Advertisement
  1. Business
  2. Communication

Ang 5 Pinakamahusay na Copywriting Books: Isang Unconventional na Gabay

Scroll to top
Read Time: 4 min

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Sa tuwing ako ay makikipagtrabaho kasama ang isang batang copywriter na sabik simulan ang kanilang career, laging dumadating ang oras na itinatanong nila ang hindi maiiwasang tanong: “Ano ang ilang angkop na libro para sa copywriters?”

Ang totoo ay, wala nito. Ang mahusay na libro ay maaaring magbigay ng ilang payo, ilang makabagbag-damdaming mga kwento mula sa kailalim-laliman, pero ang malamig na katotohanan ay kailangan mo lamang tumalon at umasang matuto kang lumangoy nang mabilis para makahabol.  Dahil ang katotohanan ng pagiging isang copywriter ay hindi katulad ng iyong natutunan sa paaralan ng advertising o ng kahit anong libro sa kasanayan. Ang tunay na mundo ng isang abalang nagtatrabahong copywriter ay mas mabilis at higit na mas nakahahamon kaysa sa iyong maaakala. 

Gayunpaman, mayroon naman sigurong isang libro o dalawa na makakatulong, tama ba? Oo. Pero, ang mga ito ay maaaring hindi ang mga librong iyong aasahan. Ang mga librong ito ay hindi tungkol sa manwal sa pagsusulat ng ganap na copy.  Sa halip, ang mga sumusunod na mahahalagang materyal sa pagbasa ay naglalayon na magbigay ng inspirasyon, pukawin ang imahinasyon at ihanda ang susunod na mahusay na copywriter na tanggapin ang pagbabago at pagkatiwalaan ang kanyang panloob na boses. Heto ang aking limang hindi inaasahang kahanga-hangang libro para sa mga copywriters.

  1. A Poetry Handbook ni Mary Oliver
    Dito sa napakagandang sulat na libro, ang National Book Award winner na si Mary Oliver ay nagbibigay sa atin ng mainit at mahalagang salaysay sa kung paanong sa makapangyarihang paraan ay gumamit ng lengguwahe, tunog, ritmo, matalinhagang paglalarawan, at iba pang klasikong kagamitang pampanitikan.  Marahil sa mas mahalagang paraan, ito ay isang mahusay na gabay sa imahinasyon at panimulang aklat sa gamit ng mga salita para magpahayag ng katotohanan. Paano ito hindi makakatulong sa copywriters?
  2. Zag ni Marty Neumeier
    Kapag ang lahat ng iba ay nag-zi-zig, ikaw ay mag-zag. Simple pero kapaki-pakinabang na karunungan mula sa brand guru na si Neumeier.  Sa marami niyang libro sa branding, ito na marahil ang kanyang pinakakapaki-pakinabang sa pagtulong nito sa isang unawain ang kapangyarihan ng makabagong ideya, sariwang pag-iisip at pag-iwan ng gulo ng pagmemensahe sa puting espasyo kung saan ang mga ideya ay talagang makakahinga.  Higit pa sa naaangkop lamang sa brands at mga kliyente, ito ay mahusay na talinghaga para sa daan ng manunulat sa paghahanap ng kakaibang makabagbag-damdaming tinig.
  3. Story ni Robert McKee
    Sa pagtapos ng araw, ito ay tungkol lahat sa kuwento. Bawat brand, bawat kumpanya, bawat kliyente ay may kuwentong masasabi. Ang totoong kapangyarihan ng kahit anong kampanya, kahit anong trabahong pagsusulat ay nasa pagkakasabi ng salaysay. Ang mga tao ay nag-iisip sa pamamagitan ng mga kuwento at tayo ay sumasagot sa mga pinaka-memorable. Matutong magsabi ng magandang kuwento at hindi ikaw ni ang iyong kasalukuyan at mga darating na kliyente ay mabibigo.
  4. The Lie That Tells A Truth ni John Dufresne
    Si Dufresne ay isang mapanlikhang manunulat ng kathambuhay. At habang ito ay isang handbuk para sa mga manunulat ng kathambuhay, ang pananaw sa kasanayan at kuwento ni Dufresne ay nagdadagdag ng isa pang patong ng posibilidad at inspirasyon sa mga naunang libro sa listahang ito.  Siya ay namamahagi rin ng mahuhusay na kabatiran sa proseso ng pagsusulat, kasama ang mga payo sa paggapi ng kinatatakutang writer’s block at kung paano gawin ang isang bagay na kinatatakutan ng maraming manunulat: simpleng ang pagsisimula. Dagdag pa dito, ang librong ito ay talagang nakalilibang basahin.
  5. A Whole New Mind ni Daniel Pink
    Ang librong ito ay pinahanga ako nang akin itong basahin. Ayon kay Pink, tayo ngayon ay nasa Conceptual Age, isang oras kung saan ang right-brainers ay maghahari.  Sa panahong ito ng automation at outsourcing, ang isang bagay na mananatili ay ang ideya at ang siyang bumuo nito. Ang innovators ang tunay na mahalaga dito at ang mga taong kayang mag-isip ay kakailanganin nang marami.  Muli, siya ay nagsusulat tungkol sa kapangyarihan ng kuwento, ang pangangailangan sa mahusay na disenyo at ang ideya ng simponya bilang kakayanan na mapagsama-sama ang saklaw ng malikhaing mga element para makarating sa isang bagay na mas malaki kaysa sa kabuuan ng mga parte nito.  Ang huling kakayanan na ito, gaya ng iba, ay mahalaga sa tagumpay ng mahusay na copywriter.

At iyan ang aking listahan ng hindi inaasahang mahuhusay na libro para sa copywriters. Hindi lamang sila ang natatanging mga librong aking napakinabangan, pero ang mga ito ay magandang lugar para magsimula.  Kung wala nang iba, ang mga ito ay magbibigay inspirasyon, maghahanda at magtuturo ng susunod na mahusay na copywriter sa tamang direksyon. Maligayang pagbasa.

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Business tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
One subscription. Unlimited Downloads.
Get unlimited downloads