Advertisement
  1. Business
  2. Marketing
  3. Creativity

Paano Malampasan ang 5 Mental Blocks Na Nakakatanggal ng Pagkamalikhain

Scroll to top
Read Time: 13 min

() translation by (you can also view the original English article)

Maliban na lang kung sadyang ininis mo ang gobyerno, malalaking korporasyon, o matitinding kontrabida, ang iyong sarili miso ang iyong  pinakamasamang kaaway. Nagpapaliban ka, hindi dahil may ilang masamang impluwensiya na naglaan ng lahat ng oras para ikaw ay abalahin mula sa iyong importanteng gagawin, subalit dahil ikaw ay tao.Ang diyablo lang na gumigising sa iyo sa gabi ay ang iyong sarili.

how to get over a mental blockhow to get over a mental blockhow to get over a mental block
Ang writer’s block as isa lang na uri ng mental block. Maaari mong malampasan ang mental blocks kung alam mo kung paano. (Imahe source: Envato Elements)

Subalit katulad ng kahit na anong kaaway, may mga paraan para malabanan mo ito. Maaari mong malampasan ang mental blocks at magawa ang iyong dapat gawin. Kailangan mo lang matutunan kung paano.

Sa pagtuturong ito, ipakikilala ko ang anim na dahilan ng mental block. Ibabahagi ko din ang ilang pamamaraan kung paano alisin ang mental block.

Ano ang Menta Block?

Maaaring mahirap makahanap ng kahulugan ng mental block, subalit sa pangkalahatang kahulugan ang mental block ay kahit na anong sikolohikal na balakid na inilalagay mo sa iyong sariling paraan, halos palaging hindi mo napapansin. Ang klasikong halimbawa ay ang writer’s block, kung saan, kahit gaano mo subukang magsulat ng kahit na ano, hindi ka makahanap ng tamang salita na masusulat sa pahina. Maaari kang maupo at tumitig sa blankong screen hanggat gusto mo, subalit walang lumalabas na salita. Gusto mo itong isulat at maaaring mayroon ka pang ideya kung ano ang nais mong sabihin, subalit hindi mo ito magawa.

Mayroong dosenang iba’t ibang mental blocks at maaaring nagmula ang mga ito sa libu-libong iba’t ibang pinagkuhanan. Takot sa kabiguan, takot sa tagumpay, depresyon, pagkagutom, at iba pang katulad ng mga ito ay maaaring makasagabal sa iyo.

Ang mental blocks, sa sandaling mapansin mo ang mga ito, ay sa totoo lang ay medyo madaling magawan ng paraan. Ang mapagtanto na mayroon ka nito ay ang mahirap na bahagi. Kung nandito ka, malamang ay handa ka ng magsimula kung kaya alamin na natin ito.

Narito ang ilang karaniwang dahilan ng mental block at gayundin ang ilang impormasyon para malampasan ang mental blocks:

1. Writer’s Block

Katulad ng sinabi ko sa itaas, ang writer’s block ay isa sa pinaka-karaniwang mental blocks. Isa sa mga problema dito ay habang sinusubukan mong maigi na pilitin na may mga salitang lumabas, mas malabong ito ay mangyari. Ang iyong pagkabigo ay naglalagay lang ng kalagayan ng iyong pag-iisip sa mas salungat na flow state na sinusubukan mong makamit.

Ngayon habang tinatawag ko itong writer’s block at tinatalakay ko ito ng kaunti mula sa aking pananaw bilang manunulat, hindi talaga ito kakaiba sa manunulat. Ito ay eksaktong parehong mental block kapag hindi mo mahanap ang tamang salita para sa email, pagguhit ng blanko lang talaga noong sinubukan mong gumawa ng PowerPoint, o hindi tila makasarado ng benta.

