Unlimited Powerpoint templates, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Microsoft Excel
Business

Paano Magsingit, Magtanggal at Magtago ang Bagong Sheets sa Excel sa Loob ng 60 Segundos

by
Difficulty:BeginnerLength:ShortLanguages:
This post is part of a series called How to Use Excel - Quick Video Tutorials (in 60 Seconds).
How to Freeze Panes and Rows in Excel in 60 Seconds
How to Add Links to Excel in 60 Seconds

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang paggamit ng Microsoft Excel ay madalas  nangangahulugan ng pag-manage ng maramihang spreadsheets sa iyong workbook. Maari kang magdagdag ng sheets bilang isang paraan upang ang data ay magkahiwalay  at malinis na ma-ipresinta.  Sa pagtuturong ito, atin rin titignan kung paano itago at alisin ang Excel sheets kung kinakailangan.

Paano Magsingit, Magtanggal at Magtago ang Bagong Sheets sa Excel sa Loob Mabilis

Tandaan: Panuorin ang maigsing pagtuturo sa screencast o sundin ang mabilis na hakbang na compliment sa video na ito:

1. Paano magsingit ng bagong Sheets sa Excel

Ang unang bagay na nais kong ipakita sa iyo ay kung papaano magsingit ng bagong sheets sa Excel. Ang pinakamadaling paraan upang magdagdag ng sheet ay ang pag-click lamang sa plus button dito at makikita mo na may bagong tab na naidagdag.

Add a sheet in Excel
Ang pagdagdag ng bagong sheet sa Excel ay mabilis.

2. Paano Tanggalin ang Sheets sa Excel

Pwede akong mag click sa tabs upang makakalipat lipat sa mga ito at pwede rin namang e double-click sa tab para palitan ng pangalan gaya ng nakikita mong ginawa ko dito. Kung mayroon akong sheet na gusto kong tanggalin ng sabay, maari ko lang e right click ito at piliin ang delete.  Nagtanong ang Excel sa akin upang kumpirmahin ang pag-tanggal at ako’y mag sang ayon dito.

How to Delete Sheets in Excel
Mabilis mong matatanggal ang sheets sa excel.

3. Paano Itatago ang mga Sheets sa Excel

Ang huling bagay na gusto kong ipakita sa iyo ay kung paano itago ang sheet. Sabihin natin na nagpapadala ako ng report bawat buwan sa isang tao na naglalaman ng lahat ng aking data at mga kalkulasyon sa likod na pahina. Gusto ko na ang viewer ay mag-focus sa unang tab lamang, kaya itatago ko ang iba pa.

Para mangyari  ito, ang kailangan ko lang gawin ay e right click at piliin ang Hide. Para mag unhide ng sheet, e right click lamang at piliin ang Unhide at pumili ng sheet at pindutin ang OK.

Hiding sheets in Excel
Ang Hiding at Unhiding ng sheets sa Excel ay madali.

Pagtatapos!

Ang mahusay na pagtatrabaho sa Microsoft Excel ay madalas na nangangailangan sa iyo na mag-manage maramihang spreadsheets sa iyong workbook. Nakakatulong na malaman kung paano mag dagdag ng mabilis ng sheets, mag tanggal nito, at magtago ng sheets kung kinakailangan.

Madami pang Excel tutorials sa Envato Tuts+

Pumunta sa aming serye: Paano Gumawa at Gumamit ng Excel Formulas (Beginner Bootcamp). Sa karagdagan, humanap ng madami pang Excel tutorials sa Envato Tuts+ upang iyong mapag-aralan ng mabuti kung paano gumamit ng formulas at data sa iyong spreadsheets. Narito ang ilan sa mga mabilis na video tutorials na maaari mong pag-aralan:

Tandaan: Sa bawat Microsoft Excel tool na iyong matututunan, at workflow na na-master, mas mahusay na spreadsheets ang iyong magagawa.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.