Advertisement
  1. Business
  2. Business

Paano Lumikha ng Positibong Kapaligiran ng Trabaho sa Para sa Inyong Negosyo 

Scroll to top
Read Time: 15 min

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

May positibong kapaligaran ng trabaho ba ang inyong kumpanya? Ang inyong mga manggagawa ba ay masaya at ipinagmamalaking nagtatrabaho para sa inyo? 

Kung ang sagot ay “hindi” o kung hindi kayo sigurado, kung gayon ay ipagpatuloy ang pagbabasa upang matuklasan kung ano ang gumagawa ng positibong kapaligiran ng trabaho, kung bakit mahalaga ito, at kung paano kayo makakatuloy sa paglikha ng mas positibong kapaligiran para sa inyong mga manggagawa, maging sa opisina, kalakalan o pang-industriyang lugar ng trabaho.

Ang paggawa nito ay magkakaroon ng tiyak na kalalabasan para sa inyong negosyo, katulad ng mas mataas na produksyon, mas mababang pagpapalit ng tao, at maging mas mababang presyo ng pangangalaga sa kalusugan. 

Positive work environmentPositive work environmentPositive work environment
Ang masasayang mga manggagawa ay magkakaroon ng hilig sa paggawa ng mas mabuting trabaho. (Image Source: Envato Elements)

Ngunit hindi ito kasing dali ng tunog nito. Bilang tagapamahala, hindi ninyo maaakit ang mga tao sa pagngiti o basta sabihan lamang sila na maging mas positibo.  Kailangan ninyong gumamit ng buong bagong pangkat ng iba’t ibang mga paraan na, kapag pinagsama-sama, ay makakatulong na lumikha ng positibong kapaligiran ng trabaho. Sa tutoryal na ito, matutunan ninyo ng ganap kung paano gawin iyon.

Bakit Mahalaga ang Positibong Kapaligiran ng Trabaho 

Bago tayo pumunta sa mga detalye ng paglikha ng[], tingnan muna natin ang mga benepisyo.

Ang siyensa ay maliwanag dito: ang mas positibong kapaligiran ng trabaho ay naghahatid sa mas mataas na produksyon. Katulad ng mga hinuha ng mga artikulo ng Pagsusuri ng Negosyo sa Harvard (Harvard Business Review):

“Ang Malaki at lumalagong kinatawan ng pagsasaliksik sa positibong organisasyonal na sikolohiya na nagpapakita na hindi lamang nakasasama sa produksyon sa paglipas ng panahon ang makaputol lalamunang kapaligiran, ngunit ang positibong kapaligiran ay maghahatid ng dramatikong mga benepisyo para sa mga maypagawa, mga manggagawa, at ang ilalim na linya.”

Ang mga benepisyo ay dumarating sa ilang anyo:

  1. Ang masasayang mga manggawa na nagtatrabaho sa positibong kapaligiran ay nagiging mas okupado o nagiging mas mabuti sa trabaho.
  2. Ang positibong mga lugar ng trabaho ay may mas mababang mga bilang ng pagliban.
  3. Ang mga tao mas malamang hindi aalis kung nagtatrabaho sila kung saan may magandang kapaligiran ng pagtatrabaho, nangangahulugang mas mababa ang mga presyo ng paglilipat ng tungkulin para sa negosyo.
  4. Sa mga positibong lugar ng trabaho, ang mga tao ay mas hindi pagod, nangangahulugang mas mababang mga presyo ng pangangalaga ng kalusugan kung kayo ang nagbibigay ng pagsisiguro ng kalusugan para sa inyong mga manggagawa.
  5. Ang mga positibong manggagawa ay nagbibigay ng mas mabuting karanasan para sa inyong mga parokyano, na naghahatid sa mas mataas na mga antas ng kasiyahan ng mga parokyano at pag-ulit ng pakikipagkalakalan.

Pati na rin ang binakamabang linya ng mga benepisyo, siyempre, ay may kaunting tiyak na mga gantimpala. Kapag lumikha kayo o namahala ng negosyo, kayo ay responsible sa paglikha ng kapaligiran kung saan dosena o maaaring daang tao ang gugugol ng malaking bahagi ng kanilang mga buhay.

Maaari kayong pumili kung anong karanasan magiging katulad iyon. Gusto niyo ba itong maging nakakatakot at hindi nagtitiwala, may kultura ng paninisi at paglipas ng salapi? Duda ako dito. Maaaring gusto ninyong ang mga tao ay masiyahan sa pagpasok sa trabaho, maramdaman ang kahulugan ng pagmamalaki at katapatan sa pagtatrabaho para sa inyo, at upang makabuo ng malapit na relasyon sa kanilang mga kasama.

