Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Ang Webinars ay maaaring magaling na paraan para makakuha ng interes o atensyon sa iyong produkto o serbisyo. Maaari din itong gamitin sa training, group meetings, at pagpapakilala ng produkto. Subalit ang paghahanap ng tamang webinar software ay maaaring maging isang hamon.
Sa tamang webinar tools, maaari mong isali ang iyong audience at gumawa ng makabuluhang kaugnayan sa mga kalahok sa webinar. Kung kaya mahalaga na pumili ng mabuti.



Sa artikulong ito, ibibigay ko ang buod ng mahigit sa 15
na magaling na libre at premium online webinar software. Tatalakayin ko din ang
ibang features na hinahangad mo na makita sa iyong pagpipilian ng webinar
software. Malalaman mo din ang ilang tungkol sa kung ano ang
magaling na webinar at dadalhin ko kayo sa karagdagang resources para
makatulong na mas matutunan pa ang tungkol sa webinars.
Paano Maghanap ng Tamang Webinar Tools Para Sa Iyo
Maging ikaw ay negosyante, isang organisasyon, start-up,
o indibiduwal — nais mong makahap ng tamang webinar software para sa iyong mga
pangangailangan. Gayunpaman, ang kailangan sa webinar ay depende sa kung bakit
ka nagpaplano ng webinar. Sa bahaging I ay nakalista ang ilan sa mga karaniwang
feautures na hinahanap ng mga negosyo at ng iba pang tao kapag pipili ng
webinar software. Ang sarili mong pangangailangan ay maaaring iba.
Narito ang ilang features at kakayahan na maaaring nais mo sa iyong webinar tool:
- Seguridad. Depende sa layunin ng iyong webinar tool, maaaring gusto mong limitahan ang access sa iyong webinar. Nais mo din na panatilihing pribado ang listahan ng mga kalahok at gayon din ang impormasyon sa kanilang kontak. Kung gusto mong magpabayad para sa iyong webinar, gusto mong panatilihin ang seguridad ng impormasyon sa bayad ng kalahok.
- Bilang ng mga kalahok. Marami sa webinar platforms ay tinutukoy ang bahagyang pagpe-presyo ayon sa bilang ng kalahok sa webinar. May kabuluhan ito dahil marami sa mga kalahok ay kailangan ng maraming resources. Gusto mong pumili ng webinar platform na maaaring angkop sa parehong nakaplanong bilang ng mga kalahok at ang iyong budget.
- Audience engagement. Ang kaibahan sa pagitan ng magaling na webinar at walang buhay na webinar ay madalas sa antas ng audience engagement. Ang magaling na webinar software ay nagtataglay ng tools para makatulong sa iyo na makipag-ugnayan sa iyong audience katulad ng kakayahang magamit ang chat, polls at questionnaires, at Q&A sessions habang nagwi-webinar.
- Screen sharing. Ang kakayahan na ipakita sa iyong mga kalahok kung ano ang iyong nasa screen ay maaaring mahalaga sa training sa webinars. Ang feature na ito ay mahalaga kung gagamitin mo ang webinar sa market software o online tools. Isiping mabuti kung kailangan mo ang feature na ito sa iyong webinar software tool.
- Record. Maraming webinar hosts ang gusto ang kakayan na ma-record ang webinar. Makakatulong ito kung gusto mong tingnan uli ang webinar. Maaaring gusto mo ding ibahagi uli ang webinar recording sa iyong website o online. Ang ilang webinar tools ay awtomatikong nagri-record ng webinars.
- Analytics. Ang kakayahan na sukatin at ma-track ang data na may kaugnayan sa webinar ay mahalaga. Subalit mag-ingat sa pagpili ng webinar platform na nag-aalok ng feature na ito. Siguraduhin na taglay ng analytics na ito ang measure na kailangan mong i-measure nila.
- Technical Support. Sa pagpili ng kahit na anong online o software tool mahalaga na isaalang-alang ang pagkakaroon ng technical support. Ang technical support ay mahalaga kapag may bagay na pumalpak o pumalya o kung mayroon ka lang na tanong habang nagsi-set up ka ng iyong webinar.
Ang mga ito ay ilan lamang sa features na maaari mong
isaalang-alang kapag gagawa ka ng paghahambing ng webinar software. Ngayon na
natalakay na natin kung ano ang dapat hanapin sa webinar tool, tingnan natin
ano ang magaling na webinar.
Ano Ang Magaling na Webinar?
Kung ikaw ay nagpaplano ng webinar, gusto mong siguraduhin
na ang iyong webinar ay matagumpay. Sa totoo lang, gusto mong magaling ang
iyong webinar.
