Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Email
Business

Paano Pagsamahin ang Lahat ng Email Accounts sa Isang Gmail Account

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:
This post is part of a series called Your Ultimate Guide to the Best Gmail Tips and Tricks.
How to Email Large Files as Gmail Attachments
How to Quickly Start Using Gmail Offline (With Chrome)

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Sa paglipas ng panahon, may naipon akong mahabang listahan ng email addresses. May dalawa o tatlo akong nagawa noong teenager pa ako,na may username tulad ng hotgirl13@aol.com at iba pang accounts noong nagsawa na ako sa luma kong usernames at nakahanap ako ng iba pang email service.

Habang masaya naman ako na huwag ng gamitin yung mga luma kong accounts,  nakakatanggap pa din ako ng mahahalagang mensahe  sa hindi ko na madalas gamitin at ayoko namang hindi mabasa ang mga ito. Subalit hindi ko din naman gusto na magbukas ng apat o limang email addresses sa loob ng buong araw. Hindi dahil mahirap mapanatili ang maraming logins, kaya lang makakalimutan ko na tingnan lahat ng tuluy-tuloy.

Ang solusyon kung ganun ay gumawa ng isang pinag-isang inbox na nakapaloob lahat ng emails dito. Lahat ng emails ko ay nasa isang inbox, at maari akong sumagot sa mga emails gamit ang kahit aling email address. Ang paggawa ng pinag-isang inbox kung saan nakapaloob lahat ng emails ay hindi naman kumplikado katulad ng naiisip natin, at ipapakita ko paano gagawin ito.

How to Merge Your Gmail Accounts
Pagsamahin lahat ng iyong Gmail accounts-pagisahin ang mga ito.

Sa hakbang na ito,pag-aralan kung papaano pagisahin ang lahat ng iyong Gmail accounts. Una tingnan natin bakit makakatipid sa oras kapag pinagsama ang Gmail accounts.

Paano Nakakatipid sa Oras Kapag Pinagsama Lahat ng Emails

Bilang isang maliit negosyante, wala kang sapat na karagdagang oras para pagbabasa ng email. Marami ka pang ibang bagay na gagawin.

Subalit, base sa mga pag-aaral ang email ay mahalagang bahagi ng araw para sa karamihan sa mga negosyante. At, kapag marami kang email accounts, mas kailangan din ng maraming oras para tingnan ang iyong email sa araw-araw.

Ang pagsama-samahin ang iyong email accounts gamit ang Gmail ay makakatipid ng oras. Narito kung papaano:

  • Mag-log sa isang account (Gmail account) ng isang beses at ilagay lahat ng mensahe sa email ng sabay. Hindi na kailangang mag log in at out sa iba’t ibang accounts.
  • Huwag ng pag aksayahan ng panahon ang paghahanap ng nakalimutan ng passwords. Kailangan mo lamang tandaan ang isang password-ang password para sa iyong Gmail account.
  • Kung gusto mong magpadala ng mensahe mula sa ibang email account, hindi mo kailangang mag log out. Sa gmail makakapili ka saang email account nais mong magpadala ng mensahe.
  • Panatilihing organisado ang iba’t ibang mailboxes sa Gmail. Sa Gmail filter, makikita mo kaagad aling mensahe ang napunta sa aling email.

Ang Envato Tuts+ ay may mga handog na pagtuturo para dito. Narito ang isa na makakatipid sa oras sa pamamagitan ng pag-gamit ng Gmail:

Ngayon tingnan naten paano ipadala at pag-isahin ang iyong Gmail accounts.

1. Gamitin ang Gmail Para Ipadala ang Email

Para pagsamahin ang Gmail accounts, ang unang hakbang ay i-set up ang pagpapadala ng email.

Mag-log sa Gmail account kung saan mo gusto magpadala ng email. Sa iyong nakagawian, ito ay ang pangalawang email account na malimit mong gamitin. Lahat ng email  sa account na ito ay mapupunta sa ibang email account, bilang ang iyong pangunahing email ang madalas tingnan.

Paalala: Sa pagtuturo na ito, magpapadala ako ng email mula sa isang Gmail account at patungo sa isa pang account, subalit ang Gmail ay makakapagpadala sa iba pang email service. Matututunan mo ang pagkakasunud sunod na hakbang kung papaano pag-isahin ang dalawang gmail accounts sa isang inbox.

Hakbang 1

Sa pangalawang Gmail account, pindutin ang gear icon sa kanan at piliin ang Settings. Hanapin ang Gmail’s settings.

Locate Gmail settings
Hanapin ang Gmail’s settings.

