Paano Magdagdag ng Mga Slicer sa Mga Pivot Table sa Excel sa loob ng 60 Segundo
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Pinapadali ng mga slicer na baguhin ang
iyong mga view sa loob ng isang pivot table gamit ang isang naki-click na menu.
Sa tutorial na ito, matutunan kung paano mabilis na magdagdag ng mga slicer sa
mga pivot table sa Excel para lalong makontrol ang iyong mga natatanging
spreadsheet view.
Paano Magdagdag ng Mga Slicer sa Mga Pivot Table sa Excel sa loob (Mabilis)
Tandaan: Panoorin ang maikling tutorial screencast na ito o sundin ang madadaling hakbang na ito na kasama ng video na ito:
1. Idagdag ang Una Mong Slicer sa Iyong Excel Pivot Table
May trinatrabaho akong pivot table dito at idaragdag ko ang una akong slicer. Piliin ang pivot table, hanapin ang tab na Analyze, at i-click ang Insert Slicer. Ipapakita ng lalabas na menu ang bawat column ng data sa iyong spreadsheet.

2. I-filter ang Iyong View ng Data Batay sa Iyong Mga Seleksyon
Maglagay tayo ng check sa isang kahon sa ilang field para gumawa ng mga slicer mula sa mga ito. Pindutin ang OK. Ngayon, makikita ninyo ang mga kahong ito na nilagyan natin ng check sa kani-kanilang mga window. Kapag nag-click ako sa isa sa mga opsyon sa mga window na ito, pini-filter nito ang data sa loob ng aking pivot table papunta sa aking seleksyon.

Pagpatungin ang Iyong Mga Slicer para Lalo Pang Pauntiin ang Iyong View
Kaya, halimbawa, kung magki-click ako sa isa kliyente lang, nag-a-update ang pivot table para tumugma. Puwede ko pa lalong i-refine ang aking seleksyon sa kabilang kahon sa pamamagitan ng pagki-click sa isa sa mga opsyong ito.
Nagpapatong ang mga slicer kaya bawat kahon na pinipili natin ay lalong pinapaunti ang data. Puwede rin akong gumawa ng maramihang seleksyon sa aking data sa pamamagitang pagpindot nang matagal sa keyboard at pagki-click sa isa pang opsyon sa loob ng isang window.

Patapos Na!
Pansinin na kapag ginawa natin ito, dumaragdag ito sa seleksyon ng data sa loob ng pivot table. Pinakamadaling paraan ang mga pivot table slicer para pira-pirasuhin ang iyong data sa ilang click lang.
Iba Pang Mga Excel Pivot Table Tutorial sa Envato Tuts+
Magtungo sa aming Excel Pivot Tables Master Guide para matuto nang higit pa tungkol sa paggamit sa mabisang spreadsheet tool na ito, o direktang pumunta sa mga kapaki-pakinabang na tutorial na ito:
- Microsoft ExcelPaano Gawin ang Una Mong Pivot Table sa Microsoft ExcelAndrew Childress
- Microsoft ExcelPaano Gamitin ang Mga Pivot Table para Suriin ang Iyong Data sa ExcelAndrew Childress
- Microsoft ExcelPaano Gamitin nang Mabuti ang 5 Advanced na Pamamaraan sa Excel Pivot TableAndrew Childress
Bukod dito, maghanap ng iba pang mga makabuluhang Excel tutorial sa Envato Tuts+ para tulungan kang matutunan kung paano trabahuhin nang mas mabuti ang iyong mga spreadsheet.
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Business tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Update me weeklyEnvato Tuts+ tutorials are translated into other languages by our community members—you can be involved too!
Translate this post