Narito ang apat na bagay na iyong kailangan para magkaroon
ng magandang karanasan sa webinar:
- Tumuon sa iyong audience. Una sa lahat, siguraduhin na iyong naiintindihan kung sino ang sinusubukan mong kausapin sa iyong webinar. Alamin kung ano ang dati na nilang alam at kung ano pa ang dapat nilang alamin at ialok ito sa kanila sa nakakahikayat na paraan.
- Ipaabot ang top-notch na nilalaman. Siguraduhin na ibibigay ng iyong webinar ang mga kasalukuyang impormasyon na mahalaga at may kaugnayan sa iyong audience. Gawin ang kinakailangang pagsasaliksik para mabigyan sila ng impormasyon na talagang magagamit nila.
- Planuhin at i-ensayo. Kung ang iyong webinar ay magiging live, planuhin ito sa oras kung saan alam mo na karamihan sa iyong nilalayong audience ay nariyan. Kapag na set-up mo na ang oras at nagawa mo na ang nilalaman ng live webinar, siguraduhin na sanayin ang pagsusuri nito.
- Promote. Ngayon na iyo ng naplano ang webinar, kailangan
mo itong ipromote. Magpadala ng registration invites sa pamamagitan ng email, social
media, at iba pang tools.Mahalaga din ito para magpadala ng paalala nang
bahagya bago ang webinar para sa mga naka-register na dumalo.
Nais mo bang mas matutunan pa ang tungkol sa pagkakaroon
ng magandang karanasan sa webinar? Narito ang ilang pagtuturo na makakatulong:
- SalesPaano Magplano at Gumawa ng Sales Webinars na Nagko-ConvertBrenda Barron
- Live StreamingNag-iisip na Mag Live Video Streaming? Narito Kung Saan MagsisimulaHarry Guinness
- ScreencastsPaano Mag Live! Bakit ang Artist Kailangang Makagawa ng Live Streams at ScreencastsMelody Nieves
- Mga WebinarPaano Gumawa ng Webinar Landing Pages (Na Makakakuha ng Registrations)Brenda Barron
Magsimula sa Magaling na Slideshow
Sa maraming pagkakataon, nais mong ilagay ang slideshow
sa iyong webinar. Katulad ng live presentation, ang magaling na slideshow ay epektibong
nakakapag-hatid ng impormasyon habang nagwi-webinar.
Para makagawa ng
nakakatawag-pansing slideshow, nais mong gamitin ang propesyonal na dinisenyo
na slideshow template. Ang pinakamagandang para gawin ito ay pumili ng
top-notch provider na nagbibigay ng subok ng presentation templates katulad
ng Envato Elements.



Para sa mababang buwanang gastos, maaari kang pumili sa pagitan ng libu-libong iba’t ibang nakakatawag-pansing slideshow templates. Sa Envato Elements, ida-download mo ang maraming templates depende sa iyong kailangan nang maraming beses hanggat iyong kailangan. Magkakaroon ka din ng access sa iba pang digital assets katulad ng propesyonal na dinesenyo na WordPress themes, video tutorials, at marami pang iba.
Kung ang gusto mo lang ay isang propesyonal na dinesenyo
na slideshow template, GraphicRiver ay magaling na pagpipilian. Tingnan sa maraming
nakakatawag-pansing templates at i-download ang gusto mo para sa makatwirang
one-time fee.
Live Online Webinar Software Tools
Narito ang buod ng ilan sa magaling na webinar softare
tools na mayroon kami na maaari mong tingnan. Ibinalangkas ko ang ilan sa
pinakamagaling na features para sa bawat webinar tool dito, subalit karamihan
sa mga tools na ito ay naglalaman din ng karagdagang features.
1. Google+ Hangouts
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Pagdating sa libreng webinar software, Google Hangouts ay isa sa pinakamagaling na pagpipilian kung limitado ang iyong budget. Classic Google Hangouts ay mayroon pa din at maaaring matugunan ang karamihan sa iyong kailangan sa webinar. Ang kailangan mo lang ay Google Account, na nakuha mo na kung mayroon kang Gmail account. Classic Google Hangouts ay kayang pagsabayin ang hanggang 25 katao. Gumagana ito sa maraming platforms. Maaaring mong i-manage kung sino ang naga-access sa iyong hangout sa pamamagitan ng iyong kalendaryo o sa pag kontrol ng iyong inimbita.
(Para sa G Suite
customers, gayunpaman, ang Google Hangouts ay kamakailan lang hinati sa Google Hangouts Chat at Hangouts Meet.)
