Unlimited PowerPoint templates, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Microsoft PowerPoint

Paano maglagay ng mga links sa iyong PowerPoint Slides sa loob ng 60 Segundo

by
Difficulty:BeginnerLength:ShortLanguages:
This post is part of a series called How to Use PowerPoint in 60 Seconds (Quick Video Tutorials).
How to Add Slide Numbers to PowerPoint in 60 Seconds
How to Insert an Excel File into PowerPoint in 60 Seconds

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang PowerPoint ay binibigyan ka ng kalayaan na magdagdag ng iba’t ibang nilalaman sa iyong mga slides, tulad ng mga links na makakatulong sa iyo. Ngayon, pag-aaralan natin kung paano mabilis na magdagdag ng mga links sa PowerPoint para sa mga slides, mga files at mga hyperlinks ng website. Ito ay mahalagang kakayanan na kailangan matutunan upang makagawa ng interaktibong presentasyon sa PowerPoint.

Tandaan: Sa tutorial na ito, ginamit namin ang kilalang Marketofy PowerPoint Template. Maaari niyo pang makita ang iba’t-ibang magagandang PPT presentation templates sa GraphicRiver o sa aming Pangunahing Gabay para sa mga Pinakamahuhusay Guide to the Best Microsoft PowerPoint Templates.

Paano maglagay ng mga links sa iyong PowerPoint Slides (Mabilis)

Tandaan: Panoorin itong maikling tutorial screencast o sundin ang mga mabilis na hakbang na nakapaloob sa video na ito.

1. Buksan ang PowerPoint Insert Hyperlinks Panel

At ngayon i-click natin ang Insert tab dito sa PowerPoint ribbon. At kasama ng kahon sa slide na pinili, pipindutin ko ang Hyperlinks. Ang unang opsyon ay pumili ng hyperlink para sa file na nasa iyong kompyuter, na mahahanap mo sa pamamagitan ng paggamit ng center panel.

Here you can insert a link into PowerPoint
Dito maaari kang maglagay ng file link sa iyong PowerPoint slide.

2. Maglagay ng Link sa Insert Hyperlink Panel ng PowerPoint

O maaari nating lagyan ng link sa isang website online. Maglalagay ako ng link dito sa aking clipboard, at sa itaas, ita-type ko sa text ang nais kong ipakita sa link. Ngayon, pipindutin ko ang OK.

Enter a website address link into PowerPoint and text to display in your slide
Ilagay ang website address link sa PowerPoint at text para makita sa iyong slide.

3. Ngayon, i-click ang Link sa iyong PowerPoint Slide

Makikita mo ang link sa aking slide, at kung i-click ko ito, ito ay magbubukas ng link sa isang web browser.

Test that your new PowerPoint slide link works when clicked
Subukan ang iyong bagong PowerPoint slide link at tingnan kung ito ay gumagana kapag ikini-click.

4. Maglagay ng Link para pumunta sa partikular na PowerPoint Slide

Gamit ang parehas na ruta sa pag-insert ng Hyperlink, ngayon naman, pipiliin ko ang Place in This Document mula sa sidebar. Maaari ko ng i-click ang kahit ano sa mga links sa side para makapunta sa partikular na slide sa presentasyon na ito. At muli, maglalagay ako ng pamagat para sa link dito sa taas at pipindutin ko ang OK.

Insert PowerPoint link to a slide in your presentation
Maglagay ng PowerPoint link sa slide sa iyong presentasyon.

Ang Pagtatapos!

Matapos itong mailagay sa presentasyon, maaari ko ng i-click ang link na aking ginawa, at ito ay makakatulong sa akin upang makapunta sa ibang bahagi ng presentasyon.

Click the link to jump to the target PowerPoint slide
I-click ang link para pumunta sa ninanais na PowerPoint slide.

Ilan pa sa mga kahanga-hangang PowerPoint Slide Tutorials

Narito pa ang ilang mga PowerPoint slide tutorials na makakatulong sa pagpapalawak ng iyong kaalaman sa paggawa ng presentasyon:

Mayroon kaming iba’t-ibang PowerPoint tutorials dito sa [], tingan ang iba pang PowerPoint slide tutorial sa itaas o alamin ang iba pang mabilis na PowerPoint video tutorials.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.