Paano Mag-print nang may Gridlines sa Excel sa loob ng 60 Segundo
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Paano Mag-print nang may Gridlines sa Excel sa loob ng 60 Segundo
Ang Excel spreadsheets ay kumbinasyon ng
mga rows at columns, at kung saan silaý nagtatagpo ay tinatawag na cells. Ito
ay lumilikha ng malaking grid sa Excel. Kapag ikaw ay nag-print ng spreadsheet
hindi mo makikita ang grid kapag naka default, pero ipapakita ko sa iyo kung
paano baguhin ang settings sa madaling video tutorial na ito.
Paano Mag-print nang may Gridlines sa Excel (Mabilis)

Tandaan: Panuorin ang maigsing tutorial na screencast o sundin ang mga madaling hakbang na magcompliment sa video na ito:
1. E-highlight ang gusto mong i-print sa Excel
Sa Excel, ang unang bagay na lagi kong ginagawa bago ko i-print ay i-highlight kung ano ang gusto kong isama sa mga pahina na nais kong i-print. Kailangan ko lang i-click at drag ang aking mouse cursor sa aking pinili.



2. Simulan ang pag-aply ng iyong ginustong Excel Print Settings
Ngayon, pupunta ako sa File > Print Menu. Mula sa mga Settings dropdown, magpapatuloy ako at i-switch ang dropdown sa Print Selection, nang sa gayon ang naka-highlighted area lamang ang ma-print. Maari din akong gumawa ng ibang pagsasaayos rito gaya nang paglipat nito sa Landscape orientation.



3. Aplayan ng Gridlines ang iyong Excel Print Settings
Ngayon magpapatuloy ako at mag-click sa Page Setup option. Tayoý mag-click sa Sheet tab na may nilalaman na marami pang settings. Akoý mag tick sa Gridlines box at pindutin ang OK.



4. Ngayon ang Excel ay mag-print nang may Gridlines
Ngayon makikita mong ang Gridlines ay nakita rito sa Print Preview sa kanang gilid. At sila ay maisasama kapag ikaw ay nagpadala nito sa printer o sa PDF file bilang halimbwa.



Pagtatapos!
Printing gridlines madalas ay nagagawang ang print outs ay mas madaling basahin at sundin tuwing sinusuri ang iyong Excel data. At sa kabutihang-palad, Itoý isang madaling setting na buksan.
Madami pang mahusay na Excel Tutorilas sa Envato Tuts+
Makahahanap ng komprehensibong Excel tutorials sa Envato Tuts+ upang matulungan kang matuto kung paano magagawa ang iyong data na mas mabuti sa iyong spreadsheets. Mayroon din kaming quick-start sa loob ng 60 segundos Excel video series upang matuto ng higit pang Excel tools nang mas mabilis. Narito ang ilang Excel tutorials to jump into to now:
- Microsoft ExcelQuick Start: Paano gumawa ng Basic Formula sa ExcelAndrew Childress
- Microsoft ExcelPaano magsimula gamit ang COUNTIF, SUMIF, and AVERAGEIF sa ExcelAndrew Childress
- Microsoft ExcelPaano Magsingit, Magtanggal at Magtago ang Bagong Sheets sa Excel sa Loob ng 60 SegundosAndrew Childress
Tandaan: Bawat Microsoft Excel tool na iyong matututunan, at workflow na iyong
ma-master, mas higit pang mabisang
spreadsheets ang iyong malilikha.