Paano Ang Gagawin Sa Writer’s Block

Ang magandang balita tungkol sa writer’s block ay maraming simpleng estratehiya para gawan ng paraan ang writer’s ( o coder’s o presenter’s o designer’s o salesperson’s) block. Subukan any ilan sa mga ito at tingnan kung alin ang angkop sa iyo.

  1. Lumayo muna at gumawa ng ibang bagay. Ang pinakasimpleng paraan para masolusyonan ang writer’s block ay itigil ang pag-umpog ng ulo sa pader. Lumayo muna ng mga isang oras o dalawa. Maaaring lumabas ka muna para maglakad-lakad o gumawa ng ilang bagay na hindi kinakailangang maging malikhain katulad ng pagsagot sa email o pag-update ng iyong acounts. Pagkatapos, maya-maya, maaari ka ng bumalik sa pagsusulat (o kung anuman) at ituring itong bago sa paningin. Magugulat ka kung gaano ito ka-epektibo.
  2. Gawin muna ito ng seryoso. Ang writer’s block ay nagsisimula sa kagustuhang makagawa ng bagay na perpekto sa unang beses, subalit kapag inisip mo ito, ito ay kabaliwan. Hindi ko ginawa itong (natatangi) artikulo na iyong binabasa ng isang beses lang. Gumawa ako ng isang draft, binago ito, ipinasa sa aking editor na gumawa ng mas maraming pagabago. Ibig sabihin naka-tatlong pasa ito mula sa dalawang tao bago ito naging ganito na na iyong nakikita na ngayon. Kung ikaw ay nagsusumikap na may magawa na isang bagay, subukang isipin ito bilang unang draft. Huwag muna isipin kung gaano kaganda ang iyong ginagawa, basta gawin mo muna, kahit ano, tapusin mo muna ito.

2. Pagpapabukas

Ang pagpapabukas ay ang pinakamalala. Sigurado ako mayroon ka nito dati na kung saan, kahit gaano mo subukang may matapos, hindi mo mapigilan ang iyong sarili ng wala sa isip na tumingin ng mabilis sa Facebook o manuod ng kahit isang video sa YouTube. Tantiya ng mga mananaliksik na ang pangkaraniwang manggagawa sa opisina ay gumugugol ng dalawang oras sa isang araw sa pagpapaliban o pagpapaantala ng trabaho.

Paano Lutasin Ang Pagpapabukas 

Ang dalawang pinakamagaling na solusyon na nakita ko para magkaroon ka ng inspirasyon ay:

  1. gamit ang Pomodoro na pamamaraan
  2. pagharang ng lahat ng balakid para wala kang ibang pagpipilian kundi magtrabaho

Sa Pomodoro na pamamaraan, maglalagay ka ng timer ng 25 na minuto at magtrabaho kapag ito ay tumunog. Kapag ito ay tumunog titigal ka, maglaan ng 5 minutong pahinga, at simulan ang timer uli. Kapag natapos mo ang apat na 25 minuto na tagal ng pagtatrabaho, magpahinga ng mas matagal, 15 na minuto; isa itong cycle. Para mas malaman ang tungkol sa Pomodoro na pamamaraan, pag-aralan ang gabay na ito:

Ang maganda sa Pomodoro na pamamaraan ay hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili na magtrabaho ng ilang oras. Kailangan mo lang maglagay ng timer at sabihing, “ Sige, sa susunod na 25 na minuto, hindi ako titingin sa Facebook, magtatrabaho ako. At pagkatapos ay maaari akong tumingin sa Facebook.” Sadyang epektibo ito at ang maidadagdag ko lang dito ay, kung ikaw ay nagpapabukas pa din, mas paiksiin ang oras ng pagtatrabaho: magtrabaho ng 20 minuto at magpahinga ng sampung minuto. Makikita mo na may gagawin kang trabaho at magsisimula kang magpaliban ng pahinga.

