Paano Udyukan ang Sarili na Magtrabaho ng Maigi (Anuman Ang Iyong Kalooban)
() translation by (you can also view the original English article)
Ang pagtatrabaho ay hindi palaging madali. Minsan
kailangan mong dikdikin ang mga bagay para lang maggawa ang mga kinakailangan
mong gawin. Kung ikaw ay nakikibaka para sa pagganyak, Nandito ako upang
tumulong. Ginagamit ko ang ilang sa mga pamamaraan na aking tatalakayin para
lang maisulat ang artikulong ito.
Lahat tayo ay nanggaling na doon. Ika’y nakaupo, nakatitig sa iyong blankong screen nasisindak sa ideya ng iyong trabaho. Mga bagong email na patuloy na pumapatak kada minuto. Ang iyong listahan ng mga dapat gawin ay pahaba ng pahaba. Ang iyong amo ay nagtataka kung nasaan ang file ni Michael at ang ginagawa mo lang ay… wala. Siguro ay nagbukas ka ng Word document, ngunit tinignan mo din ang Facebook. Muli. Pagkatapos ay bumalik ka sa Word at nag-type ng unang salita ng titulo at sinundan ng pagsuri sa Twitter sa ika-55 beses ngayon.
Bago mo mapansin ito, isang oras na ang lumipas. Kung
ikaw ay maswerte, natapos mo nang isulat ang titulo ng dokumento na dapat ay
trabahuhin mo. Maari din na ito ay naggawa mong mai-save sa isang folder. Sadyang
hindi mo lang talagang makuhang maudyukan.



Kung ang senaryo na ito ay naglalarawan sa iyo, ikaw ay
hindi nag-iisa. Ayon sa kamakailan lamang na Gallup poll halos 70% ng
trabahador sa U.S sa alinman ay hindi nakikibahagi sa kanilang trabaho o
aktibong nahihiwalay sa kanilang trabaho. Kung ikaw ay hindi maudyukan para magtrabaho, marami ka
pang kumpanya.
Ang pagiging hindi nauudyukan ay hindi nakakatuwa. Alam mong mayroon kang trabaho na dapat gawin, ngunit hindi mo mapagsikapang panggaganyak na kinakailangan para gawin ito. Habang walang madaliang solusyon, mayroon ilan mga paraan para udyukan ang sarili para magtrabaho. Hindi mahalaga kung ikaw ay isang disenyo na nakikibaka para magkaroon ng inspirasyon o isang trabahador sa opisina na nahaharap sa napakaraming tambak ng mga files, ang siyam na tips na ito ay para maudyukan ay makaktulong. Ating suriin.
1. Hamunin ang Sarili na Simulan Lamang
Ang pinakamahirap na parte upang udyukan ang sarili na magtrabaho sa totoo lang ay ang simula. Kung ikaw ay naghahanap ng humahabang listahan ng mga dapat gawin o napakadaming mga salita na kailangan mong isulat (humigit-kumulang 2000 para sa artikulong ito para sa akin), ang pagkakataon na ito ay maggagawa ay mistulang hindi maaari.
Ang siste ay, kapag nasimulan mo na, sa malamang ang mga bagay ay dadaloy. Ang pangungusap na ito ay sumunod nang maayos mula sa nahuli. Ang susunod ay susundan na mula sa isang ito, at sa iba pa at iba pa hanggang sa ako’y matapos. Ang pinakamahirap na pangungusap na isulat ay ang pinakauna.
Kapag nasimulan mo na, namumuo ang momentum. Maari mong balikan muli at makita ang iyong naggawa. Maari din naman na makapasok ka sa malikhaing daloy. Kung kaya’t, paano ka magsisimula? Paano mo uudyukan ang iyong sarili na magtrabaho?
Sa totoo lang, ang pinak-simpleng paglalang na aking na natagpuan ay ang hamunin ko ang aking sarili na magsimula. Nagtakda ako ng timer sa loob ng 30 segundos, at kapag ito ay bumalik na sa zero, Gagawin ko ang pinakauna na dapat kong gawin. Kapag nararamdaman ko pa na lubos pa rin akong hindi ganado at napakahirap pagkatapos isulat ang unang linya ng artikulo o sumasagot sa unang email, doon ay kailangan kong subukang ang iba pa, ngunit gayunpaman sa loob ng kalahating oras ay gumana ang tip na ito.
Ang unang nauna ay dapat na parehas. Kung natagpuan mo ang iyong sarili na walang layunin na nakatitig sa screen at sinusubukang paganahin ang pagganyak na magsimula, magtakda lamang ng orasan at kung ito ay nag zero na simulan na ang unang hakbang. Kung sabagay, iyan ay ang kung paano nagsisimula ang paglalakbay o kada dokumento na masimulan isulat.
