Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Marketing
Business

Paano Pumili ng Tamang Pangalan Para Sa Iyong Negosyo

by
Length:MediumLanguages:
This post is part of a series called Naming Your Business.
Do You Need to Trademark Your Business Name?

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sa lahat ng desisyon na gagawin mo sa pagsisimula ng negosyo isa sa pinakamahirap dito ay ang pagpili ng pangalan.

Kung tutuusin napakaraming tao sa mundo, at kalimitin halos wala ka ng sapat na panahon para makuha ang atensyon ng posibleng customers. Ang pagkakaroon ng nakakatawag pansin at tumatatak sa isipan na pangalan ay malaking bentahe, habang ang pagbibigay ng hindi angkop na pangalan ay maaring mauwi sa pagkalito ng mga tao or maghatid ng maling mensahe.

Kung kaya sa tatlong bahagi na serye na ito, ituturo namin ang lahat ng dapat niyong malaman sa pagbigay ng pangalan ng inyong negosyo.

Sa unang pagtuturo, matututunan ninyo ang mga hakbang sa pagpili ng pangalan para sa inyong negosyo. Makakakuha kayo ng ideya kung anong pamantayan ang susundin, mga posibleng maging problema na dapat iwasan, paano gagawing "web-friendly" ang pangalan, at paano ito susuriin bago gawin ang huling desisyon.

Habang ang ibang bahagi ng serye ay tatalakayin naman ang mga hakbang na may kinalaman sa pag trademark ng pangalan, at ipapaliwanag kung paano babaguhin ang nauna ng pangalan.

Unang Hakbang: Palitan ng Kuru-Kuro

Ang unang hakbang sa pagpili ng pangalan ay ang pagpapalitan ng kuru-kuro. Subalit walang dapat ipag-alala dahil tutulungan namen kayo dito. Dahil mas mahirap yung nakatitig ka lamang sa blankong papel. Heto ang mahahalagang bagay na dapat tandaan.

Tagapaglarawan

Isiping mabuti kung tungkol saan ang iyong negosyo, ano ang saklaw nito at isulat ang mga mahahalagang detalye. Gamit ang thesaurus, o kaya subukang gamiting ang mga online brainstorming na apps kagaya ng SnappyyWords or Wordstorm. Subukang makabuo ng listahan ng hindi bababa sa sampung pangunahing salita o detalye o higit pa.

Kahit na ayaw mong pangalanan ang iyong negosyo ng eksaktong paglalarawan kung tungkol saan ito, malaking tulong pa din ang mga unang ideya o terminolohiya na iyong maiisip at sapat na iyon para maghatid ito ng kakaibang pangalan. Isang halimbawa na lamang ang Microsoft, isa itong kakaibang pangalan, ngunit hindi lingid sa kaalaman naten na hango ito sa paglalarawan ng kung anong uri ng kumpanya ito kung saan ito ay nagbebenta ng software para sa mga gumagamit ng microcomputers(unang tawag sa PCs).

Paghahalintulad

Sunod, mag-isip ng mas malawak. Isulat ang ilang bagay na maihahalintulad dito o yung mga kathang-isip kung tungkol sa saan ang iyong kumpanya.

Halimba ang salitang "Twitter" ay alam nateng hindi literal na paglalarawan ng kung ano ang taglay na ginagawa ng kumpanya, subalit mapapansing ang mga pasabog na palitan ng salita dito ay maihahalintulad sa pag-huni ng mga ibon.

Katulad din ito ng photo sharing na SnapChat na maihahalintulad din sa ideya ng bilis, habang ang app naman na WhatsApp ay katulad din ng karaniwang sinasabi natin kapag nangangamusta at ito nga ay: "What's up?"

Kombinasyon ng Iba't Ibang Pangalan

At ang panghuli, maaari mong paglaruan ang iba't ibang pangalan.Halimbawa, subukan ang yong pangalan, ang iyong inisyal, pangalan ng iyong kasosyo sa negosyo o ang kombinasyon ng mga ito.

Halimbawa na lamang ang Hasbro,ito ay ang pinaiksing salita ng mga pangalan ng nagtatag nito, ang magkakapatid na Hassenfeld. Ang production company ni Oprah Winfrey na Harpo ay hango sa kanyang pangalan pag binasa ng pabaliktad. Habang ang IKEA naman ay nabuo sa pinagsama-samang inisyal ng nagtatag nito at ang inisyal ng lugar kung saan siya lumaki.