Ang isa pang magandang maaaring puwedeng gawin ay gawing imposible ang pagpapaliban. Ginagamit ko ang Mac app Focus para harangin ang nakakaabalang apps at websites. Sinet-up ko ito para hindi ko ito maturn-off ng isang oras kapag naka-turn on ito. Maaari mo ring tanggalan ng internet ang iyong computer o i-uninstall ang nakakasagabal na apps. Subukan ito. At kung ikaw ay talagang seryoso, samahan ito ng Pomodoro na pamamaraan.

3. Naliligaw na Prayoridad

Gumagawa ako ngayon ng startup at ang isang bagay na sadyang hindi pa namin nagagawa ay ang pag-disenyo ng aming logo. Bakit? Dahil sa maaga pang yugtong ito hindi pa talaga ito mahalaga. Kailangan natin ng  mas maraming working service kaysa sa magandang-tingnang office stationery. Subalit ganito yan, ang unang ginagawa ng karamihan sa startups ay ang paglalaan ng oras sa pagdi-disenyo ng nakakayamot na propesyonal na logo. Mayroon sila ng mga pagpupulong, pagkonsulta sa designers, at dumadaan sa dose-dosenang pagbabago para magkaroon ng perpektong logo…para sa isang produkto na wala pa man.

Kung kaya isiping mabuti ito, mayroon bang alinman sa iyong mga prayoridad ang nawawala ngayon? Naglalaan ka ba ng maraming oras sa paggawa ng masaya, madaling mga proyekto subalit iniiwasan ang may mataas na bayad pero mahirap? Ibinubuhos mo ba ang iyong oras at lakas sa pag-aayos muli ng iyong lugar sa opisina kaysa sa pagtatapos ng trabaho?

Paano Solusyonan ang Nawawalang Prayoridad

Ang mga nawawalang prayoridad ay nangyayari kapag ang tao ay hindi seryosong pinagiisipan kung ano ang kanilang mga prayoridad. Sa sitwasyon na iyan, karamihan sa mga tao ay bigo sa paggawa ng simple, madaling gawain na nakapila sa kanila. Alam ng startups na kakailanganin nila ang logo sa ilang pagkakataon, bakit hindi pa ito gawin ngayon? Maraming malinaw na nakasaad na mga hakbang para makapag disenyo kasalungat ng paggawa ng iyong produkto na nakakatakot at mahirap.

Mula dito, makikita natin na ang pinakamagaling na paraan para solusyonan ang mga nawawalang prayoridad ay talagang isipin ang mga ito. Ang tingnan lahat ng mga bagay na sinusubukan mong magawa sa mga susunod na ilang buwan o taon at gawin ang kailangang gawin para makamit ito. Sa madaling salita, mag set ng goals sa pareho para sa iyo at sa iyong negosyo.

Natingnan na natin ang pag set ng goal ng lubusan, kung kaya tingnan naman natin ang pagtuturo tungkol dito: 

4. Pagwawalang-bahala sa Mahalaga

Sa Eisenhower Matrix ay naka-kategorya ang mga gagawin sa kuwadrante ayon sa dalawang aksis: kahalagahan at pinaka kailangan ng prayoridad.

  • Ang Unang Quadrant ay mga gawain na parehong mahalaga at kailangan ng prayoridad. Ito ang mga bagay katulad ng parating na deadlines, mahalagang oportunidad sa sales, at mga krisis.
  • Ang Pangalawang Quadrant ay mga gawain na mahalaga, subalit hindi kailangan ng prayoridad. Ito ang mga bagay katulad ng pagpapanatili ng magandang pakikitungo sa mga kaugnayan sa negosyo, matagalagang pagpaplano, at pag-unlad ng produkto.
  • Ang Pangatlong Quadrant ay mga gawain na hindi mahalaga, subalit kailangan ng prayoridad. Mga bagay katulad ng nariyang tuluy-tuloy na emails na naipon sa iyong inbox, mga pagpupulong, random na mga pagkaabala, at kahit na ano na nagsusumigaw na “ GAWIN MO NA AKO NGAYON!”
  • Ang Pang-apat Quadrant ay mga gawain na hindi importante at hindi din kailangan ng prayoridad. Walang ganito sa mga negosyo subalit nariyan sa mga pangyayari sa personal na bagay( katulad ng panunuod ng pelikula o Netflix).
Eisenhower Decision MatrixEisenhower Decision MatrixEisenhower Decision Matrix
Isang paraan para bigyang kategorya ang kahalagahan ng mga gawain ay sa paggamit ng Eisenhower Decision Matrix.  

