() translation by (you can also view the original English article)
Para sa karamihan, tila isang pangarap ang magkaroon ng passive income. Ikaw ay may pagkakataong kumita ng pera habang natutulog! Malaya kang makapaglakbay sa buong mundo at makapagtrabaho ng 4 na oras kada linggo! Tulad ng ating tinalakay sa mga nakaraang tutoryal sa seryeng ito, mas marami pang bagay na dapat malaman kaysa dito.
Ang tatlong pinakamahahalagang aral na
kailangan mong basahin bago magpatuloy ay:
- Ano ang passive income at paano ito gumagana?
- Paano mapipigilan ang pagpapalit ng iyong oras para sa salapi at ang pagkakaiba sa pagitan ng passive income at active income.
- Kung ang pagkakaroon ng passive income ay isang bagay na dapat mong pagsikapan, at ano ang dapat malaman bago magsimula.
Tinatalakay ng tatlong tutoryal na ito ang mga pangunahing bagay na kinakailangan mong malaman tungkol sa passive income. Ngayon sa tutoryal na ito magkakaroon tayo ng ibang pamamaraan: titingnan natin ang ilan sa pinakamagagandang paraan upang makapagsimula ng passive income online sa 2017.



Paano Magkaroon ng Passive Income Online sa 2017(8 Pinakamagagandang Paraan Para Makapagsimula)
Anu-ano ang pinakamagagandang paraan para magkaroon ng passive income? Paano magsisimula nito? Tingnan natin itong walong pinakasimpleng paraan upang makapagsimula ng passive income online, mula sa pag-uumpisa ng blog, hanggang sa pagbebenta ng mga produktong digital, at iba pa — para makahanap ng pinakaangkop na paraan na maaari mong simulan ngayong taon:
1. Magsimula ng Blog upang Magkaroon ng Passive Income sa 2017
Ang pagsisimula ng isang blog ang isa sa pinakasimpleng paraan upang makapagsimula ng passive income. Ngayon, masasabing malayo na ito sa pinakasimpleng paraan upang makapagsimula ng iba’t-ibang passive income ngunit napakaraming magagandang opsyon kung paano kumita mula dito. Maaari din itong magsilbing isang platform upang ilunsad ang iba pang mas potensyal at kapaki-pakinabang na negosyo.
Ang paghahanap ng naaangkop na tema ang pinakamahirap na bagay na dapat isaalang-alang sa isang blog. Kung nais mo talagang magtagumpay, kailangan mong magsulat tungkol sa mga bagay na alam mo at hindi gaanong popular.
Maaari mong subukan at simulan ang isa pang blog ng paglalakbay, ngunit ang bawat dalawampu at higit pa na bumisita sa Timog Silangang Asya ay mayroon din; puno na ang merkado kaya naman napakahirap na mapansin at magsimulang kumita ng pera. Sa halip, kung makahanap ka ng isang bagay na hindi kapansin-pansin at alam mo, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng puwang. Mas malaki ang pagkakataon mo na kumita sa isang blog para sa mga nagmamay-ari ng antigong BMW kaysa sa iba pang pangkaraniwang gabay sa paglalakbay sa Thailand.
Pagdating sa pagkakakitaan ng pera ang pinakamabilis na paraan para makapagsimula ay sa pamamagitan ng mga ad at mga affiliate program. Suriin natin sila nang paisa-isa.
Opsyon 1. Magkaroon ng pagkakakitaan sa Iyong Site sa Pamamagitan ng Ads
Ang mga Ad ang pinakamadaling paraan para magkaroon ng pagkakakitaan sa iyong site. Kahit sino ay maaaring mag-sign up para sa programa ng Adsense ng Google at maglagay ng ilan sa kanilang site. Kung may bibisita sa iyong site at mag-click ng (o minsan kahit tumingin man lang) sa ad, kikita ka na ng ilang sentimo.
Ngayon, ang problema sa mga ad ay ang napakababang halaga ng salaping ipinapasok nito. Padami nang padami ang mga taong gumagamit ng mga ad blocker, at ilan lamang ang nagbubukas ng mga karaniwang AdSense ads.