Hakbang 2

Pindutin ang Forwarding at POP/IMAP na tab at hanapin ang Forwarding settings.

Find the Forwarding tab
Hanapin ang Forwarding tab.

Hakbang 3

Pindutin ang Add a Forwading Address. Lalabas ang Add a Forwarding Address:

Enter the email address that will receive your forwarded email
Ilagay ang email address na makakatanggap ng pinadala mong email.

Hakbang 4

Ilagay ang email address na makakatanggap ng pinadala mong email. Pindutin ang Next para sa pagpapatuloy. Lalabas ang Confirm forwarding address:

Click Proceed to continue
Pindutin ang Proceed para sa pagpapatuloy.

Hakbang 5

May lalabas na popup para ipaalala na ang Gmail ay sinusuri pa ang iyong forwarding Gmail address.

Click OK to confirm the forwarding email
Pindutin ang OK para i-confirm ang forwarding email.

Pindutin ang OK. Ang Gmail ay magpapadala ng verification email sa pangunahing email address na inilagay.

Tip: Kapag ang pangunahing email address ay  Gmail account din, mag-log in sa pamamagitan ng pagpindot sa user image sa kanang itaas ng Gmail window at piliin ang Add account. Ang pagsama ng dalawang accounts sa ganitong paraan ay daan para mabilis na mailipat ng pabalik balik sa pagitan ng mga accounts habang nasa proseso ng confirmation na hindi na kakailanganing mag log in o mag log out.

Connect two Gmail accounts to make switching inboxes easier
Pagsamahin ang dalawang Gmail accounts para sa mas mabilis na paglipat ng inboxes.

Hakbang 6

Sa confirmation email, makikita mo ang confirmation code at confirmation link.

Enter the code or click link to complete forwarding process
Ilagay ang code o link para makumpleto ang proseso ng forwarding.

Hakbang 7

Ilagagay ang confirmation code sa Forwarding at POP/IMAP tab sa pangalawang Gmail account, o kaya pindutin ang confirmation link sa email.

Ang Gmail  ay magpa-prompt sa iyo para i-confirm na ang mail ay ipapadala.

Click Confirm to forward email
Pindutin ang Confirm para ipadala ang email.

Pindutin ang Confirm. At makakatanggap ka ng huling confirmation success email para ipaalam na naset-up na ang forwarding. Ang pangalawang Gmail account ay sa ngayon ay nagpapadala sa pangunahing email address.

2. Magpadala ng Email Sa Iba Pang Account

Ang pag set-up ng forwarding address ay magaling, subalit mas tatakbo ito kung ang email na pinadala galing ng Gmail address ay lalabas na parang galing ito sa ibang email account. Ipapakita ko kung papaano ipapadala ang email mula sa ibang email providers sa Gmail.

Hakbang 1

Sa Gmail, pindutin ang gear icon sa kanan at piliin ang Settings. Piliin ang Accounts at Import tab.

Gmail allows you to send email as another account
Sa Gmail makakapagpadala ka ng email na ibang account.

Hakbang 2

Sa Send Mail As, pundutin Add Another Email Address You Own.

Enter the email address youd like to send mail as
Ilagay ang email address kung saan nais mong magpadala ng mail.

Hakbang 3

Ilagay ang pangalawang email address. Maaari mo ring baguhin ang naka-display na pangalan at gumawa ng ibang reply-to address. Ang Gmail ay magpa-prompt para iberipika ang pangalawang email address.

Send the verification email
Ipadala ang verification email.

Pag nag-prompt na ang Gmail, ipadalada ang beripikasyon na mensahe sa pangalawang email address.

Hakbang 4

Sa verification email, may makikita kang confirmation code at confirmation link.

Ilagay ang confirmation code sa Verification window sa Gmail, o kaya pindutin ang confirmation link sa email. Ang Gmail ay magdi-display ng isa pang popup confirmation.

Click Confirm to continue the process
Pindutin ang Confirm

Pindutin ang Confirm para ituloy ang proseso. May makikita kang confirmation success popup na display.

Ang Gmail account ay maaari ng magpadala ng email bilang pangalawang email account. Ulitin ang proseso sa lahat ng email addresses na gusto mong gamitin sa Gmail.

Hakbang 5

Kapag natapos na, magkakaron ng bagong From drop-down sa Compose New Message na window.

Select the address from which you would like to send email
Maaari kang pumili kung saan address gusto mong magpadala ng email.

Piliin ang address kung saan mo gusto magpadala ng email sa drop-down menu.