Paano ninyo makakamtan ito? Titingnana natin ang 12 subok at napatunayan ng mga pamamaraan sa susunod na seksyon.

Ano ang Gumagawa ng Positibong Kapaligiran ng Trabaho

Ngayon na nakita na ninyo kung bakit mahalaga ang paglikha ng positibong kapaligiran ng trabaho, tingnan natin kung paano makakamtan iyon. Sa seksyong ito, matutuklasan ninyo ang 12 mga pamamaraan para sa pagkandili ng positibong kapaligiran ng trabaho kung saan ang inyong mga manggagawa ay nakakaramdam ng saya, pagpapahalaga, at ganap na naaakit.

1. Mapabuti ang Pisikal na Lugar ng Trabaho

Anong kulay ng temperature ang ilaw ng inyong opisina? Ayos lamang kung hindi moa lam – hindi ito isang bagay na pinag-iisipan ng karamihang may-ari ng negosyo.  Ngunit ipinapakita sa pagsasaliksik na ang mas malamig na ilaw ay ginagawang mas produktibo ang mga tao, habang ang mas mainit na ilaw ay ginagawang mas maginhawa at malubay ang pakiramdam.

Kaya isaalang-alang ang pagkakaroon ng mas malamig na ilaw sa pangunahing lugar ng trabaho, at mas mainit na ilaw sa lugar na pahingahan o kapiterya. Makakamtan ninyo ang mas malamig na ilaw sa pamamagitan ng pagdadagdag ng natural na liwanag o sa pamamagitan ng espesyal na “pinayamang-asul” na mga bumbilya ng ilaw, habang ang mas mainit na ilaw ay nagmumula sa kahel o dilaw na mga bumbilya.

Gayundin, isaalang-alang ang mga bagay katulad ng kalidad ng hangin – ang inyong airkon o pagpapainit ba sistema ba ay palagiang nasusuri, at ang mga pansala ba ay nalilinis? Ang mababang kalidad ay makakaapekto sa konsentrasyon at makakababa sa mga antas ng enerhiya.

2. Magbigay ng Palakaibigan sa Manggagawa na mga Pasilidad

Pati na rin ang pagsasaayos ng mga pangunahing kapaligiran ng trabaho, isaalang-alang din ang pagbibigay ng mga pasilidad na naglalayon ng pagpapabuti ng kapakanan. Halimbawa, maaari kayong mag-alok ng pag-aalaga sa bata, gym, mga klase sa yoga, masustansiyang pagkain at inuman, at iba pa.

Maaaring iniisip ninyo na ang mga iyon ay mukhang mahal, ngunit maaari kayong magpatupad ng ilan sa mga ito kahit na maliit ang badyet. Kahit na hindi ninyo mahatak ng husto sa ganap na gym, halimbawa, maaari ninyong gamitin ang kuwartong pulungan at lagyan ito ng mga banig na pang-ehersisyo at ilang pangkaraniwang kagamitan sa mababang halaga.  Maaaring mayroong isa sa tauhan na maaaring manguna sa yoga o mga klase ng meditasyon sa oras ng tanghalian, o maaari kayong kumuha ng iba nang hindi sinisira ang bangko. At kahit na hindi kayo makagawa ng buong kapiterya, maaari kayong umorder ng prutas at masusustansiyang mga merienda mula sa mga lokal na nagtitinda.

Ang maliit ay malayo ang nararating dito. Ang mahalaga ay hindi ang pagkakaroon ng estado ng sining na kagamitan, ngunit ang pagpapakita na may pakialam kayo sa inyong mga manggagawa bilang mga tao, hindi lamang mga instrument ng produksyon, at ginagawa ang inyong pinakamahusay upang maibigay ang mga pasilidad na nagtataguyod ng kapakanan.

3. Pagbibigay ng Pagsasarili

Isa sa pinakamahusay na paraan upang lumikha ng positibong kapaligiran ng trabaho ay ang magbigay ng pagsasarili. Iwasan ang micro na pamamahala sa kanila, at sa halip ay bigyan sila ng puwang at kalayaan upang gumawa ng mga desisyon, mag-ambag ng mga ideya, mamahala ng kanilang trabaho, at magtrabaho ng walang palagiang pamamahala.  Ang resulta ay mas masaya, mas okupadong mga manggagawa na nag-aambag sa mas positibong lugar ng trabaho.

Gusto ninyo ng ilang katibayan ng gayon? Ang pag-aaral ng 20,000 manggagawa ng mahigit sa dalawang taon ay natuklasan na ang mga mayroong mas mataas na pagsasarili ay nakakakaranas ng mas mataas na kasiyahan sa trabaho at kapakanan.