Sa pagtingin lang sa Decision Matrix, dapat mabilis mong makikita ang problema sa mental block na ito. Ang mga gawain sa Pangalawang Quadrant ay ang nagtataglay ng mga bagay na iyong kailangan para maging matagumpay sa iyong buhay o negosyo. Hindi kailangang bigyan ng solusyon ang mga ito sa ngayon, subalit kung babaliwalain mo ang mga ito mahihirapan ka sa susunod. Ang mga gawain sa Pangatlong Quadrant ay mga bagay na kailangan ng bigyan ng solusyon agad-agad, subalit huwag ng dagdagan ng kahit na anong pangmatagalang  halaga sa kung ano ang iyong ginagawa.

Kung nilalaan mo ang iyong buong araw sa pagsagot ng hindi naman mahalagang emails kaysa sa pagpalago ng iyong negosyo, ibig sabihin ikaw ay guilty sa pagbabalewala ng mahalaga para sa kailangan ng prayoridad.

Paano Solusyonan Ang Pagsasawalang-bahala ng Mga Gawaing Kailangan Ng Prayoridad

Sa paglalarawan ng mental block sa itaas, sa totoo lang ay binigyan ko na kayo ng solusyon: gamitin ang Eisenhower Decision Matrix para masuri kung paano mo gamitin ang iyong oras. Ito ay lalong mahalagang gawin kung sa tingin mo ay walang nangyayari o kung ikaw ay nagtataka kung paano ka nagtatrabaho ng buong araw subalit walang natatapos. Sobrang karaniwan sa mga tao na ginagawa ang Pangatlong Quadrant na mga gawain kung saan dapat ay binibigyang-tuon ang Pangalawang Quadrant 

Kapag nabatid mo na ang problema, ang mahirap na bahagi ay ang pag-aayos nito. Magsimula sa pamamagitan ng pagtanong sa sarili sa bawat oras na may bagay na napupunta sa kung saan quadrant.Kung hindi sa Una o Pangalawa, huwag ng pansinin ito.

Ngayon, sa malamang ay mayroong ilang limitasyon sa bilang ng gawain sa Pangatlong Quadrant na maaari mong balewalain. At ang ilang bagay na karaniwang tinatawag na Pangatlong Quadrant, katulad ng pagsagot ng emails, ay maaaring Unang Quadrant. Ang pagbabalewala ng lahat ng emails at pagpupulong ay kalokohan, subalit ang pagtanggal ng aksaya sa oras para matapos mo ang iyong ginagawa sa Pangalawang Quadrant ay ang daan sa tagumpay.

5. Perfectionism

Ang pagiging perpekto ay kaaway ng mabuti at ang perfectionism ay ang pangunahing mental block na nagkukubli bilang positibong katangian. Sino ang ayaw na sumulat ng perpektong sales email o makagawa ng perpektong produkto?

Sa katunayan ito iyon.Ang paggawa ng bagay na perpekto, talagang pag plantsa ng bawat mali, at pagtapos ng lahat ng bagay ay nangangailangan ng malaking oras. Kailangan ito ng maraming oras, sa totoo lang, mabibilang ko lang sa aking isang kamay ang bilang ng totoong perpektong produkto sa naranasan ko.

