsama-samahin ang mga hindi kasing kilala at
dalas na mga kliyente.
Heto ang isang halimbawa mula sa resume ng graphic designer:
Graphic Designer, Anytown Consulting 2012-2016
Serbisyong graphic design para sa iba’t ibang
kliyente kabilang ang:
- Malaking Kompanya No. 1 (Konsultant)
Nagdisenyo ng newsletter - Malaking Kompanya No. 2 (Konsultant)
Ginawa ang logo at disenyo ng business card - Mas Maliit na Kompanya No. 1 (Konsultant)
Lumikha ng banner ad at brochure - Kumonsulta sa dagdag na mga kliyente patungkol
sa pangangailangan sa marketing design
at corporate branding
3. Gaano Karaming Detalya ang Dapat Ilagay?
Ang espasyo ay mahalaga sa iyong resume. Ang mas mahabang resume ay hindi mas maganda. Ito ay totoo maging isang freelancer o hindi. Kahit ang resume ng isang propesyonal na mataas ang posisyon ay hindi dapat lalagpas sa tatlong pahina. (Ang ilang esperto ay nagrerekomenda ng hindi
hihigit sa apat na pahina)
Para sa rasong ito, kailangang ayusin ang
iyong resume. Limitahin sa iisang pangungusap ang paglarawan
sa bawat nakalistang freelance na trabaho. Gumamit ng mga salitang binibigyan-diin ang
iyong kakayahan at karanasan.
Tanggalin ang Lahunin ng Trabaho na bahagi. Wala itong lugar sa mga resume ngayon. Maaaari pa tong maging dahilan sa hindi pagtanggap ng iyong resume. Matuto tungkol sa layunin ng resume at kung paano magbuod ng mga pangungusap:
4. Pagharap sa Mababagal na mga Panahon at Puwang
Kilala ang pag-freelance sa mga taas at baba nito. Ang iyong trabaho ay maaaring maging matrabaho sa isang buwan, at mabagal sa susunod.
Baka nag-aalala ka na ang taas at baba ng
pag-freelance ay magiging masama ang itsura sa iyong resume. Kung gamitin ang pangalan ng iyong freelance
na negosyo para sakupin lahat at ilista ang iyong nakuhang trabaho sa ilalim
nito, hindi kailangang mag-alala na ang mga mababagal na buwan ay magmukhang
puwang sa pagtrabaho.
Kung mayroon ngang puwang sa pagtrabaho kung
saan hindi ka empleyado o nagpapatakbo ng freelance na negosyo, sabihin ang
totoo. Mas magandang maging makatotohanan kaysa
mag-imbento. Rinerekomenda ng ilang spesyalista na
ipaliwanag ang mga puwang sa mismong resume.
Halimbawa:
- Tumigil sa pagtrabaho upang alagaan ang kaanak na may sakit, 2011-2012
Ang pagboluntaryo ay magandang paraan dinupang punan ang puwang sa pagtrabaho. Lalo na kung may relasyon sa trabaho na hinahanap.
Maging magdesisyon mang ilista ang rason para
sa puwang o hindi, maging handang pag-usapan ito sa pakikipanayam. Paniguradong tatanungin ka tungkol dito. Kung ang puwang ay dahil sa paghahanap ng
trabaho, ipaliwanag ito.
Kung ikaw ay kwalipikado at mayroon namang
magandang kasaysayan sa pagtrabaho, ang isang puwang na maaaring ipaliwanag ay katanggap-tanggap.
5. Pakikibahagi ng Online na Impormasyon
Bilang isang freelance na propesyonal, malamang ay mayroong online na portfolio o website na nais i-link sa resume. Maaaring nais din isama ang mga link sa mga social media account gaya ng LinkedIn.
Sinasabi ng mga propesyonal sa HR na mahalaga
na ibahagi online ang iyong impormasyon kung ito ay may kinalaman sa paghahanap
ng trabaho. Ilagay ang mga link matapos ng mga pangunahing
impormasyon sa umpisa ng resume.
Ngunit mag-ingat. Hindi porket mayroong account sa social media
ay dapat nang ilagay sa frealance resume. Isama lamang ang mga account na ginagamit pa.
6. Part-Time na Pag-freelance
Ang isang problema na natatangi sa mga freelancer ay kung dapat bang isali ang part-time na freelance na trabaho sa kanilang resume. Heto ang ilang mga tanong para matulungan kang magdesisyon:
- May ugnay ba ang part-time na trabahoo sa posisyong kinukuha?
- Kailangan bang ilista ang part-time na trabaho
para takpan ang puwang sa pagtrabaho?
Kung kinakailangang ilista ang mga part-time na pag-freelance upang takpan ang puwang sa pagtrabaho, gawin ito. Magbigay-pokus sa mga sa trabahong may direktang ugnayan.
