() translation by (you can also view the original English article)
Para sa maliit na negosyo, ang salapi ay
hari. Hindi mahalaga kung gaano karami ang
kliente na mayroon ka o kung gaano karami ang perang ipinangako sa iyo: Kung
hindi mo ito matatanggap bago dumating ang nakatakda mong mga bayarin, ikaw ay
malalagay sa gulo.
Ang nahuhuling pagbabayad ay karaniwan nang problema sa maliliit na mga negosyo. Ayon sa pagsisiyasat noong 2012 ng National Federation of Independent Business, 64% ng mga maliliit na negosyo ay mayroon mga singilin na hindi na nabayaran sa loob ng 60 araw.
Sa nakaraang pagtuturo, sinakip ko ang ibang tips para mabayaran sa tamang oras. Sa pagtuturo ngayon, ating titignan ng mas detalyado ang paksa ng mga tuntunin sa pagbabayad. Ano ang mga iba’t-ibang opsiyon, at ano ang ipinapakita ng mga datos tungkol sa kung anong tuntunin ang makakatulong sa iyo upang mabayaran ka ng mabilis?
Ating papasadahan lahat yan, upang sa bandang huli ay malalaman mo ang iyong EOM mula sa iyong 2/10 Net 30, at ang pinakamahalaga ay mai-posisyon ka para ang daloy ng pera sa iyo ay mabilis at mapagkakatiwalaan.
At kung kinakailangan mo ng tulong para sa mga pangunahing kaalaman kung paano pagsamahin ang mga paktura, tignan ang kamakailan lamang na aking itinuro na Ano ang isang Propesyonal na Paktura, o suriin ang ibang mga template ng paktura sa Envato Market.



1. Ano ang mga Tuntunin ng Pagbabayad sa mga Paktura?
Kung magpapadala ka ng mga paktura, sinasabi mo sa iyong mga kliente kung gaano kalaki ang pera na inaasahan mong ibabalik sa iyo mula sa mga trabahong ginawa mo. Sa tuntunin ng mga bayarin ay tinutukoy ditto kung kailan ang pera ay dapat nang bayaran at kung paano ito dapat bayaran.
Kung kaya’t ang pinakamahalagang aspeto sa tuntunin ng bayarin ay ang sakop ng oras kung saan ay inaasahan mong mabayaran ka. Ngunit bilang parte ng tuntunin ng mga bayarin, maari mo rin banggitin kung ano ang mangyayari kung ang tao ay hindi magbayad: marahil ay multa o interes na ipapataw matapos ang tinakdang petsa. O, kung gusto mong mas maging positibo, maari kang maghandog ng diskwento sa kanino man na magbabayad ng maaga. Maari mo ring tukuyin ang mga paraan ng pagbabayad.
Ating titignan kung paano gagana ang mga opsiyon sa susunod na seksiyon, pati na rin ang pagsiyasat kung alin gagana nang mas mahusay. Ngunit sa ngayon, ating linawin ang ilan sa mga tuntunin ng pagbabayad na maaari mong makita:
Net 30
Ito ay karaniwan na tuntunin, ibig sabihin nito na ang kliente ay dapat na magbayad sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng paktura. Maari mong ibahin ang numero hangga’t gusto mo gaya nang: Net 7, halimbawa, ibig sabihin nito ay nakatakda itong bayaran pitong araw pagkatapos ng paktura, at Net 15…buweno, nakuha mo ang ideya.
2/10 Net 30
Ito ay isang paraan upang mag-handog ng diskwento. Ang “Net 30” na parte ay gaya ng nasa itaas: ang pagbabayad ay nakatakda sa loob ng 30 araw. Ngunit ang “2/10” na parte ang ibig sabihin nito’y kung magbayad sila sa loob ng 10 araw, sila ay makakakuha ng gantimpala na 2% na diskwento.
EOM
Ito ay maigsi para sa “katapusan ng Buwan”. Ito ay maaring magandang gamitin kung nais mong masiguro na ang lahat ng iyong paktura ay mabayaran sa kaparehong buwan na nakumpleto mo ang trabaho, ngunit ito ay mayroon mga disbentahe. Kung maglalabas ka ng paktura agad sa katapusan ng buwan, halimbawa, binibigyan mo ang kliente ng napakaigsing panahon para makabayad, samantalang kung sa umpisa, ikaw ay nakapag-bibigay ng mahabang oras. Mas makabubuti kung gagamitin ang tuntunin na ito kung ikaw ay nagpapadala ng mga paktura sa parehas na araw ng buwan.