Kung minsan mas simple, mas maigi. Hindi magandang ideya na gamitin ang apelyido na pangalan ng kumpanya, subalit may pumatok pa din katulad na lamang ng McDonald's, Mars, Ford, Prada at marami pang iba. O kaya maari din naman ang katulad ng pagtawag sa unang pangalan ng customers tulad ng Ben & Jerry's.

Pagsama-samahin Lahat ng Ideya

Kapag nakuha mo na lahat ng mahahalagang ideya o detalye, ang mga kahalintulad nito, subukang pagsama-samahin ang mga ito at tingnan kung ano ang magiging resulta. Ito ang mga pangunahing pundasyon sa mga naturang pangalan ng mga kumpanya, kung kayat ipagpatuloy lamang ang paghahalo halo at pagtugma-tugma ng mga salita hangggang sa makuha mo ang pangalan na gusto mo. Sa puntong ito, mas marami kang mabuong ideya, mas mainam. Sisimulan nateng himay-himayin ang mga ito sa mga susunod na hakbang.

Kung naubusan ka ng mga ideya maari ding humingi ng opinyon sa ibang tao. Maari kang gumawa ng mga pakulo katulad ng shout-out sa Twitter o kaya paligsahan na may konting papremyo sa makakagawa ng pinaka angkop na pangalan. Doble pa ang pakinabang nito dahil bukod sa may makukuha kang magagandang ideya ay ipinapadama mo pa ang partisipasyon nila dito.

Habang ang mga sites tulad ng Twitter at Facebook ang pinakakilalang instrumento para sa crowd-sourcing dahil sa kakayahan nitong makapagtanong at makapagsiyasat sa mga tao ng sabay sabay ay maaari pa rin namang gamitin ang tradisyonal na pamamaraan ng pagtatanong ng harapan. Kung meron kayong kaopisina o kasosyo sa negosyo ay maari mo din silang pakiusapan na mag-ambag ng kanilang mga ideya.

Pangalawang hakbang: Limitahan ang lawak

Sa ngayon kailangan mo na ng magandang listahan ng mga posibleng pangalan na pagpipilian. Subukan nating paikslin ang listahan, at pumili ng pinakawagi. Narito ang mga batayan na kailangang isaalang-alang:

Uri ng negosyo

Ang tipo ng negosyong pinasok mo ay dapat may kinalaman sa mapipili mong pangalan. Ang bagong imbentong salita ay madalas akma sa mga organisasyon na may kinalaman sa teknolohiya, halimbawa, dahil ito ay naghahatid ng bagong kaalaman at kaunlaran. Halimbawa nito ang Google.

Subalit ang mga napapanahong pangalan ay hindi angkop kung ang iyong pinapatakbong negosyo ay isang uri ng tradisyonal na negosyo dahil maghahatid lamang ito ng pagkalito sa mga customers. Isipin mo kunwari ay nagmamaneho ka at may umilaw na indikasyon na kailangan ng magpakarga ng gasolina. Sa pangyayaring iyon hihinto ka kapag may nakita kang karatula na nakalagay ay "Johnson's Auto Shop". Subalit kung ang makikita mo ay "Tribble" malamang ay magpapatuloy ka lamang sa pagmamaneho dahil hindi ka sigurado kung anong establisimiento iyon.

Image

Minsan ba napaisip ka kung ano ang ibig sabihin ng Haagen-Dazs?

Ang sagot:hindi. Ito ay inimbento lamang na salita. Ang mga nagtatag nito na mga nakaka-base sa Bronx ay pumili ng pangalang tunog Danish sa kadahilanang gusto nilang ipahatid ang banyagang kalidad nito. At pumatok naman ito: nai-market nila ang naturang ice-cream bilang dekalidad na tatak, na bumebenta ng higit pa sa mga kakumpetensya nito.

Anong imahe ang gusto mong ipahatid? Anong uri ng customers ang tinutumbok mo? Kung nakikipag kumpetensya ka naman ng matindi sa presyo, ang katulad ng Joe's Discount Club ang eksaktong halimbawa. Kung ang hinagangad mo naman ay ang mga higher-end na mamimili, dun ka sa mas elegante ang dating.

Akustika

Ang tunog ng pangalan ay mahalaga. Halimbawa ay ang 7-Eleven, na nagsimula lamang sa paglalarawan ng oras ng pagbubukas ng tindahan, ngunit ito ay nakamamanghang naging matagumpay dahil sa magandang tunog at pagkakatugma ng pangalan nito kung kaya ito ay madaling matandaan. Hindi magiging ganun ang dating kung ito ay Eighty Six. Ang Coca-Cola ay isa pang patok dahil sa tunog nito, ang pagkakasing-tunog ng dalawang halos magkatulad na salitang ito.