3. Mag-set ng Default Send Email bilang Address

Maaari kang pumili kung saan address gusto mong magpadala ng email sa Compose New Message window, subalit maaaring mangyari na gusto mong mas magpadala ng email galing sa Outlook o sa ibang addresses maliban sa Gmail email address.

Sa pagkakataong ito, mas makabuluhan kung magsi-set ng iba pang email address bilang default Send Mail address sa Gmail. Narito kung paano ito gawin.

Hakbang 1

Pindutin uli ang gear icon sa kanan ng Gmail window at piliin ang Settings. Piliin ang Accounts at Import tab. Naka-display dito ang lahat ng email addresses kung saan maaari kang magpadala ng email sa loob ng Gmail.

All your connected email addresses are listed
Lahat ng konektadong email addresses are nakalista dito.

Pindutin ang Make Default sumunnod sa email address na madalas mong gagamitin para magpadala ng email.  

Hakbang 2

Sa susunod na gagawa ka ng panibagong email, ang naka-default na Send Mail bilang address ay kusang mapipili sa From field.

Emails sent with Gmail look like they came from another account
Ang emails na maipapadala sa Gmail ay magmumukhang galing sa ibang account.

4. Ayusin ang Ipinadalang Email sa Iba’t ibang Addresses

Sa inbox na tatlumpung mensahe, hindi na mapapansin ano ang importante at hindi, aling emails ang napadala sa bawat address. Ang filters at labels ng Gmail ay makakatulong para mapanatiling mapupunta diretso sa inbox ang iba’t ibang email addresses.

Hakbang 1

Pindutin ang gear icon sa kanan ng Gmail window at piliin ang Settings. Ngayon, piliin ang Filters at Blocked Addresses na tab.

Create a new filter in Settings
Gumawa ng bagong filter sa Settings.

Piliin Create a New Filter sa ibaba ng window.

Hakbang 2

Maraming pagpipilian para sa iyong filter, ngunit sa pagtuturong ito, kailangan mo lamang kumpletuhin ang isa sa mga fields. Sa To field, ilagay ang pangalawang email address na pinapadala sa iyong pangunahing Gmail account. Pindutin ang Create Filter sa paghahanap na ito.

Apply a label to messages matching the search
Lagyan ng label sa mensahe na tutugma sa paghahanap.

Hakbang 3

Maraming magagawa ang Gmail sa filtered na mensahe, at mas mabuti kung ikaw ang magdi-desisyon kung papaano mo gustong matanggap ang mga naipadalang mensahe. Gusto mo bang lahat sila ay naka-marka na read and archived,  o nakamarka ng star bilang indikasyon na importante ito?

Hahayaan ko na ang Gmail na ang bahala sa mga pinadalang mensahe katulad ng nakasanayan, subalit gusto ko na magdagdag ng label para malaman ko saang account pinadala ang mensahe. Pindutin ang Apply the Label na checkbox. Pindutin ang pataas at pababang arrows kasunod ng Choose na label.

Kung hindi ka pa nakakagawa ng label para sa pagpapadala ng mga mensahe mula sa pangalawang emil address, piliin ang New Label. Ang bagong label popup ay lalabas.

Create a new label
Gumawa ng bagong label.

Maglagay ng pangalan para sa iyong label at pindutin ang Create.

Kung ang dating natatanggap na mensahe ay pasok sa batayan ng filter, maaari mo ring gamitin ang filter sa mga mensaheng iyon.

Pindutin ang Create Filter pagkatapos. Lahat ng mensahe na para sa pangalawang email address ay magkakaroon ng panibagong label.

Pagtatapos

Habang akala natin ay kailangan ng kalimutan ang lumang email accounts o kaya maglaan ng oras para sa iba’t ibang ginagamit na accounts, sa maliit na paraan, maaari mo ng pag-isahin ang lahat sa isang Gmail inbox. Kung nahihirapan ka na pagsamahin ang email accounts sa Gmail, huwag kalimutang mag-iwan ng komento sa ibaba at tutulungan ka namin kung paaano ito gagana.

Kung kailangan mo ng tulong sap ag-aayos ng email, maaari mong tingnan ang ilan sa mga apps na may kinalaman sa email, plugins at add-ons na makikita sa Envato Market. O kaya kung nagpapadala ka ng maraming importanteng emails, subukan ang email design na serbisyo sa Envato Studio.

Editorial Note: Ang post na ito ay orihinal na inilathala noong 2014. Ito ay komprehensibong binago para gumawa ng mas napapanahon, wasto, at moderno ng aming tauhan-na may espesyal na tulong galing kay Laura Spencer.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.