Ang paggawa ng bagay na sadyang maganda, sabihin na natin na 95% na perpekto-ay kailangan ng mas kaunting oras.  Sigurado, mayroong isa o dalawang kaunting problema, subalit sa kabuuan ang kahihinatnan mo ay katulad ng sa perpektong libro o produkto. Malalaman mo na nandiyan ang kaunting problema, subalit hindi na ito mapapansin ng karamihan.

Ang perfectionism ay madalas nagmumula sa takot sa kabiguan. Ang mga tao ay takot na ang kanilang pinagtrabahuhan ay nailabas na at mayroon ng feedback. Kahit na gaano ito kaganda, mayroon pa rin itong ilang haters. Mas madali na sabihin ang ilang kamalian at igiit ang pagsasaayos nito bago ito ilabas.  

Kung ginagawa mo pa rin ang kopya para sa iyong website sa loob pa ng tatlong linggo o ang  iyong presentation ay nasa ika 15 na pagbabago na, ibig sabihin ikaw ay guilty sa perfectionism. Karamihan sa bigong manunulat na kilala ko ay nabigo dahil ang kanilang perfectionism ay naging dahilan para hindi sila umabot sa tamang oras o deadline.

Paano Solusyonan ang Pagiging Perfectionism

Ang perfectionism ay mahirap na solusyonan dahil ang “okay na yan” ay mahirap bigyan ng depinisyon. Ang artikulo na sinulat para sa New Yorker ay dumadaan sa maraming pagbabago kaysa sa isang ito. Para sa artikulo ng New Yorker ito ay normal, subalit para sa isa sa aming mga artikulo ito ay nakakatawa. Siyempre mayroong ilang salita na puwede kong baguhin ng kaunti sa artikulong ito, subalit sa totoo lang, ang lima pa kayang pagbabago ay sobrang mapapaganda ito na magkakaroon na ito ng ibang mensahe?  

At iyan talaga ang importanteng punto sa paggawa ng solusyon sa perfectionism. Kapag napapansin mong masyado ka ng nag-aaksaya ng maraming oras sa pagpapaganda ng mga detalye  huminto at tanungin ang sarili kung ang iyong ginagawa ay nakakabuti pa. Kung nililinis o pinapaganda mo lang ang mga bagay-bagay, kung ganoon ay tanungin mo ang  iyong sarili bakit ka nag-aaksaya ng oras dito. Mayroong magandang pagkakataon ito ay dahil takot kang ito ay ilabas.

Habang ito ay nakakalitong sitwasyon, hindi ibig sabihin na mayroong isa lang na solusyon. Sa sandaling iyong mapagtanto na ikaw ay nagiging perfectionist, isara ang mga mata, gawan ng paraan, at tapusin na ang ginagawa. Ilathala ito, ipadala ang email, magbigay ng presentation, at tingnan kung ano ang mangyayari. Marahil ay mas maganda ang pagtanggap nila dito kaysa sa iyong kinatatakutan.

Pagtatapos

Napag-alaman  mo na kung paano malalampasan ang mental block. Nagbigay kami ng depinisyon ng mental block at gayundin ilang mga hakbang kung paano malalampasan ang mental blocks.

Ang tiningnan natin ngayon ay ilan lang sa napili na mga paraan na magagamit natin sa sarili na-ting paraan. Sadyang pinili ko ang cross section ng karaniwang mental blocks para iyong makita ang iba’t ibang estratehiya na nariyan para harapin ang mga ito. Sa totoo lang, iisa lang ang resulta:

  • Huminto at alaming mabuti kung ano ang iyong ginagawa.
  • Maglagay ng ilang maayos na istraktura o panuntunan na nakakabawas sa epekto ng mental block.

Maaari mo itong gamitin sa kahit na anong mental block na mayroon ka. Matapat lang na suriin ang iyong mga ginagawa at damdamin, at gumawa ng bagay para hindi ito makaapekto sa iyong trabaho. Bakit hindi gawin ang unang hakbang para malampasan ang mental blocks ngayon?

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Business tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
One subscription. Unlimited Downloads.
Get unlimited downloads