Web Compatibility

Padami ng padami na ang negosyo sa panahon ngayon na gumagana online, kung kayat kahit na ang iyong kumpanya ay tumatakbo pa din sa pamamagitan ng sinauang pamamaraan, kailangan pa ding isaalang-alang sa pagpili ng pangalan kung papatok din ba ito online.

Madali ba itong baybayin? Sakto lamang ba ang iksi nito, o pwede pa ba itong paiksiin para sa isang URL? Malabo ba ito-halimbawa, salitang pwedeng baybayin sa iba't ibang paraan, o kaya may gitling o kaya special character kung saan nalilito ang tao kung kasama ba ito sa pangalan o hindi?

Mas mabuti ding isaalang-alang ang search engine opitimization. Isang magandang katwiran kung bakit kailangang nakapaloob sa pangalan ng kumpanya ang paglalarawan ng produkto ay dahil nakakatulong ito para mas madali kang makita kapag may hinahanap ang mga tao. Halimbawa, kung nagbebenta ka ng kandila ang pangalan tulad ng Candle Shack ay hahakot ng mas maraming nagsi-search kesa sa pangalang Waterberry's.

Subalit ang patakaran sa search engine ay madalas magbago, at ang pagkakaroon ng keyword sa pangalan ay hindi na ganun kaimportante kumpara noon, kung kaya wag pipili ng pangalan na base lamang sa kung ano iyong makatawag pansin ng search traffic. Isa lamang ito sa napakaraming bagay na dapat isaalang-alang.

Pangatlong Hakbang: Suriin ang mga Magkakapareho

Sa puntong ito nasala mo na mula sa orihinal na listahan ang mangilan ngilang posibilidad, o maaaring may napili ka na. Ang susunod na hakbang ay tingnan kung ang iyong ideya ay may pagkakapareha sa iba.

Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagtingin sa web, pero para sa mas matibay na pagsusuri, tingnan sa nakarehistro na trademark. Sa US, maaari itong gawin online sa pamamagitan ng paggamit ng isang uri ng online search na instrumento na tinatawag na US Patent and Trademark Office.

Kung ang pangalan ay masyadong kakaiba at nagamit na lalo't ng isang kilalang kumpanya, huwag ng gamitin ito. Halimbawa, hindi magandang ideya na ipangalan ang Google kahit na ano pang uri ng industriya ang iyong negosyo.

Subalit may mga pagkakataong maari ding gamiting ang dati ng pangalan ng ibang negosyo. Halimbawa na lamang kung ang pangalan ay ang iyong totoong pangalan, maaari ito sa ganitong pagkakataon. Kung ang pangalan ay dati ng nagamit ngunit sa ibang uri ng negosyo, may konting saklaw ito ng pagkakaroon ng pagkakapareho ng pangalan. "Lotus,"halimbawa, ay pangalan ng isang kumpanya ng sasakyan sa Britanya at ang parehong pangalan ay isa namang kumpanya ng software ng US (na ngayon ay mas kilala na IBM). Hindi naman malilito ang mga tao sa spreadsheet at sa pangkarerang sasakyan kung kayat maaari silang magkapareho ng pangalan. Mayroong Lotus Foods sa California, at marami pang iba't ibang uri ng Lotus na kumpanya sa buong mundo.

Ang mga pangkaraniwang pangalan ay mainam din. "Fresh & Clean,"halimbawa, ay pangalan ng Michigan dry cleaner, gumagawa ng mga portable na banyo sa New Mexico, isang WordPress theme, mangilan-ngilang kumpanya na naglilinis ng mga karpet, at marami pang iba. Wala namang kumpanya na maaaring umangkin ng buong pagmamay-ari sa mga karaniwang salita tulad ng "fresh" at "clean", kung kayat inuulit ko OK lang ang ilang pagkakapareho.

Subalit kailangan ang masusing pag-iingat dahl ayaw naman nating magkaroon ng kaso dahil sa pag-aakalang ninakaw naten ang kanilang pangalan. Ang pinakamainan pa din ay ang pumili ng kakaibang pangalan. Kung gagayahin mo ang pangalan ng ibang kumpanya siguraduhin na hindi malilito ang mga customers, o kaya ay hindi nila iisipin na ginagamit mo lang ang kasikatan ng nasabing kumpanya. Kung may pag-alinlangan, kumonsulta sa isang abogado sa trademark.