Ang isang maganda uri ng mga ad ay ang pakikipag-ugnayan sa mga potensyal na kapareha at hayaan ang mga ito na bumili ng espasyo sa iyong site. Kung ikaw ay may tamang paksa at may traffic, magkakaroon ka ng suporta. Sa aming halimbawa ng mga antigong BMW, maaari kang lumapit sa sinumang negosyante na nagbebenta ng mga parte para sa mga lumang sasakyan. Matuto nang higit pa:
Opsyon 1. Magkaroon ng pagkakakitaan sa Iyong Site sa Pamamagitan ng - mga Affiliate Program
Kasalukuyang popular sa pagkakaroon ng pagkakakitaan sa mga website ay ang mga affiliate program. Ang pamantayan ay ang mga retailer tulad ng Amazon na magbabayad sa iyo ng porsyento kung ikaw ay may mahihikayat na bumili ng anuman sa kanilang website. Ang porsyento ay nasa pagitan ng 3% sa mga site na tulad ng Amazon hanggang 60% o higit pa para sa impormasyon ng mga produkto na ibinenta ng ibang tao na nagnanais magkaroon ng passive income.
Tulad ng mga ad, upang gumana ang affiliate marketing, kinakailangan mong maabot ang tamang niche. Ang mga drayber ng antigong BMW ay hindi magiging interesado sa isang gabay sa murang paglalakbay sa Asia; hindi mahalaga kung anong paraan ang gamitin mo, hindi ka makapagbebenta ng anumang kopya sa pamamagitan ng iyong site.
Ang pinakamagandang paraan upang kumita sa iyong blog ay ang paggamit ng isang base. Kung ikaw ay matagumpay na nakabuo ng niche audience na interesado sa kung ano ang sasabihin mo, maaari kang makapagbenta ng mas kapaki-kapanibang produkto. Karamihan sa mga ideya sa gabay na ito ay magiging mas madali kung mayroon ng tagasuporta ang iyong blog.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano
magsisimula ng isang blog na kapaki-pakinabang:
- Ang BlogPaano Magsimula ng Blog para sa Iyong NegosyoAndrew Blackman
- PagpaplanoDalawang Magkaibang Paraan upang Makagawa ng isang Kapaki-pakinabang na Authority BlogTom Ewer
2. Magbenta ng mga Gabay Para sa Passive Income sa 2017
Ang mga impormasyon tungkol sa mga produkto ay isang klasikong produkto ng passive income dahil sa isang magandang dahilan: ang mga ito ay madaling gawin, walang tiyak na halaga at maaaring makapaghatid ng maraming kita. Lalong higit kung ikaw ay magkakaroon ng tagapanood, ang mga ito ay tunay na magandang paraan upang magkaroon ng passive income.
Ipagpatuloy natin ang ideya tungkol sa antigong BMW. Malinaw naman na ang mga lumang kotse ay mangangailangan ng maraming pagpapanatili. Marami ang bibili ng “fixer upper” na may intensiyon na gamitin ang kanilang bakanteng oras sa pagkukumpuni at pagpapanumbalik nito. Malinaw naman na may merkado dito: isang gabay sa pagpapanumbalik ng iba’t-ibang modelo ng BMW. Depende sa iyong kaalaman, maaari kang gumawa ng detalyadong gabay para sa tatlo o apat na pinakapopular na modelo at ibenta ang mga ito. Hindi lahat na nagkukumpuni ng kotse ay bibili ng mga ito, ngunit malamang ang ilan naman ay bibili nito.
Hindi mahalaga kung ano ang niche mo, kung ikaw ay may nalalaman na hindi makikita saan man, o kung ito man ay malinaw na inilatag, may pagkakataon kang kumita sa mga gabay.
3. Gumawa ng isang Kurso ng Video ng Ilang Araw Lamang
Ang mga kurso ay katulad ng mga gabay ngunit mas madali itong magawa para sa ilang mga paksa, lalo na sa mga paksang teknikal. Kung ikaw ay may kompyuter, isang maayos na mikropono at ilang software para sa screen recording, napakadali lamang na gumawa ng mga kursong may mataas na kalidad. Maaari mong ibenta ang iyong kurso sa pamamagitan ng iyong sariling site o maaari mong gamitin ang isang marketplace na tulad ng Udemy para gawin ang lahat ng mahihirap na gawain.
Tulad ng mga bagay, ang susi upang kumita ng malaking pera ay ang paghahanap ng niche. Tiyak na hindi ka kikita sa isa pang kurso ng Photoshop 101. Hindi mo na kailangan ng sariling website upang ilunsad ang isang kurso, mas napapadali nito ang mga gawain.