15 MFI
Ibig sabihin nito’y sa ika-15 ng buwan sumusunod sa petsa ng paktura.
Sa sandaling Maresibuhan
Ibig sabihin nito’y ikaw ay umaasang mabayaran agad. Tila ba dapat ito’y mag resulta sa kaagarang bayad, hindi ba? Sa realidad ito’y may maliit na diperensya, gaya ng makikita natin sa susunod na seksiyon.
Maari mong tignan itong kabuuang listahan ng mga termino ng paktura, ngunit sa totoo lan ay hindi mo kailangan mag-alala ng sobra sa lahat ng mga terminilohiya: hindi mo kinakailangan na gamitin sa iyong mga paktura. Sa halip na “Net 30”, halimbawa, maari mong isulat, “Pakiusap bayaran sa loob ng 30 araw.” Ngunit mas makabubuti kung alam ang ibang mga termino, kung sakaling gamitin ito ng iyong mga kliente at mga tagapagtustos.
Tandaan din, na ang mga ito ay ilan lamang sa mga terminong karaniwang ginagamit. Maari mong ibahin ang mga bagay gaya nang takdang oras para ng pagbabayad at kahit anong insentibo o multa hangga’t gusto mo.
Ang pinakamahalagang bagay, gayunpaman, ay ang maintindihan kung anong tuntunin ang pinakamahusay na gagana. Titignan natin ito sa susunod na bahagi.
2. Ang Pinakamahusay na Tuntunin ng Pagbabayad ng Paktura upang Maiwasan ang Hindi mabayaran na mga Paktura
At ngayon na alam mo na ang ilan mga opsiyon na mayroon ka at kung ano ang ibig sabihin, oras na para magdesisyon kung alin ang gagamitin para sa iyong negosyo.
Ang mga tuntunin na ginamit, at mga inaasahan sa kanilang paligid, ay maaring mag-iba-iba ayon sa industriya at ang klase ng trabaho na ginagawa mo. Mga taga-disenyo sa web o mga developer, halimbawa, ay maaring tukuyin na ang site o app na kanilang ginagawaan ay hindi makapagsisimula hangga’t hindi nila natatanggap ang kabuuang bayad. Ngunit para sa ibang klase ng negosyo, ang pamantayan ng industriya ay maaring mag-alok na maghintay nang hanggang 30 araw o mas mahaba pa.
Sa ano mang paraan pag-aralan mo ang pamantayan ng iyong industriya at magtanong-tanong upang makita ang lagay ng ibang mga negosyo. Ngunit huwag makadama na limitado ka lan dyan. Kung nais mong gumamit ng ibang tuntunin, at ito’y kaya mong ipagtanggol sa iyong kliente kung bakit ang mga tuntunin na iyon ay patas lamang, kung gayon ay sumige ka.
Halimbawa, “Net 30” ang naging pamantayan sa karamihan ng mga industriya kung saan ito ay hindi angkop. Para sa isang makalumang kumpanya ng pagmamanupaktura, ang Net 30 ay makatuwiran na. Sabihin natin na ang isang kumpanya ay nagpalabas ng malaking pangkat ng widgets sa isang parokyano, at pagkatapos ay nagpadala ng paktura. Kailangan nilang magpata ng oras para sa mga parokyano na matanggap ang paktura, upang suriin ang malaking pangkat ng widgets at siguruhin na ang lahat ay nasa ayos, para maipadala ang paktura sa kanilang kagawaran ng accounts at maghanda ng pirmadong tseke at ihulog pabalik. Nangangailangan ng oras ang mga bagay na ito.
Ngunit kontra ito sa mga disenyong kumpanya na nakapaghahatid ng parehong kumpletong disenyo at paktura sa pamamagitan ng email, may alok na pamamaraan ng pagbayad sa pamamagitan ng online gaya ng Paypal. Ang kliente ay makakatanggap ng magkasabay na produkto at paktura kaagad, at pagkatapos suriin na ang lahat ay maayos, wala naman talagang rason para hindi sila kaagad makapagbayad. Pagbibigay sa kanila ng isang buwan upang makabayad ay karaniwan na pagbibigay sa kanila na utang na walang interes.
Kung kaya’t sa kasong ito, maari kang mangumbinse na ang pitong araw ay sapat nang oras.
Alin Tuntunin ng Pagbabayad ang Gagamitin: Ano ang Sinasabi ng Datos
Ang ibang mga kumpanya na nagkakaloob ng apps ng paktura ay gumamit ng pangkat ng mga datos na kanilang pinoproseso upang mabatid kung alin tuntunin ng pagbabayad ang pinaka-epektibo at mabayaran ang mga ito sa tamang oras.