Kung ang trabaho ay walang kinalaman sa
posisyon at hindi kailangan para takpan ang puwang sa pagtrabaho, huwag na
isama sa resume.
7. Paano Nakaaapekto ang ATS sa Freelancer Resume
Maraming kompanya ang gumagamit ng Applicant Tracking System (ATS) para suriin ang mga resume. Ibig-sabihin ay maaari nang tanggihan ang iyong resume bago pa man makita ng aktwal na tao. Ang mga sistema na ito ay maaaring makaapekto sa mga freelancer na naghahanap ng pangmatagalan na proyekto o nais bumalik sa tradisyonal na pagtrabaho.
Heto ang ilang mga payo kung paano
makakalagpas sa ATS ang iyong resume:
- I-sumite ang resume sa format na .Doc o .TXT
- Gumamit ng mga salitang naka-pokus sa job listing
- Gumamit ng madaling matukoy na mga pamagat sa mga bahagi ng resume
- Umiwas na gumamit ng mga imahe, table, o simbolo
- Ayusin ang mga typo o maling pagbaybay
Ang mga freelancer ay ineengganyong magsumite ng malikhain na resume. Habang ang ibang mga format ng resume ay maganda kung makita ng tao, ang mga format na iyon ay maaaring tanggihan ng ATS.
Upang matuto pa tungkol sa paglikha ng resume, tignan ang mga tutoryal:
- Mga ResumePaano Gumawa ng ResumeLaura Spencer
- Mga ResumePaano Iestruktura ang Iyong ResumeLaura Spencer
Iba Pang mga Problemang Kinakaharap ng Freelancer
Paglampas ng iyong resume sa inisyal na
pagsasala, maaari pa ring humarap sa mga pagsubok.
Heto ang ilan sa mga pag-aalala na mayroon ang mga employer tungo sa mga freelancer:
- Pagsanib sa Kultura - Ang mga freelancer ay tinitignan bilang laging mag-isa Maaaring mag-alala ang employer na hindi nakatatanggap ng instruksyon ang freelancer. Maaaring magtaka kung paano makihalubilo sa iba.
- Pagtugma ng Kwalipikasyon - Madalas ay gusto ng employer nang mayroong eksaktong kwalipikasyon na nakasulat sa kanilang ad. Bilang freelancer, ang iyong karanasan ang maaaring maging mas malawak at iba’t iba kaysa sa hinahanp ng employer.
- Pagnegotiate ng Sahod - Kung ikaw ay
self-empoloyed, maaaring maging mahirap at pakikipag-usap sa sahod. Gusto ng mga employer na ibase ang sahod sa nakaraang sahod.
Ang pinakamagandang paraan para harapin ang mga problemang ito ay maging handa. Maging handa pagdating sa pakikipanayam.
Sa mga pag-aalala sa pagsanib sa kultura, ipaliwanag kung bakit ka naniniwalan bagay ka sa kompanya. Bigyang-diin kung paano umaalyado ang iyong mga paniniwala sa kanila. Idiin din na marunong makipagtrabaho sa iba.
Para sa mga pag-aalala sa kwalipikasyon, ilagay ang pokuus sa mga proyekto kung saan ang mga responsibilidad ay pinakamalapit sa posisyong kinukuha.
Magsaliksik upang malaman kung ano ang sahod
na dapat asahan. Alamin kung ano ang karaniwang sahod para sa
trabahong kinukuha. Bibigyan ka nito ng ideya kung ano ang dapat
hingin. Huwag kalimutang i-konsidera ang mga
benepisyo.
Paano Gawing Agaw-Pansin ang Iyong Resume
Darating ang punta na titignan ng aktwal na tao ang iyong resume. Kaya mahalagang gawing agaw-pansin ang iyong resume. Mahalaga ang itsura.
Ang mga template ay makatutulong sa paglikha
ng kaaya-aya at mukhang propesyonal na resume. Hindi mahirap gumamit ng template. Para sa instruksyon sa paggamit ng Word resume template, tignan:
Heto ang isang listahan ng mga malikhaing resume template para mga freelancer:
Makakakita pa ng ibang mga resume template sa Envato Market (GraphicRiver), na may marami pang ibang bagong disensyo na maaaring pagpilian.
Konklusyon
Pagdating sa paggawa ng resume, humaharap ng katangi-tanging mga problema ang freelancer. Bilang isang freelancer, maaaring naniniwala kang hindi mo kailangan ng freelance resume. Ngunit maging nais magpatuloy sa pag-freelance o bumalik sa tradisyonal na pagtrabaho, magandang gabay ito sa pag-ayos ng iyong freelance resume.
May nakaharap na bang mga pagsubok sa paggawa ng freelance resume? I-komento ang karanasan.