4. Magsimula ng Deals Newsletter - Mag-umpisa na ngayong Linggo
Ang lahat ay gusto ng kasunduan. Kung ikaw ay isang tao na handang maglaan ng ilang oras para maghanap sa internet, maaari mong pagkakitaan ang iyong kinahihiligan.
May ilang matagumpay na mga travel site tulad ng Secret Flying na nakabatay sa ideya ng paghahanap ng kakaiba, murang paglalakbay sa pamamagitan ng eroplano. Ang ilan sa mga kasunduan ay may kinalaman sa mga kakaibang layovers, pagkakamali ng mga airline, at iba pang paraan upang makakuha ng mga diskwento at mga handog.



Malinaw na ang isang pagtatangka na makipagkumpitensya sa Secret Flying ay hindi gagana ngunit, muli, kung ikaw ay may magandang niche, tiyak na marami ang mga oportunidad.
5. Magbenta ng Produkto sa Pamamagitan ng Amazon, sa Lalong Madaling Panahon
Hindi lamang ang mga produktong digital ang maaari mong ibenta online: maaari ka ring magbenta ng pisikal na produkto. Mahirap pangasiwaan ang lahat nang mag-isa ngunit may iba pang alternatibo.
Ang programang “Fulfilled by Amazon” ay isa pang kilalang ideya ng passive income na itinataguyod nang madalas sa 2017. Ikaw ay lilikha ng pisikal na produkto (o bibili nang maramihan mula sa Tsina) at ipadala ang mga ito direkta sa Amazon. Pagkatapos, ilalagay ng Amazon ito sa kanilang website, ibebenta at ipapadala ito. Malinaw na maganda ang kanilang gagawin at sila ang gagawa ng lahat ng puspusang gawain.
Bagama’t ang FBA ay isang popular na ideya, ito rin ay mahirap. Talagang mahirap bumuo ng sariling pisikal na produkto at maaaring mahirap ibenta ang mga imitasyong hindi maganda mula sa Tsina. Ang paghahanap ng bagay na papatok ay hindi para sa mga taong mahihina ang loob pero tiyak naman na ang gantimpala nito ay sulit. May mga taong kumikita nang maganda sa paggamit ng ganitong diskarte.
6. Magdisenyo ng T-shirts at Iba pang Kasuotan Ngayong Katapusan ng Linggo
Marami na ang nagbebenta ng T-shirts at iba pang kasuotan sa merkado ngunit ang mga kagamitan sa paggawa nito ay madaling gamitin, kaya naman napakadali at napakamurang pangasiwaan nito. Kung ikaw ay malikhain, o di kaya’y magkakaroon ng magagandang ideya, maaari kang magkaroon ng isang bagay na papatok. Kahit na ang unang 19 na T-shirt mo ay hindi bumenta, ang iyong pang-20th ang maaaring sumalo ng lahat.
May tatlong bahagi sa pagbebenta ng kasuotan online: ang pagdidisenyo ng kasuotan, ang pagtatayo ng tindahan, at ang pagmemerkado nito.
- Para sa disenyo, maaari mo itong gawing mag-isa, bumili ng mga stock images sa pamamagitan ng site tulad ng PhotoDune, o magbayad ng serbisyo ng iba sa pamamagitan ng Envato Studio.
- Para sa lugar ng pamilihan, maaari mong gamitin ang tulad ng CafePress, kapalit ng mas madaling paraan, ang pangangasiwa ng pagbebenta, paglilimbag at pagsasagawa. Hindi mo na kailangan pang humawak ng T-shirt.
- Sa katapusan, para sa pagmemerkado, maaari kang gumamit ng Facebook or Google Ads upang maabot ang mga taong sa tingin mo ay magiging interesado. Kung ikaw ay may niche na tagapanood, maaari mo ring ibenta ito sa kanila.
Kung ikaw naman ay nagbabalak na gumawa ng sarili mong disenyo, maaari kang makakita ng maraming tutoryal upang tulungan ka sa iyong kakayahan sa grapiko sa aming bahagi ng Disenyo at Ilustrasyon ng Envato Tuts+. O mag-umpisa sa aming kurso sa Ang Pagdidisenyo ng mga T-shirt na Mabebenta:



7. Bumuo ng Wordpress Themes para sa ThemeForest Ngayong Buwan
Maaaring napansin mo na ang mga nauuso ngayon: karamihan sa mga ideya ng passive income ay may kaakibat na lugar ng pagmemerkado upang maabot ang mga mamimili. Isa sa pinakamaganda at pinakamalaki ay ang Envato Market.