2. Una, Gawin itong Hindi Mainam
Ang perfectionism ay isa sa mga pinakamalaking sanhi ng kawalang gana. Ito ay talagang hindi nakabubuti sa mga manunulat. Ikaw ay mistulang gustong magtrabaho, ngunit dahil ang pakiramdam mo na ang iyong maggagawa ay lubos na walang kwenta, hindi mo mapipilit ang sarili mong gawin ito.
Ang paglansi dito ay ang magpasya na ang trabaho na iyong ginagawa ay ay hindi pa pangwakas: ito ay ang unang pagkalap. Hindi na mahalaga kung ito ay hindi maayos, maari mo itong ayusin kapag ikaw ay mag-eedit na. Ang kailangan mo lang sa ngayon ay ang pundasyon — kahit na gaano kahila—hilakbot-na pagmulang gawan.
Bagama’t ang paglansi na ito ay sobrang sikat sa mga manunulat, ito ay gumagana naman sa kahit anuman. Anuman gawain ang iyong inaantala, basta mag-desisyon ka na gagawa ka nghindi maayos na unang pasa o lilikha ka ng sinubok lamang na banghay. Kapag ikaw ay meron nang anuman-alinman-na naggawa, maari mo nang simulan doon.
3. Alisin ang mga Gumagambala
Ang trabaho kadalasan ay nangyayari kapag ika’y wala nang natitira pang mas mabuting gawin, kung kaya’t isang paraan para ang trabaho ay maganap, ay ang tanggalin ang bawat alternatibong paraan ng aksyon. Kung palagian mong susuriin Facebook o Twitter o Reddit kung saan ay dapat na ikaw ay nagtatrabaho, alisin ang mga ito. Mas madali kung haharangan mo ang ito ng permanente sa isang saglit na pwersa kaysa sa patuloy na labanan ang tukso na tignan ang iyong paboritong subreddits bawat segundo ng bawat araw-araw. Ito’s kaparehas ng mga bagay gaya ng email. Kung hindi naman lubos na kritikal para sa isang ginagawang gawain, patayin ito.
Anuman ang iyong mga go-to na mga gumagambala, alisin na ang mga ito. Kung ikaw ay nahihikayat na makipag-chat sa iyong mga kasamahan, kung gayon ikaw ay makipag-usap sa iyong amo tungkol sa pagsimula ng trabaho ng mas maaga o mamalagi kinamamayaan. Sa ganun paraan ay makakakuha ka ng mga ilang oras na walang istorbo upang makapag-pokus sa trabaho. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa bahay at patuloy na nanunuod ng isa pang yugto sa Netflix, kung ganoon ikaw ay pumunta sa isang co-working space o kapihan. Kung wala ang mga tukso sa iyong paligid, ikaw ay hindi matutukso.
Ikaw ang nakakakilala ng mabuti sa iyong sarili, kung kaya’t anuman ang mga go-to na gumagambala, pagsikapan at bawasan sa isang saglit na pwersa. Para sa akin, ginamit ko ang Mac app Focus upang halangan ang mga nakakagambalang websites at apps kung ako ay dapat na nagtatrabaho. Iniayos ko na ito upang may lakas ako na isang pindutan lang ang lahat ng aking paboritong mga gambala para mahalangan sa loob ng isang oras. Dahil sa walang makakagambala sa akin, ano pang opsyon ang meron ako kungdi ang tapusin ang trabaho?
4. Siguruhin na ang Iyong Layunin ay Makatotohanan
Kadalasan kapag ang tao ay nakikipaglaban para maudyukan, pinalalaki nila ang problemang kung tutuusin ay gasino lamang. Ang kanilang listahan ng mga gawain ay hindi naman ganun kasama, ayaw lang nilang simulan. Ako ay may pagkakasala din gaya ng lahat. Ngunit meron mga tao na humaharap ng gabundok. Kung ikaw ay isa sa kanila, kailangan mong umatras at ikunsidera ang anumang natangnan mo na. Kung mayroon kang napakaraming trabaho hindi malabong wala kang ganang magtrabaho.
Simulan sa pamamagitan ng pagtatakda ng ilan makatotohanang layunin kung ano ang iyong makakamit. Walang saysay na subukan mong sumagot sa 700 mga email sa isang araw. Ikaw ay mapaparalisa sa pamamagitan ng pag-isip ng kung ano ang iyong nasa harapan. Sa halip, magsagawa ng kaunti araw-araw kahit gaano katagal hanggang sa malagpasan mo lahat. Katulad nito, huwag subukan na pagsamahin ang isang buong talumpati sa pagpupulong sa loob ng isang araw. Hati-hatiin ang talumpati sa maaring mapamahalaang tipak at ayusin sila paisa-isa.
