Unlimited Powerpoint templates, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Goal Setting
Business

Paano Itakda (+ Abutin) Ang Iyong Sariling Hangarin Sa Iyong Buhay at Trabaho

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Lahat tayo ay may tinatakdang mga hangarin sa buhay, maging ito ay walong taong gulang na babae na nagpapasya kung sila ay magiging astronaut o sinuman na nasa gitna ng midlife crisis na nais magbawas ng timbang o magpalagay ng tattoo.

Ayun nga lang, nabibigo ang mga tao na maabot ang ilan sa kanilang mga hangarin sa buhay na itinalaga nila sa kanilang mga sarili.Karamihan ay nabibigong maabot ang karamihan sa mga ito. Isang bagay kapag sinabi mong gusto mong matutong lumipad, at ibang bagay din ang paggugol ng ilang taon at libu-libong dolyar sa pagiging piloto — o ang pagsubok na kumbinsihin ang manggagamot na mag-graft surgically ng pakpak sa iyong mga braso.

how to set goals
Ang pagtakda ng hangarin ay mahalaga sa parehong personal at propesyunal na buhay. (Image source: Envato Elements)

Sa maling mga hangarin, inilalagay mo sa kabiguan ang iyong sarili sa simula pa lang.Kung masyadong mahirap ito, napakalaki, o kaya malabo na wala ng saysay, hindi mo ito makakamit. Kung kaya ang pinakasimpleng solusyon, ay magbigay ng tamang hangarin. Ang makapagtakda ng propesyunal at pansariling hangarin na makakamit at maaabot. Maaaring kailangan mong magtakda ng maliliit  na hangarin para makapili ng isang malaki, kahit papaano mayroon kang kaunting pag-asa na makamit ito. Tingan natin kung paano.

Bakit Ang Mga Hangarin Ay Mahalaga?

Ang pagtakda ng hangarin ay mahalaga sa parehong personal at propesyunal na buhay. Kahit hindi ka umuupo sa katapusan ng bawat taon para magsagawa ng taunang pagsusuri, marahil ay ay ilang bagay na tumatakbo sa iyong isip na nais mong makamit. Mas maganda kung gagawin natin ang may kamalayan at aktibong paraan sa pagtakda ng hangarin sa trabaho at sa bahay. Sa paraang ito mas marami kang makukuhang kapakinabangan.  

Tandaan: Kung gusto mo ang aming pagtuturo, maaari mo ring magustuhan ang iba pa naming Envato Tuts+ na pagtuturo sa pagiging produktibo.

Narito ang ilang kapakinabangan ng pagtatakda ng propesyunal at pansariling mga hangarin:

  • Nagbibigay ito ng direksyon at nakakatulong sa paggawa ng mga desisyon. Kung ang iyong layunin ay maging isang piloto at mayroon kang pagpipilian sa pagitan ng flight school at clown college, napakalinaw naman kung saan mo kailangang pumunta. At hindi rin masyadong nakakatawa, kung sinusubukan  mong magbawas ng timbang at ang pagpipilian ay McDonalds o gawa sa bahay na salad, ang pagpapasya kung ano ang gagawin ay mas madali kapag alam mo ang iyong layunin.   Kahit na sa mga walang katiyakang sitwasyon, ang pagkakaroon ng matatag na ideya kung ano ang iyong nais na makamit buhay sa mga susunod na ilang buwan ay makakatulong para magpatuloy nang may direksyon kaysa sa nakalutang ka lang nang walang patutunguhan mula sa isang sitwasyon patungo sa isa pa.
  • Nagbibigay ito ng daan para masubaybayan ang iyong pag-usad.Kung ang iyong layunin ay magbawas ng timbang, maaari kang magbalik-tanaw at makikita mo na noong Enero ay itinakda mong magbawas ng apat na pounds at nagtagumpay, at ginawa mo uli ito noong Pebrero, at ngayon ay Marso na nangangalahati ka na. Sa pamamagitan ng paglatag ng ruta sa kung ano ang gusto mong makamit, makikita mo kung gaano na kalayo narating mo.
  • Ang iyong pag-usad ay malaking pinanggagalingan ng motivation. Bawat tagumpay sa pagkamit ng iyong layunin, mai-engganyo kang magpatuloy; na mas magpursige pa at abutin ang iba pang adhikain. Kapag ikaw ay naiinip o hindi sigurado sa susunod na gagawin maaari mo ring isipin ang iyong sarili na nakaupo sa 747 cockpit na lumalapag sa lupa.