Kung may isang taong nagsisimula ng blog, may malaking pagkakataon na gagamit siya ng Wordpress. At kung siya ay gagamit ng Wordpress, kinakailangan niya ng isang magandang tema. Libu-libong tao araw-araw ang tumitingin sa Envato Market's ThemeForest upang makakuha nito. Kumita na ng milyun-milyong dolyar ang pinakanangungunang theme developers sa pamamagitan ng Envato.
Ngayon malinaw naman na hindi ka agad kikita ng milyon sa iyong unang beses ng paggawa at pagbebenta ng theme, pero tiyak na may oportunidad para sa isang magandang passive income kung ikaw ay may kakayahang gumawa nito.
Matuto ng iba pa tungkol sa kung paano nagkaroon ang isang[] ng milyun-milyong dolyar na negosyo sa pamamagitan ng ThemeForest:
8. Gumawa ng Ibang Produkto para sa Envato Market sa 2017
Hindi lamang mga Wordpress theme ang maaaring ibenta sa Envato Market. Maaari ka ring magbenta ng stock photos sa pamamagitan ng PhotoDune, stock footage sa pamamagitan ng VideoHive, sound clips sa pamamagitan ng AudioJungle, anumang may kaugnayan sa grapiko sa pamamagitan ng GraphicRiver, web at app development resources sa pamamagitan ng CodeCanyon, at mga 3D element sa pamamagitan ng 3dOcean. May iba’t-ibang alternatibo dito sa sinuman na may kakayahang gumawa ng mga resource.
Kahit na wala kang kakayanan ngayon, posible pa rin itong mapaunlad. Ang Envato Tuts+ ay may iba’t-ibang magagandang kurso na magtuturo sa iyo kung paano gumawa ng mga Wordpress theme, Photoshop action at iba pa. Kung ikaw ay maglalaan ng ilang buwan sa pag-aaral ng mga mahahalagang kasanayan, maaari kang makakuha ng lugar para sa iyong sarili sa Envato Market o sa aming bagong gawang website Envato Elements.
Makinabang sa Deal ng Envato Elements at Envato Tuts+
Sa Envato Elements, makakakita ka ng kahanga-hanga at handang mga template, font, add-on, at iba pang may kagamitang digital. Walang limitasyong template download para sa isang buwanang bayad.
Ikaw man ay nagbabalak mag-lunsad ng isang blog upang pagkakitaan, mag-debelop ng isang bagong deals newsletter, o ang paghahanda tungo sa serye ng pagnenegosyo Envato Elements ay isang bagay na magandang isaalang-alang.
Sa ngayon ang Envato Elements ay may libreng access sa Envato Tuts+. Iyan ay may libu-libong walang katapusang paggamit ng mga pinakakilalang grapiko at template assets, at pati na rin higit sa libu-libong oras ng mga nangungunang video training.



Ang Humanap ng Pagkakakitaan ng Passive Online (sa 2017) ay Simpleng Simula, ngunit Malayo sa Pagiging Madali
Maraming ideya ng mga online passive income diyan, sa ilang linggong pagtitiyaga, maaari kang makapagsimula. Kung nais mo, maaari kang magsimula ng isang tatak ng T-shirt sa katapusan ng lingo. Dahil dito, mas madaling mahanap ang mga ito kaysa dati… ang ibig sabihin mas mahigpit ang kumpetisyon.
Habang ang mga ideya sa artikulong ito ay maaaring makatulong, hindi ka maaaring sumabak nang hindi handa. Ang paggawa ng isang niche website at ang paghihintay sa tao na pumunta sa iyong website at i-click ang iyong mga ads ay hindi gaanong makakatulong. Sa halip, kailangan mong maglaan ng panahon sa pagbuo ng tagasubaybay. Maaari kang gumawa ng kurso sa Udemy ng ilang oras, o isang theme sa ThemeForest, maliban kung ito ay itaguyod mo, hindi ka makapagbebenta ng maraming kopya.
Sa mga darating na tutoryal tungkol sa passive income sa seryeng ito, sisimulan nating talakayin ang ilan sa mga problemang ito. Sa ngayon, magsimulang magtakda ng iyong mga layunin. Mamili sa mga pinakamagagandang paraan upang makagawa ng passive income online sa 2017. Isulat ang mga ideya na pinakanababagay sa iyong kakayanan, upang ikaw ay makapagsimula na.