5. Gumawa ng iba para Makapagkargang Muli
Ang pinakamasamang bagay tungkol sa pagpapaliban ay kung gaano ito nakakasaid. Mas nararamdaman ko ang pagod pagkalipas ng isang oras ng pag-scroll sa Twitter sinusubukang humanap ng dahilan upang hindi makapagtrabaho kaysa pagkatapos ng isang oras na dapat ay nagtatrabaho na. Kung ikaw ay nakaupo sa iyong mesa at dahan-dahang nawawalan ng kagustuhan na mamuhay sa loob ng isang oras, kung gayon ikaw ay lumayo at gumawa ng ibang bagay upang manumbalik ang sigla.
Aking natagpuan na ang gumagana sa akin ay ang gumawa ng isang tasa ng kape, lumabas saglit para sa madaliang paglalakad, o makinig sa isa sa aking paboritong pump-up na mga kanta. Mas nakabubuti sa aking pakiramdam kung pagsamahin ko ang tatlo!
Kung ang pagganyak na magtrabaho ng matindi ay hindi sumasapit sa iyo, gawing parehas. Basta kumuha lamang ng ilan segundo na totoong pahinga-kahit na umidlip ka kung maari-at pagkatapos ay balikan ito ng mas malakas. Sadyang kahanga-hanga kung gaano ang pag-layo ng saglit ay nakakapagpasigla.
6. Tandaan Kung Bakit Mo ito Ginagawa
Hindi mahalaga kung gaano ka kawalay sa iyong trabaho, mayroon palaging dahilan kung bakit kailangan gawin ang trabaho na nasa harapan mo. Kahit na ang mga pagsubok at pagtitiis sa kumpanya na pinagtatrabahuhan mo ay hindi labis ang malasakit sa iyo, mayroon kahit papaanong dahilan kung bakit ka nakaupo kung nasaan ka. Maari na para lang may ipakain ka sa iyong pamilya o magtabi para iyong pangarap na paglakbay, ngunit ikaw ay hindi nandiyan kung walang rason.
Tandaan: Kung ikaw ay talagang hindi masaya sa iyong trabaho at patuloy na nawawalan ng gana, samakatwid ay kailangan mo nang simulan na mag-plano para sa iyong karera at tignan kung paano ka makakaalis diyan.
Ang kamuhian ang iyong trabaho at gawin lamang ito ng dahil sa pera ay ang pinakamalalang kalagayan. Mas malamang na ginagawa mo lang ang iyong trabaho dahil nakikita mo ito bilang isang nakakawiling hamon, ikaw ay nababayaran ng mabuti, ang mga tao ay umaasa sa iyo, o ikaw ay lubos na sinanay. Kung ikaw ay nakikibaka para matapos ang trabaho, magtamo ng kaunting sandali at alalahanin kung bakit mo pinili ang karera na iyan. Kung ika’y isang taga-disenyo na ang trabaho ay nabaling at naging isang pisikal na produkto, kumuha ng isa sa lalagyan at ramdamin ito. Kahanga-hanga na ang trabaho na iyong ginagawa sa iyong computer ay naging ganun. Kung ikaw ay isang negosyante o taga-tinda, isipin muli kung ano ang naggawa ng iyong pinakamalaking tagumpay sa iyong damdamin. Masarap sa pakiramdam, sa tingin ko. Iyan ay makakatulong sa iyo na mahanap ang pagganyak upang magtrabaho ng maigi.
Lahat ay mayroon araw na matamlay, kung kaya’t huwag bagutin ang sarili kung hindi mo maudyukan ang sarili na magtrabaho. Paalalahanan lamang ang sarili kung bakit ka anduon, at suriin kung ito’y makapagbibigay sa iyo ng sikad na kailangan mo.
7. Kumuha ng Accountabilibuddy
Ang pag-udyok sa sarili ay isang palagiang hamon. Mas madali kung mayroon kang ibang tao na mananagot para sa iyo. Isang simpleng paraan upang makakuha ng karagdagan pagganyak na hindi umaasa sa amo mong sumisigaw sa iyo ay ang kumuha ka ng accountabilibuddy.
Kumausap ng isang kaibigan na nakikibaka ng kaunti sa pagganyak at umayon na manindigan na panagutan ang bawat isa. Sa pagtatapos ng bawat araw (o sa pananghalian o anuman ang iyong piliin), mag-tsek in at ikwento sa bawat isa kung ano ang iyong natapos. Ang isipin na kakailanganin na sabihin sa iyong kaibigan na ginugol mo ang buong araw sa Facebook ay siguradong makapag-uudyok sa iyo na may kahit ano kang natapos.