Para mas malaman ang tungkol sa Google Hangouts, isangguni sa aming
pagtuturo:
2. Facebook Live
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Isa pang pagpipilian na libreng webinar software ay ang
Facebook live. Halos lahat ay may Facebook account sa panahon ngayon, kung kaya
may kabuluhan ang paggamit ng Facebook Live. Habang ikaw ay nagbo-broadcast,
makikita ng iyong Facebook followers at friends ang iyong live video. Kapag tapos ka na mag broadcast, ang video ay
mailalathala sa iyong Facebook page o profile — na ibig sabihin ay maaari mong
ituloy na maipahatid ang iyong mensahe kahit na tapos na ang webinar. Kung kailangan, maaari mong matukoy kung sino ang
nakakakita ng iyong webinar video sa pamamagitan ng paglathala nito bilang
sekretong video (na ibig sabihin ay ang mga taong may webinar URL lang ang
makaka-access nito).
3. YouTube Live
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Hindi mo maiisip na ito ay libreng webinar service, subalit
ang YouTube live ay maaaring gamitin sa host webinars. Una sa lahat, ang Google
Hangouts ay maaaring ma-integrate sa YouTube, kaya maaari mong palawakin ang
iyong Google Hangouts audience sa pamamagitan ng pag stream nito sa YouTube. Sa totoo lang, ang ibang premium webinar tools ay
gumagamit ng YouTube sa background. Kapag tapos ka na mag-stream ng iyong
video, maaari mo itong ilathala. Sa ibang tools na makakatulong sa iyo na makagawa
ng mas magandang YouTube webinar, tingnan uli ang mga sumusunod na pagtuturo:
4. Skype Group Calls
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang iyong kumpanya o organisasyon ay maaaring gumagamit
na ng Skype para sa IMs o tawag sa telepono, kung kaya ang paggamit nito para
sa webinars ay may kabuluhan. Sa Skype group call, maaari mong isali ang
hanggang 25 katao sa iyong webinar. Hanggang siyam na katao ang maaaring lumahok sa group
video call. Sa Skype Meeting Broadcast na feauture (bahagi ng Skype para sa negosya) maaari mong
i-broadcast ang iyong webinar sa hanggang sa 10,000 katao nang sabay-sabay. Isa pang swabeng Skype feauture na maaaring
mapakinabangan ay screen sharing. Maaari mong ipakita sa kalahok sa webinar
kung ano eksakto ang iyong ginagawa.
5. Cisco Webex
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang Cisco Webex ay isa sa mas sikat na online meeting at
event hosting tools. Sa Webex magkakaroon ka ng partikular na tools na eksakto
sa kung anong gusto mong gawin. Pumilli sa pagitan ng hosting events sa hanggang sa 3,000
katao, meetings ng hanggang 40,000 katao, o training (kasama ang testing at
grading) hanggang 1,000. Maaari mong ipakita ang iyong screen sa mga kalahok.
I-kontrol kung sino ang nakaka-access ng webinar sa pamamagitan ng pag set-up
ng personal meeting room. May kasama ding technical support ang Webex webinar
tool.
6. Blackboard Collaborate
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Kung kamakailan ay kumuha ka ng klase, maaaring pamilyar
ka na sa Blackboard bilang training tool. Subalit ang hindi alam ng karamihang
tao ay ang Blackboard ay may solusyon para sa mga negosyo kasama ang web
conferencing software. Kung ang layunin ng iyong webinar ay training, ito ang
mahusay na pagpipilian. Magagawa mong i-manage ang webinar registration, gumawa
ng training plan, mag-integrate ng video, at marami pang iba.
7. GoToWebinar
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang GoToWebinar ay kilala sa kanilang online meeting
software. Ang kanilang online software tool ay kasing maaasahan katulad ng kung
gaano kasikat ito. May tatlong antas ang tool na ito, ayon sa bilang ng kalahok
sa webinar. Kung kailangan mong mapanatili ang maraming impormasyon
tungkol sa iyong webinar, ito ay magandang tool dahil lahat ng antas ay may
kasamang reports at analytics. Ang webinar tool ay may ilang kasamang features katulad
ng kakayahang makagawa ng pools, kabilang ang handouts, at mayroong Q&A
session. At, nire-record ang iyong webinar locally o online.
8. Livestream
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang Livestream ay eksakto ng tunog niya: isang
livestreaming tool. Subalit mahalaga ito na webinar software dahil ito ay may
kakayahan na gumawa ng real-time moderated chat. Mahalaga din ito kung gusto mong i-stream sa Facebook Live o YouTube. At may
kasama din itong analytics. Isa sa maganda tungkol dito sa webinar software ay
may kasama itong training at support.