Lahat ng sinabi ko, gayunpaman, ay angkop lang sa magandang hangarin. Maglagay ka ng maling mga layunin sa buhay at lahat ng babalikan mo ay tali-taling nakakawalang-ganang kabiguan. Kung ganoon, ano ang masasabing magandang layunin?

1. Paano Magtakda Ng Mga Hangarin Gamit ang SMART

Ang magandang hangarin ay SMART. Ibig sabihin ito ay Specific, Measurable, Achievable, Relevant, at Time-Constrained. Talakayin natin ito isa’t isa. Ang magandang hangarin ay :

  • Specific. Ito ay malinaw at madaling tukuyin. “Gumawa ng maraming pera” ay walang silbing hangarin, subalit “maging Tuts+ manunulat para kumita ng maraming pera “ ay mas kapuri-puri. Gusto mong ang iyong layunin ay mas tiyak hanggat maaari at hindi aalog-alog. 
  • Measurable. Madaling sukatin ang tagumpay o kabiguan. “Magbawas ng timbang” ay tiyak, subalit hindi ito masyadong nasusukat. Gusto mo bang magbawas ng ounce o sampung stone? Sa totoo lang pareho silang pagbabawas ng timbang. Ang mas simpleng hangarin ay sukatin, nang mas madali para sa iyo na masubaybayan ang pag-usad.
  • Makakamit mo. Ako ay five-foot-ten, dalawampu’t walong taong gulang, Irish. Hindi ako maglalaro sa NFL sA susunod na panahon kahit anong gawin ko. Ang layunin na iyong itinakda ay dapat  madali mo ng makamit ngayon.  Habang lumalaki ka bilang tao, maaari kang magtakda ng hangarin na kung saan malayo ang iyong mararating. Huwag subukan at magbawas ng sampung pounds sa loob ng dalawang linggo, gawin itong apat na pounds sa isang buwan.
  • May kaugnayan sa iyong mas malawak na hangarin. Kung gusto mong maging piloto, kailangan mong makakuha ng kahit papaano ng B sa iyong pagsubok sa matematika, kung kaya, sa ngayon, ang iyong layunin ay dapat makakuha ng B+ o higit pa. Kung nais mong makakuha ng promosyon sa susunod na taon o sa mga susunod pang taon, hindi ito ang panahon para subukan at akyatin lahat  ng Pitong Summits.
  • Time-Constrained. Isang araw hindi na ito malabo, hindi tiyak.Kung ang iyong layunin ay magkaroon ng ilang muscle, maaari mo ng simulan ng maayos bukas. Sa kabilang banda, kung ang layunin mo ay magdagdag ng dalawang pounds sa susunod na Huwebes, ang gagawin mo ngayon ang magsasabi kung magtatagumpay ka o hindi. Kung ipagpapaliban mo ang paggi-gym ngayon, hindi mo ito makakamit.

Bagaman ang lahat ng iyong hangarin ay hindi saktong SMART, ito ay magandang lugar para magsimula kapag magtatakda ka sa iyong sarili ng personal at propesyunal na hangarin.

2. Maging Maingat (Subalit Huwag Sobrang Maingat) Sa Kinalabasan Ng Mga Hangarin

Mayroon pang isang pangunahing konsepto na kailangan mong maintindihan tungkol sa pagtatakda ng hangarin: ang pagkakaiba sa pagitan ng Outcome at Process goals, at trap ng nauna. 

Ang Outcome goal ay isang hangarin kung saan mayroong natukoy na resulta. It ay parang “magsulat para sa The New Yorker sa taong ito” o “ magkaroon ng $50,000 sa bangko sa Pasko. “ Habang ang mga halimbawa ng personal na hangarin, sa unang tingin, ay mukhang SMART goals, nakasalalay ang mga ito sa iba pang mga bagay.

Tingnan natin ng mabuti ang mga halimbawa ng personal na hangarin. Gusto kong magsulat para sa The New Yorker, subalit wala akong masyadong kakayahan kung magagawa ko ito o hindi.  Ninanais ito ng libu-libong manunulat bawat buwan, marami sa kanila ay napakagaling. Ang pagtanggap na ito ay parehong nakasalalay sa suwerte at tamang oras at pagiging isang magaling na manunulat. Maaari akong maging pinakamagaling na manunulat sa lahat at gawin ang lahat ng tama, subalit kung hindi sila naghahanap ng nakamamanghang bagay na batay sa karanasan ng mga tao sa maliit na Aprikanong tree frog para sa isyu na nakatalaga sa mga daga sa lugar na malapit sa sentro ng lungsod ng Chicago saka may taong pipiliin.