Kung nais mong magtamo ng mas higit pa, maari mong bigyan ng permiso ang kaibigan mo na magbigay ng gantimpala at parusa ayon sa iyong naggawa. Mayroon mga serbisyo gaya ng stickK na naggagawang simple lamang.
8. Gawin ang Hindi Pinag-isipang Trabaho na Iyong Pinagpapaliban
Hindi mo kailangan maging sobrang liksi para magkaroon ng produktibong araw. Kahit na ang mas malikhaing mga trabaho ay mayroon malalaking katumbas na walang kahulugang mga trabaho sa admin na kailangan gawin. Ang mga sumusunod na trabaho lahat ay may mababang enerhiya, ngunit mahalaga rin na kinakailangan tapusin:
- Pagsama-samahin lahat ang mga dokumento para sa iyong tagatuos (Ito’y aking ipinagpapaliban ng ilang linggo na)
- I-update ang iyong impormasyon sa buwis ng iyong mga kliente (parehas)
- sagutin ang mga emails na naipon na sa mga nakalipas na ilang linggo
Ang oras na dapat gawin ang mga trabaho na ito ay kapag hindi mo gustong gumawa ng mga anuman bagay na mas malaki.
Ang kagandahan sa mga hindi pinag-iisipang trabaho ay halos mapunta ka na sa napaka-payapang estado. Sa patuloy na pagsiyasat ng iyong mga lumang account para ibandila ang negosyo at ang personal na mga gastusin ay nakaka-ubos oras, pero may kakaibang nakakarelaks. Maari kang maglagay ng mga tugtugin at magdiretso ng gawain. Kung ito naman ay hindi na kailangan gamitan ng utak talaga, maari kang rin makinig ng podcasts o audiobook.
Sa pagtatapos ng araw, mararamdaman mo pa rin na mayroon kang natapos na kahit ano—dahil may tinapos kang bagay. Hindi man ito ang iyong pangunahing trabaho, ngunit ang makatapos ka ng kahit ano ay mas mabuti pa rin kaysa sa wala. At ito ay isang hakbang tungo para magtrabaho.
9. Bigyan mo ang Iyong Sarili ng Permiso na Gumawa ng Ibang Bagay
Kung ang lahat ay nabigo mayroon lamang isang bagay na maaring gawin: lumayo ka at gumawa ng kahit ano na mas produktibo o anuman bagay na gusto mo talagang gawin.
Ang oras na iginugol sa pagpapaliban ng walang kabuluhang pag-browse sa Facebook upang iwasan ang trabaho ay lubusang nasayang. Ayaw mo mag-Facebook, ngunit hindi ka lang talaga ganadong magtrabaho. Kung ikaw ay walang nararating, kung gayon ay bigyan mo ang iyong sarili ng permiso na sumuko na at humayo at gumawa ng ibang bagay na makabuluhan.
Ngayon, ang susi dito ay dapat na ang alternatibo ay may kabuluhan. Kung hindi, makakaramdam ka lamang ng hindi mabuti dahil sa pag-laktaw sa trabaho. Gayunpaman, Kung lilinisin mo ang iyong bahay mula sa itaas hanggang ibaba, magbabasa ng magandang libro, o pupunta sa gym, ginagamit mo ng mabuti ang iyong oras. Ito’y talagang positibong pagpapaliban.
Kahit na ang opsyon na ito ay dapat maging parte ng iyong playbook para sa pakitungo mo sa mga araw na lubusan kang walang gana, ito’y lubos na hindi dapat maging una mong gawa. Kung kukunin mo ang pinakamadaling lusot at basta magsimula ng paglilinis sa bawat oras na hinihila unti-unti ng trabaho, kung gayon ay wala kang anuman matatapos. Ang opsyon na ito ay para sa isa o dalawang araw kada buwan kung saan ay gusto mo talagang nasa kung saan ka lang.
Mga huling Ideya kung Paano Udyukan ang Sarili na Magtrabaho
Bawa’t isa ay may mga araw na kung saan ay nagsusumikap para
gawin ang trabaho. Kung ikaw ay hindi ganadong magtrabaho, hindi ka nag-iisa.
Natutunan mo ang siyam na tips kung paano udyukan ang sarili, bagama’t. Kung kaya, ngayon na mayroon ka nang kasangkapan para
tulungan ang sarili mo para ganahan oras na para bumalik sa trabaho (o kahit
papaano’y magsimula na)!