9. WebinarJam
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Isa pa sa mga sikat na webinar platforms ay ang
WebinarJam. Sa webinar tool na ito na madaling gamitin ay mako-kontrol mo kung
sino ang lalahok sa iyong webinar na may password-protected webinar rooms. Palakasin ang iyong audience engagement gamit ang
interactive tools katulad ng polls at chat. At awtomatikong nire-record ng
WebinarJam ang iyong webinar. At maaari kang makakuha
ng webinar analytics katulad ng sales tracking, na magiging magaling na
tool para sa marketing webinars. Bilang premium webinar tool, mayroon din itong
support.
10. EverWebinar
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Kung naghahanap ka ng automated webinar software, maaaring
ang EverWebinar (mula sa gumawa ng
WebinarJam) ang iyong kailangan. Ang automated webinars na iyong sinet-up sa
EverWebinar ay magmumukhang live webinars. Ang Autoresponders ay kakabit din sa
webinar na ito. O kaya, maaari
kang gumawa ng automated webinar na may live chat moderator. Ang tool na ito ay
may kasamang analytics at tracking. At mayroon ding support na makakatulong sa
pag set-up ng iyong automated webinar nang walang problema.
11. Zoom
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang Zoom ay magandang webinar tool kung nagba-budget ka, lalo
na kung ang webinars na kailangan mong i-host ay medyo maiksi. Sa unang antas
nito ang Zoom webinar software ay libre. Sa unang antas maaari kang mag-host ng hanggang 100 na
kalahok at magdaos ng 40 na minutong group meeting. Sa mas mahabang meetings o
mas maraming kalahok, maraming premium plans ang nariyan. Ang Zoom video conferencing features ay may kasamang magkakasabay
na screen share at maaari kang mag
set-up ng breakout rooms. Mayroong online support, kahit na libre.
12. ClickMeeting
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang ClickMeeting webinar tool ay mayroong iba’t ibang
plans batay sa bilang ng mga kalahok na iyong inaasahan, hanggang 5000 kalahok. Sa tool na ito ay makakagawa ka ng polls at survey, may
chat features, puwede ang screen sharing. Dito ay mata-track mo din ang webinar
statistics. Isa pang magandang feature ay desktop sharing. At maaari mong ring
i-record ang iyong webinar.
13. Demio
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Kung susuriin mo uli ang webinar platforms, maaaring
gusto mong tingnan ang Demio. Ang software na ito ay mayroong iba’t ibang plans
batay sa mga kalahok ng webinar. Pumili ng plan simula sa 100 na kalahok
hanggang 1000 na kalahok (at posibleng higit pa). Maaari mong ipakita ang iyong screen, gumawa ng polls at
surveys, at marami pang iba. Ang tool na ito ay awtomatikong nagri-record ng
iyong webinars. Kasama din ang Analytics. Nariyan din ang 24/7 technical
support, kahit sa pinaka-mababang antas.
14. Livestorm
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Isa pang magandang webinar software tools ay ang
Livestorm. Ang webinar software na ito ay nakaka-accommodate kahit saan mula sa
89 hanggang 500 kalahok, batay sa plan na iyong pinili. May kasama din itong maraming oportunidad para sa
audience engagement kabilang ang chat, pools, at Q&a. Sinu-support din nito
ang screensharing. Limitahan ang maaaring mag-access ng iyong webinar sa
pamamagitan ng pagset-up nito bilang pribado. Kabilang din dito ang Webinar
analytics.
15. MegaMeeting
.jpg)
.jpg)
.jpg)
MegaMeeting v.4 webinar software ay kasalukuyang
nasa beta, subalit may ilan itong magandang
features kung kaya nararapat ito na ilagay sa ating listahan. Kabilang dito ang screen sharing, chat, at recording. Mayroon
din itong secure connections na may end-to-end encryption at iba pang security
features.
16. WebinarNinja
.jpg)
.jpg)
.jpg)
Ang WebinarNinja ay mayroong plan sa kahit na saan mula
100 hanggang 1000 na kalahok. Maaari ka ring gumawa ng automated webinars sa
kahit na anong plan para sa walang limit na bilang ng kalahok. Ang auto recording ay kasama din sa lahat ng webinar
software packages at hindi mawawala ang kakayahan na ipakita ang screens at
isama ang iba pang interactive features katulad ng polls at Q&A. Lahat ng
plans ay may kasamang technical support.
Konklusyon
At ngayon ay mas marami ka ng natuklasan sa webinar
software tools. Natuklasan na natin anong features ang nais mo sa webinar tool
at gayon din kung paano gumawa ng
magaling na webinar. Nalaman mo na rin ang tungkol sa mahigit sa 15 na iba’t
ibang webinar tools, kabilang ang ilang libreng webinar software. Handa ka ng
gumawa ng paghahambing ng webinar software at oras na para magpatuloy at
magsimulang magplano ng iyong webinar. Good luck!