Maaaring kailangan ninyong dahan-dahanin ang pagbabagong ito. Kapag ang mga tao ay nasanay na sa malapitang pamamahala, ang biglang pagbabago sa ganap na pagsasarili ay maaaring magdulot ng pagkalito at pagkawala ng moral. Ngunit kung dahan-dahan ninyong tatanggalin ang tali at hahayaan ang mga taong kumuha ng mas maraming responsibilidad para sa kung paano nila gagawin ang kanilang mga sariling trabaho, makikita ninyo ang positibong epekto sa kultura ng lugar ng trabaho.

4. Pabutihin ang Pakikipag-usap

Ang masamang pakikipag-usap ang ugat ng naparakaming suliranin sa mga negosyo sa parehong maliit at malaki. An gaming pagsisiyasat ay natuklasan na 86% ng mga tumutugon ay sinisisi ang kakulangan sa pakikipagtulungan at hindi mabisang pakikipag-usap para sa mga pagbagsak ng lugar ng trabaho.

Kapag hindi alam ng mga tao kung anong dapat asahan sa kanila o kung ano ang direksyon ng kumpanya, sila ay dumadapa at kumakalas. Kapag hindi sila nakikipag-usap sa bawat isa, lumalabas ang hindi pagkakaunawaan, at ang kapaligiran ng lugar ng trabaho ay hindi magiging napakapositibo.

Sa kapalaran, madami kayong pwedeng gawin upang mapabuti ang pakikipag-usap, mula sa paggamit ng mga kagamitang teknologikal sa pagpapatatag ng mekanismo ng katugunan at pagsasanay ng paglutas ng hindi pagkakasundo. Upang matutunan ang lahat ng mga pamamaraan na iyon, basahin ang tutoryal na ito:

5. Lumikha ng Pagsasanay at Bumuo ng mga Pagkakataon 

Hulaan ninyo? Ang inyong mga manggagawa at hindi masyadong positibo tungkol sa pagtatrabaho sa inyo kung nagugutom sila sa mga pagkakataon na matuto at linangin ang kanilang mga kakayahan.

Ipakita ninyo sa kanila na pinahahalagahan ninyo sila at gusto ninyo silang tulungan upang lumago at sumulong sa kanilang mga karera, sa kabilang banda, at magkakaroon kayo ng mas masayang manggagawa. Natuklasan ng Tulay na pagsisiyasat na ang pagkakaroon ng kultura ng pagkatuto sa isang samahan ang pangunahing nagdadala ng pagtutok ng empleyado at katapatan.

Ang pagsasanay ay hindi din kailangang mahal. Oo, maaari kayong kumuha ng mamahaling mga kumpanyang tagapagsanay o mag-isponsor sa matrikula sa kolehiyo ng inyong manggagawa kung mayroon kayong badyet para dito. Ngunit kung wala, maaari ninyong isulong ang mababang-halagang mga pagpipilian katulad ng sariling pagsasanay, pagtuturo, at abot-kayang online na mga programang pagsasanay katulad ng Envato Tuts+.

Upang matuto ng higit pa ng tungkol sa lahat ng ganitong mga pagpipilian, pati na rin ang mga hakbang na sangkot sa paglikha ng pang-indibidwal na mg imbentaryo ng mga kakayahan at mga plano ng pagsasanay para sa bawat empleyado, tingnan ang sumusunod na tutoryal:

6. Kilalanin ang mga Pambihira

Kapag gumawa ng mabuting trabaho ang mga tao, gusto nilang kilalanin sila para dito. Ang kultura ng lugar ng trabaho kung saan parehong ang mga namamahala at mga kapwa manggagawa ay palaging kinikilala ang mga nagawang pambihira ng mga tao ay malamang maging positibong lugar upang magtrabaho.

Ngunit maging maingat kung paano ninyo ginagawa ito. Ang kawili-wiling pag-aaral ng Paaralan ng Negosyo ng Harvard ay natuklasang ang programa ng gantimpala para sa magandang pagdalo sa industriyal na kumpanya ay nagdala sa 1.4% na kabuuang pagbaba sa produksyon.  Ang ilang mga manggagawa ay nakakatuklas ng mga paraan upang paglaruan ang sistema at Manalo ng mga gantimpala, habang ang mga manggagawa na sadyang mayroon ng kumpletong pagdalo ay nawawalan ng gana dahil sa nakikitang pananalo ng mga gantimpala ng iba para sa kung anong ipinapalagay nilang normal na kaugalian na.