Tandaan na karamihan sa kanila ay mula sa iba’t-ibang saklaw ng industriya, kung kaya’t hindi lahat ay maaring angkop para sa iyong negosyo. Ngunit sila ay may mga nakakawiling pananaw tungkol sa kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi.
Kung Nais Mong Mabayaran sa loob ng isang buwan, Hilingin na Mabayaran ka sa loob ng 13 araw
Isang pag-aaral ng higit sa 12 milyon mga paktura ng negosyo na inihayag ng Xero na sa karaniwan, ang mga kliente ay dalawang linggong huli sa pagbabayad, anuman ang napili nilang tuntunin ng pagbabayad.
Kaya’t ipinahihiwatig na kahit anong tuntunin ng pagbabayad ang iyong piliin, dapat ay magdagdag ka ng isa pang dalawang linggo para matantiya ang aktwal na petsa ng resibo. Ipinapakita ng datos ng Xero na kung gusto mong mabayaran sa loob ng 30 araw, dapat mong tukuyin na ang tuntunin sa pagbabayad ay 13 araw o mas maikli.
Ang Paggamit ng mga Salita ay may halaga
Isang hiwalay na pag-aaral mula sa Freshbooks ang napag-alaman nila na isang simpleng pagbabago sa salitang ginamit sa paktura ay maaring mag-resulta sa mabilisang kabayaran. Halimbawa:
Isang simpleng “Kung maari sana ay bayaran ang inyong paktura sa loob ng” o “Salamat sa inyong pangangalakal” maari itong makadagdag ng porsyento ng paktura na bayad na ng higit pa sa 5 porsiyento!
At saka, ang ilan sa mga terminilohiya na ating tinalakay sa huling seksiyon ay hindi kasing epektibo ng gaya sa simpleng salita. Pagsulat ng “30 araw” imbes na “Net 30”, halimbawa, ito’y nagreresulta ng mas mabilis na pagbabayad ng mga paktura. Kung nais mong umaksyon ang mga tao, paghiling sa kanila sa malinaw na paraan madalas ay isang magandang ideya.
Huwag Humingi ng Kabayaran sa oras na matanggap
Ang pag-aaral ng Xero at FreshBooks ay may kasunduan: paghiling sa kaagarang bayad ay hindi gumagana.
Sa pag-aaral ng Xero, ang mga paktura na humihiling ng kaagarang bayad ay nababayaran pagkatapos ng halos 20 araw sa pangkaraniwan. At sa pag-aaral ng Freshbooks, ito ay hihigit pa sa 30 araw. Napagtibay ng FreshBooks:
Karamihan sa mga tao tila’y nabibigyang kahulugan na ang “sa oras ng matanggap” bilang “kung kailan mo magustuhan”. Ito ay para bang nakatanggap ng paktura na may mga salitang “bayaran sa oras na matanggap” at agad-agad ay itambak ito sa “kailanman” na mga tumpok.
Kung kaya’t kahit na humiling ng agarang bayad ay mistulang magandang ideya, mas mabuti pang tukuyin ng partikular ang bilang ng mga araw, para matuon ang isipan ng iyong kliente sa permanenteng huling araw.
Huwag Sumingil ng Interes
Narito pa ang isang surpresang konklusiyon mula sa pag-aaral ng FreshBooks: Pagsingil ng interes sa naantalang pagbabayad ay magreresulta sa mas huling pagbabayad. Tila ba ang pagbanta ng interes ay hindi tumalab bilang pagpigil, at maaaring makapag-udyuk sa mga tao na ikumpara ang medyo mababang multa ng bayad sa interes kaysa mataas na bayad gaya nang sa credit cards, at matantiya nila na mas nakakakuha sila nang magandang pagkakabili sa pamamagitan ng pagbimbin.
Alok na Pagbayad sa Online
Ang huling ito ay hindi dapat nakaka-sorpresa: Pag-alok ng paraan ng pagbayad sa online ay nag-reresulta sa mas mabilis na pagbabayad. Ito ay mula sa Harvest:
Ayon sa aming datos, ang mga paktura ng Harvest ay may mga opsiyon na makabayad sa PayPal na natatanggap ang kabayaran halos 16 na araw mas mabilis (dobleng bilis) kaysa paktura na walang opsiyon makabayad sa online.
Ito ay partikular na epektibo kung gagamit ka ng paktura na may app, kung saan ang mga bayad ay isinama para ang kliente ay makapag-bayad sa ilang pag-klik lamang. Ngunit kahit na ika’y nagpapadala ng papel na paktura o pag-email ng PDF, nagagawa nitong mas madali at mabilis para sa iyong kliente ang makapagbayad at hindi na kailangan pag-isipan pa.