Ang Process goal sa halip ay nakatuon sa kung ano ang kailangang gawin para posibleng makamit ang ninanais na resulta. Kung gusto kong magsulat para sa The New Yorker, kailangan kong hangaring The New Yorker. Marahil ay ayaw nila ang aking tree frog, subalit maaaring gusto nila ang aking sand worm na artikulo o ang aking sanaysay sa sea otter photo. Sa halip na ang aking layunin ay magsulat para sa The New Yorker, naging “ maka isip ng sampung ideya ng artikulo na The New Yorker ngayong taon’.   Hindi lang ito SMART, lahat ito ay aking kontrolado at bawat hangarin ko ay sa totoo lang lumalapit sa akin papunta sa pagsusulat para sa The New Yorker. Pareho kong sasamantalahin ang pagkakataon na maging masuwerte o maabot ang zeitgeist at mas mapagbuti sa bawat hangarin. Ang aking ikasampung piece ay tiyak na mas magaling kaysa sa aking mga nauna.

Hindi ito lahat babala sa outcome goals. Ito ay para lamang alam mo ang panganib ng paggawa ng hangarin na nakasalalay sa ibang tao. Kung mayroong apat na magaling na kandidato para sa CEO, tatlo sa kanila ang matatanggal. Maaaring ikaw ang pinakamagaling subalit hindi pa din ikaw ang makuha. Ang outcome goals, gayunpaman, ang pinaka-nakakaengganyong hangarin.  Sila ang pinakamadaling isipin at pagusapan sa hapag kainan. Importante na mayroon din nito, subalit tandaan na kailangan mo rin ng process goals.

3. Magtakda ng Maiksi at Pang Matagalang Mga Hangarin

Hindi lahat ng hangarin sa buhay ay pare-pareho sa parehong panahon. Ang iba ay mga bagay na gusto mong makamit sa  mga susunod na ilang linggo or buwan, ang iba mga bagay na gusto mong gawin bago ka mamatay. Sa pangkalahatan, ang mga hangarin ay nahahati sa :

  • Maiksing panahon ( wala pang isang taon) 
  • Katamtamang panahon (isa hanggang limang taon)
  • Pang matagalan (mas mahaba sa limang taon)

Kitang-kita naman na hindi pa malinaw at magulo pa pagdating sa iksi o haba ng panahon.

Paano mo itakda ang bawat hangarin ay nakadepende sa ikisi o haba ng oras o panahon kung kailan mo ito gustong makamit. Kung gusto mong palakihin ang iyong kita bilang freelancer sa $100,000/bawat taon sa susunod na limang taon, kailangan mo itong gawin sa ibang paraan kaysa sa kung susubukan mo itong makamit sa susunod.

Bilang pangkalahatan, ang maiksing panahong layunin ay madalas pangunahing bahagi sa mas mahabang hangarin kung kaya, kailangan mong maging mas strikto kung paano mo itatakda ang iyong maiksing panahong hangarin. Ayos lang na magkaroon ng malabo, hindi masyadong SMART na pangmatagalang mga plano, subalit wala ka dapat ng maraming pang maiksing panahong mga hangarin.  Ang Getting Things Done Productivity System ay ginagamit ang ganitong pamamaraan sa layunin sa trabaho, subalit maganda na gamitin ang iyong listahan ng pang matagalang hangarin kung maging ito ay naglalaman ito ng propesyunal o personal na hangarin.

7 Gabay para sa Pagtakda ng Personal at Propesyunal Na Mga Hangarin

Ngayon na mayroon ka ng mga pangunahing kaalaman sa konsepto na mayroong magandang pagtatakda ng hangarin, gamitin na natin ito sa aktuwal.