Ang aral: maging maingat kung paano ninyo idinidisenyo ang mga programa ng pagkilala, at isaalang-alang ang epekto hindi lamang sa mga tao na kinikilala ngunit pati na rin sa mga hindi kinikilala.

Para sa marami pa tungkol dito at iba pang mga problema sa HR, tingna ang sumusunod na tutoryal:

7. Magbigay ng Nararamdamang mga Gantimpala 

Ipinapakita ng pagsasaliksik na maraming mga manggagawa ang hindi pangunahing naeengganyo sa salapi, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mahalaga ang salapi.  Ang pagbibigay ng gantimpala sa mga tao ng tama para sa kanilang trabaho ay paraan ng pagpapakita ng paggalang para sa kanilang ginagawa at pakikipag-usap sa kanila na pinahahalagahan sila bilang mga manggagawa. At ang pagkakaroon ng dagdag o bonus ay sadyang garantisadong maglalagay ng ngiti sa mga labi ng mga tao!

Para pagkilala, ang mahalagang bagay ay gawin kaagad ito. Kung magbibigay lamang kayo ng kumot na pagtaas ang sweldo, maaaring magpadala kayo ng mensahe na hindi mahalaga ang pagganap at mawalan ng gana ang inyong pinakamatataas na mga manggagawa.  Mas mabuting iugnay ang sweldo sa pagganap, ang paggamit ng pagtaas ng mga sweldo at mga bonus bilang kasangkapan para sa paggantimpala sa mabuting pagganap.  Maaari ninyo itong iugnay sa pagganap ng kumpanya sa kabuuan, halimbawa sa pamamagitan ng pagsisimula ng programa na pagbabahagi ng kita upang ang mga manggagawa ay makinabang kapag ang negosyo ay tumakbo ng maayos.

Para sa madami pa sa pagbibigay ng lumalabang sweldo, tingnan ang sumusunod na tutoryal:

8. Pahintulutan ang Umaayong mga Usapan sa Pagtatrabaho

Ang balanseng trabaho-buhay ay mainit na usapin sa negosyo, at para sa mabuting dahilan. Kapa gang mga tao ay may mabuting balanse sa pagitan ng trabaho at sa iba pang bahagi ng kanilang mga buhay, mas naeengganyo silang gumanap ng mas mahusay, upang maging nasa mas mabuting pisikal na hugis, at mas positibo tungkol sa kanilang trabaho.

Mayroong madaming mga pamamaraan upang makamtan ang balanseng trabaho at buhay, ngunit ang pagpapahintulot sa mga manggagawa na samantalahin ang umaayong mga usapan sa pagtatrabaho ay isa sa pinakamabisa. Sa pamamagitan ng pagpayag na pagtugmain ng mga tao ang trabaho sa paligid ng ibang mga pangako, maaari ninyo silang matulungan na mamuhay ng may ganap, mas mayamang mga buhay, upang gawin kung ano ang mahalaga sa kanila, at upang magbahagi sa positibong kapaligiran ng trabaho.

Para sa marami pa, tingnan ang sumusunod na tutoryal:

9. Hikayatin ang Mas Matatag na mga Ugnayan

Tayo ay mahilig makipagkapwang mga nilalang (kahit na yung iba sa atin na mga introvert!), at umuunlad tayo kapag tayo ay may metatag, malusog na mga ugnayan sa ibang miyembro ng anumang pangkat na kabilang tayo. Kaya hindi dapat nakakapagtaka na ang paghikayat sa inyong mga manggagawa na buo ng mga pakikipagkaibigan ay magkakaroon ng positibong epekto sa paligid at sa trabaho.

Hindi ito madaling gawin, siyempre. Hindi ninyo mapipilit ang mga tao na magustuhan ang bawat isa. Ngunit maaari kayong lumikha ng pagkakataon upang mabuo ang mga pagkakaibigan`.  Maaari kayong magsaayos ng mga kaganapan at mga pagliliwaliw, halimbawa, o hikayatin ang mga manggagawa na makipagkita sa iba sa mga impormal na mga lugar sa labas ng trabaho.  Maaari ninyong bayaran ang pangkat upang magtanghalian sa matinding lokal na kainan (maaaring wala ang mga namamahala o sa mas maliliit na mga pangkat kung makakatulong iyon upang maging mas maginhawa ang mga tao).

Subukang mag-ayos ng malawak na saklaw ng mga kaganapan upang makahalina sa iba’t ibang mga tao. Halimbawa, ang inuman pagkatapos ng trabaho sa Biyernes ay matindi, ngunit subukan ding isaalang-alang ang mga tao na hindi umiinom ng alak o yung may mga pangako sa pamilya na magiging mahirap na gabihin.