3. Iba pang mga tip para Maiwasan ang Lampas na sa taning na mga Paktura
Sa pagtuturong ito nabanggit ko ang tungkol sa tuntunin sa pagbayad ng paktura, subalit hindi dapat matutunan ng kliente ang tungkol sa iyong mga tuntunin sa pamamagitan ng paktura. Dapat mong itakda ang iyong tuntunin ng bayarin sa simula pa lamang ng ugnayan, para walang pagtataka sa kalaunan.
Kapag ika’y nag-aayos ng kontrata para sa bagong kliente, siguruhin na isama ang iyong mga tuntunin sa pagbabayad. Baka nais mong mag-set up ng milestones para sa proyekto, o diretsahan sumingil ng porsiyente ng bayad, bago magsimula ng trabaho.
Anumang istraktura ang iyong piliin, siguruhin na makuha ang kasunduan sa kliente sa simula pa lamang, at pagkatapos ay maari nang asikasuhin ang mga paktura para sa bawat bayad kalaunan, at ang mga tuntunin ay magiging paalala lamang, at hindi isang bagong punto na tatalakayin pa o pagtatalunan.
Kung natapos mo na ang trabaho, mahalaga na ipadala ang paktura ng maagap. Napag-alaman sa isang pag-aaral mula sa FreeAgent na:
Sa di inaasahan, ang mabilis na pagpapadala ng paktura ay lumabas na sumusuway sa tuntunin ng pagbayad na iyong hiniling – ang mga paktura na napadala na ng hanggang 15 araw pagkatapos matapos ang trabaho ay nabayaran ng mas mabilis, Kahit na ang tuntunin ng pagbabayad ay mahaba.
Sa karaniwan, ang mga paktura na naipadala na sa loob ng isang lingo ay nababayaran na sa loob ng limang araw, ngunit ang pagkaantala ng isang linggo ay nadodoble ang oras ng paghihintay: ang mga paktura na naipadala pagkatapos ng dalawang linggo ay nababayaran pagkatapos ng 10 araw.
Ito ay marahil dahil sa kumbinasyon ng 2 sanhi: Mabuti na tawagan ang iyong kliente hanggat’t ang resulta ng iyong mahusay na trabaho ay sariwa pa sa kanilang isipan, at saka sa pagbibigay agad ng paktura, ipinapakita mo na serioso ka sa kabayaran, at dapat ay sila din. Kung inaantala mo, sa kabilang banda, malamang ay sila din. Kung kaya’t ipadala na agad ang mga paktura!
Para sa iba pang mga tip, kabilang dito kung ano ang dapat gawin kung hindi magbayad ang kliente sa tamang oras, tignan ang aking kamakailan lamang na gabay sa paktura para sa mga baguhan:
Konklusyon
Sa pagtuturong ito, natutunan mo ang tungkol sa pinakamahusay na tuntunin ng pagbayad na gagamitin para makaiwas sa atrasadong mga paktura.
Tayo’y nagsimula na tignan kung ano ang mga termino para sa pagbabayad ng paktura, kabilang ang mga kahulugan ng ilan mga karaniwang terminolohiya.
Pagkatapos ay tinignan din natin ang pinakamahusay na tuntunin sa pagbabayad na gagamitin. Nakita natin na mabuting magsaliksik sa mga pamantayan ng industriya, ngunit hindi ka nila dapat limitahan kung makakagawa ka ng magandang usapin para sa ibang bagay. Tinignan natin ang mga resulta ng ilang mga pag-aaral, upang makita kung anong tuntunin ang nakatupad ng mas mahusay.
Sa wakas, nasakop natin ang ilan mga tips para mabayaran ang mga paktura sa oras, gaya ng pagtatag ng mga tuntunin sa pagbabayad na nasa kontrata, at pagpapadala sa mga paktura ng maagap.
Ngayon ay alam mo na kung ano ang mga tuntunin sa pagbabayad ng paktura, at kung alin ang gumagana ng pinakamahusay. Ang kahuli-hulihang desisyon ay nasa sa iyo at sa iyong pangangailangan ng indibiduwal na negosyo— walang solusyon gaya ng isang sukat para sa lahat. Ngunit dahil sa datos ng pagsusuri at iba pang mga impormasyon na kasama dito, ikaw ay nasa mabuting posisyon upang gumawa ng desisyon para sa iyong sarili.
Graphic Credit
Agreement icon na dinisenyo ng Aha-Soft galing sa Noun Project.