  1. Gusto mo ang iyong hangarinn (kung possible) Specific, Measurable, Achievable, Relevant, at Time Constrained. Ayos lang na malagay sa kompromiso ang isa o dalawang bahagi, subalit hindi sa lahat.
  2. Ang pinakaimportanteng katangian ng SMART ay Achievable. Kung ang iyong hangarin sa buhay ay  higit pa sa iyong abilidad, hindi mo ito maaabot at mawawalan ka ng gana. Hindi naman ibig sabihin na magbigay ka sa iyong sarili ng mga simpleng hangarin lang. Ibig sabihin ay subukan ang mga bagay na kaya mong maabot. Kung gusto mong magsulat ng nobela, huwag layunin ang 10,000 na salita sa isang linggo. Hindi mo ito magagawa and mauuiwi ito sa mismong pagsulat ng libro!
  3. Ayos lang na magkaroon ng ilang Outcome goals, subalit kailangan mong maging maingat na huwag masyadong nakasalalay sa desisyon ng ibang tao. Ang process goals ay mas maganda dahil ito ay 100% na may control sa iyong tagumpay o pagkabigo. Magandang ideya na magtakda ng malaking outcome goals at pagkatapos ay maliit na process goals na magbibigay- daan sa iyo para makamit ito. Kung gusto mong manalo sa kumpetisyon ng powerlifting, magsimula sa pag-aaral ng bench press sa tamang pamamaraan palagi.
  4. Isaalang-alang ang oras o panahon kapag nagtatakda ka ng iyong mga hangarin. Ang pang maiksing panahon ay dapat mas mahigpit na bigyang-pansin kaysa sa bagay na pang matagalan. Subukan din na ilagay ang pang matagalang mga hangarin sa pang maiksing panahon. Halimbawa, kung gusto mong maging astronaut, kailangan mo ng PHD. Kung kaya magsimula sa pagkakaroon ng napakagandang grado sa iyong SAT. Gamitin ang GTD na pamamaraan at hatiin lahat sa maliliit na hakbang.
  5. Mayroong halong pagsasaliksik kung ang pagsabi sa mga tao ay nakakatulong o nagiging balakid sa pagkamit ng iyong mga hangarin sa buhay. Tingnan kung alin ang akma sa iyo. Maaaring mas madali sa iyo na gawin ito ng sekreto, o kaya mas madali na may kasama. Maaari ka ring gumamit ng mga serbisyo katulad ng stickK para kontrolado mo ang iyong sarili.
  6. Para sa mga propesyunal na hangarin, kausapin ang iyong manager at mga kasamahan sa trabaho. Maaari silang makatulong sa pagkamit ng mga ito. Kung sinusubukan mong pagbutihin ang iyong kakayahan, may magandang posibilidad na magbigay ang iyong kumpanya ng karagdagang oras para sa iyo para makadalo ng mga pagtitipon o magbayad ng ilan sa iyong inaaral. Ang pagtatakda at pagkakamit ng iyong mga hangarin ay magbibigay ng impresyon na ikaw ay go-getter at maaaring maging daan para makuha mo ang iyong promosyon.
  7. Tandaan na ang pagtatakda ng hangarin ay hindi limitado sa mga seryosong bahagi ng iyong buhay.  Kung gusto mong magkaroon ng mga bagong kaibigan, maglaan ka sa iyong sariili ng panahon na  makadalo sa club o social event bawat linggo. Kung naghahanap ka ng romantikong makakasama sa buhay, maglaan ng 30 minuto araw-araw sa pagpapakilala sa posibleng makapareho sa dating site. Ang pagtatakda ng hangarin ay magagamit para makamit ang kahit na anong resulta.

Ayos Lang Na Bumitaw Sa Iyong Mga Hangarin

Hindi ako astronaut. Hindi rin ako manggagamot ng mga hayop. At hindi rin nangungulekta ng mga basura ni iba pang propesyon na pinaniniwalaang magiging siya ng walong taong gulang na si Harry. Sa totoong pagninilay-nilay, hindi ako magiging magaling na astronaut at malamang hindi rin ako magiging masaya na maging manggagamot ng mga hayop. Dahil ang mga iyon ay aking hangarin noong ako ay bata pa, hindi ibig sabihin na gusto ko pa sila ngayon.

Ang iyong propesyunal at personal na mga hangarin ay magbabago habang ikaw ay lumalaki- maging ito man ay sa edad, maturity, o bilang tao. Kung ang binigay mo sa iyong sarili na hangarin kamakailan ay patuloy na nabibigo nang hindi mo maintindihan, tingnan uli ang mga ito. Maaaring hindi ito makakamit sa ngayon o kaya maaaring hindi na ito ang bagay na nais mong masigasig na ituloy. Sa iyong kinikilos mas makikita ito kaysa sa iyong sinasabi. Kung kaya magpatuloy lang at baguhin ang listahan ng pang matagalang mga hangarin kung kinakailangan.

Ang pagtatakda ng magandang hangarin ang simpleng bahagi. Ang mahirap na bahagi ay ang pag-abot sa mga ito. Ang pagpapasya kung  tatakbo ka ng limang kilometro nang tatlong beses sa bawat lingo ay madali – ito ay napaka- SMART, pang  maiksing panahon na process goal higit sa lahat. Subalit ang paglabas sa madalim at maulan na Martes ay mas mahirap.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.