At siguraduhin na makahanap ka ng web domain kung saan ka kumportable at masaya. Ang paghahanap ng mga dati ng".com"addresses ay pahirap ng pahirap, subalit maari ka ring swertehin o kaya kung magkaroon ka ng pagkakataong makipag-bargain sa nauna ng may-ari ng URL na gusto mo. Paalala lang uli, ang pagkakaroonn ng kakaibang pangalan ay mas malaki ang maitutulong.

Pang-apat na Hakbang: Subukan ang Napiling Pangalan

Kung may napili ng pangalan na sa tingin mo ay pinakamahusay, ito na ang panahon para kumuha ng mga opinyon o komento. Magtanong sa mga kaibigan at kapamilya, i-eksamin eto sa web, at gamitin ang social media. Gamitan ng pakulo katulad ng pagkakaroon ng paligsahan na may konting pabuya para sa madla para magbigay sila ng matapat na komento o opinyon. Mas nasuri ito sa mas maraming tao , mas malaki ang posibilidad na makuha ang pinaka-angkop na pangalan.

Mahalaga ding isaalang-alang ang dating ng tunog ng pangalan sa iba't ibang nasyonalidad at kultura. May mga halimbawa ng sablay na pagpapangalan sa loob ng maraming taon, mula sa hindi nagtagal na IKEA's Fartfull workbench hanggang sa spinoff ng Kraft Foods sa Mondelez International, kung saan may pangit na pakahulugan ito sa Russian.

Kahit na ang iyong iminumungkahing pangalan ay walang pangit na pakahulugan sa ibang wika, ito ay maaring mahirap bigkasin, o magkakaroon ito ng ibang kahulugan pag isinalin sa ibang wika maliban sa Ingles. Mahalaga na hangga't maari ay makakuha ng opinyon mula sa maliliit na grupo hanggang sa mas malawak na saklaw ng populasyon. Kahit na ang plano mo ay magsimula lamag bilang lokal na negosyo, hindi mo masabi maaring pagdating ng panahon ay maisipan mong palawakin ito. At ang internet ay nagiging daan para sa mga nagsisimula at lokal na kumpanya sa potensyal ng mas malakihang at malawakang paglago.

Subukan ding i-desenyo ang naisip na logo at posibleng pagkakakilanlan , iguhit ang halimbawang desenyo ng iyong website, at ilarawan sa iyong isip anng pangalan ng negosyo sa iyong business card at stationery. Siguraduhing dama mo ang bagong pangalan sa lahat ng anggulo.

Panlimang Hakbang: Magpasya

Sa ngayon nagawa mo na ang pakikipagpalitan ng kuro-kuro para sa pangalan ng negosyo, ang pamantayan na susundin para mas masala ang mga pagpipilian, pano iwasan ang pagkakapareho ng pangalan sa iba, at kung pano ito suriin sa malawakang publiko.

Ang panghuling hakbang ay pagsama-samahin lahat at gumawa ng huling pasya para sa natatanging pangalan ng iyong negosyo. Sa katunayan ang pangalan ay dapat:

  • Madaling tandaan.
  • Naipapaabot nito ang bagay sa kung tungkol saan o kung ano ito.
  • Angkop ito sa uri ng iyong negosyo.
  • May dating ito sa ninanais mong customer.
  • Nakakatawag pansin ang tunog nito.
  • Gumagana ito sa online.
  • Hindi ito mapagkakamalaang isa sa ibang negosyo.
  • Pasado ito sa karamihan sa mga taong sumuri dito.

Kung kahit papaano ay pumasa ito sa pangunahing pamantayan maaari mo na itong ituluy-tuloy ng mas malaki ang tiwala dahil alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat para makamit ang pinakasakto at tamang pangalan ng iyong negosyo.

Sa mga susunod na pag-aaral sa serye ng pagbibigay pangalan ng iyong negosyo, pagtuunan naman natin ng pansin kung pano protektahan ang napiling pangalan sa kakumpitensya. Isasama natin ang tungkol sa trademark, ano ang kahalagahan nito, anong uri ng pangalan ang nararapat, at paano ito gamitin. At sa huling parte ng seryeng ito, titingnan natin ano ang mangyayari kung sakaling kailangang baguhin ang pangalan ng iyong negosyo pagdating ng panahon o kaya pag lumago ito.

Resource

Graphic Credit: Brainstorm designed by SuperAtic LABS from the Noun Project.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.