10. Pagyamanin ang Magkakaiba at Pagsasama

Paano kayo magkakaroon ng positibong kapaligiran ng trabaho kung ang hindi kasama ang ilang uri ng mga tao o nagpaparamdam sa kanila na hindi sila tinatanggap?

Mahalagang siguraduhin na ang inyong mga paghihirap sa paglikha ng mas mabuting lugar ng trabaho ma isaalang-alang ang mga pangangailangan ng lahat ng inyong mga manggagawa, hindi alintana ang edad, lahi, kasarian, at iba pang mga dimension ng pagkakaiba.

Maaaring hindi ito madali sa simula, ngunit maghahatid ito ng mas positibo, kasama na ang lugar ng trabaho sa katagalan. Hindi ito malaking usapin, ngunit matutuklasan ninyo ng higit pa ang tunkol sa ditto sa aming serye ng pagpapaunlad ng pagkakaiba sa inyong negosyo.

11. Sabihin sa Kanila kung Bakit

Iminumungkahi ng pagsisiyasat na ang kahulugan at layunin ay mahalaga sa pagpapayaman ng positibong kapaligiran ng trabaho. Sa trabaho katulad ng buhay, ang mga tao ay mas masaya at mas tutko kapag mayroon silang makahulugang pananaw sa hinaharap at may pakiramdam ng layunin.

Kaya mahalagang siguraduhing ang mga manggagawa ay alam kung paanong kanilang trabaho ay aakma sa malaking larawam. Nangangahulugan iyon na hindi lamang pakikipag-usap sa kanila ng tungkol sa stratehiya, ngunit pati na rin ng pagkakaroon ng mga layuning nakalinya sa mas malalaking mga layunin ng kumpanya, upang ang lahat ay makita ng lahat kung paano sila nagbabahagi.  Kung nauunawaan nila na, malamang na mas magiging positibo sila tungkol sa kanilang trabaho.

Halimbawa, ang pagtatrabaho sa pagpapanatili at pag-a-update ng sistema ng kompyuter, ay maaaring mukhang abstrak at walang kahulugan, ngunit kapang nauunawaan ng manggagawa na ang kalusugan ng sistema ay mahalaga upang makamtan ng kumpanya ang mga layunin nito at madaming mga manggagawa at mga parokyano ang umaasa ditto, kung gayon ang trabaho ay nagkakaroon ng mas maraming kahulugan at layunin, at ang manggagawa ay mas malamang na harapin ito sa positibong kaugalian.

12. Makinig!

Sa tutoryal na ito, naglatag ang ng ilang karaniwang mga paraan sa paglikha ng positibong kapaligiran ng trabaho. Ang mga paraang ito ay dapat na gumana sa iba’t ibang uri ng mga negosyo at mga industriya.

Ngunit maaaring mayroong ilang tukoy na mga bagay na magpapaunlad sa inyong partikular na negosyo.  Ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang mga bagay na iyon ay ang making sa inyong sariling mga manggagawa. Sa halip na bigyan sila ng kung ano sa palagay ninyo ang sa palagay ninyo ay gusto nila, tanungin ninyo sila kung ano ang gusto nila.

Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga regular na manggagawa, impormal na mga session ng katugunan, mga mungkahi na hindi nagpapakilala, at ibang mga paraan. Ang inyong mga manggagawa ang siyang nakakaranas sa inyong lugar ng trabaho araw-araw at nakakaalam kung ano ang makakapagpaunlad ditto, kaya makinig sa kanila at hayaang ang kanilang mga mungkahi ang magdala sa inyong mga paghihirap sa pagpapaunlad ng kapaligiran ng trabaho.

Konklusyon

Sa tutoryal na ito, matutuklasan ninyo ang 12 paraan para makalikha ng positibong kapaligiran ng trabaho. Nakita na ninyo kung ano ang gumagawa ng positibong kapaligiran ng trabaho sa una, at kung bakit ang pagkakaroon ng isa sa inyong negosyo ay mahalaga.

Ang sunod na hakbang ay ang magpatuloy at ipatupad ang ilan sa mga ideyang ito sa inyong sariling negosyo. Karamihan sa mga ito ay madaling gawin at mababa ang halaga, habang ang iba ay maaaring gumugol ng mas mahaba ngunit maaaring simulant ngayon.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan na ang ilan sa mga ideyang ito at Makita kung kaya ninyong lumikha ng mas mabuti, mas masaya at mas produktibong lugar ng trabaho.

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Business tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
Start your 7-day free trial*
Start free trial
*All Individual plans include a 7-day free trial for new customers; then chosen plan price applies. Cancel any time.