Advertisement
  1. Business
  2. Marketing
  3. Sales

10 Pinakamahuhusay na Bootstrap Landing Page Templates – Na May mga Responsive na Disenyo

Scroll to top
Read Time: 14 min

() translation by (you can also view the original English article)

May bagong ka bang marketing campaign? O ang produkto mo ba’y malapit nang mailunsad? Kailangan mo ba ng isang landing page handa na ilathala ang kaagad? Yung madali lang i-convert?

Yun lang, matrabaho ang magdisenyo ng isang epektibong landing page mula sa wala. Kakailanganin mong buksan ang Photoshop o Sketch upang gawin ang iyong layout, pagsama-samahin ang iyong mga designe elements (kunin ang lahat ng iyong kulay, mga font, mga icons at mga grapiko), pagkatapos ay tumungo sa iyong paboritong editor at i-code ito sa napapanahong responsive na mga standards. I-test at i-test pa ng maraming beses, upang makasigurado na gumagana ito ng maayos sa mga modernong browsers, at oo pati na rin sa mga modernong devices. At sa huli, punasan ang pawis sa noo mo, whew!

Mayroon pang isang pagpipilian. Maaari kang makatipid ng maraming oras, at makakuha pa rin ng high quality na mga resulta, na mayroong landing page template. Ito ay custom desgined na, nai-code, nasubukan na, at pwedeng pwede nang magamit!

Bootstrap Compatible, Responsive na mga Disenyo

Mayroong malaking bilang ng responsive na Landing Page Template na tinampok dito mula sa GraphicRiver – na maaaring mabili at mai-download.

Ito ay ginawa para sa kahit na anong gmait pangnegosyo na kailangan mo. Maging ang gusto mo mang gawin ay magbuhos ng mga signups gamit ang iyong mga email newsletter, magpush ng click-throughs, mag-generate ng mga leads, magpromote ng event, o i-convert ang sales ng iyong bagong produkto, ang mga landing page templates na ito ay mayroon ng lahat ng features na kailangan mo.

Bootstrap Landing Page Templates on GraphicRiverBootstrap Landing Page Templates on GraphicRiverBootstrap Landing Page Templates on GraphicRiver
Pinakamahuhusay na Landing Page Templates, na mabibili sa at i-download sa ThemeForest.

Binuo ang gamit ang mga subok nang coding standards, ang mga templates na ito ay maraming gamit at high-performance na landing page solutions para sa mga negosyante, mga marketers o mga web professionals. Meron silang ilang mga kalidad na tampok na maaasahan mo, gaya ang:

  • Bootstrap 3 Compatible
  • Fully Responsive
  • Multiple Page Styles
  • Valid HTML5/CSS3 Markup
  • Malinis at Well Commented na Code
  • Pagiintegrate sa Email Software

Ang bawat isa sa mga landing page templates an ito ay mayroon din kanya-kanyang naiibang tampok. May mga kasama rin itong malikhain at customizable na mga pamimilian, gaya ng: mga page builders, gallery ng mga larawan, mga video background, malikhaing mga layouts, mga talaan ng presyo, gumaganang mga contact forms, mail chimp integration, mga kasamang icons, at web font support. Sa ganitong paraan, makukuha mo lahat ng kailangan mo sa isang landing page package na madali mong mai-cucustomize.

Maaari mo itong mabilis na mai-set up, idagdag ang iyong mga naiibang graphics, hubugin ang iyong marketing message, at ilunsad agad agad ang iyong landing page, upang masimulan mo nang maitulak ang mga usapan!

Mga Bootstrap na Landing Page Templates

Narito ang sampu sa pinakamahusay na Bootstrap compatible na landing page templates na may responsive na mga disenyo:

1. Urip -Propesyonal na Bootstrap Landing Page

Ang Urip ay isang landing page HTML template na binuo gamit ang Bootstrap 3. Ito ay may modernong propesyonal na disenyo, na may ilang mga malikhaing pamimilian ng layout, para sa lead generation, pagpopromote ng app, pag aanunsyo ng mga event, mga hero form, at iba pa. Ang bawat isa sa mga pamimiliang ito ay may iba-ibang tampok na maaari mong gamitin upang i-customize ang iyong disenyo. Ito ay may Mailchimp integration at ilang mga madaling gamiting mga tampok. Maaari kang agad na magkaroon ng propesyonal na landing page gamit ang template na ito.

Urip - Professional Bootstrap Landing Page TemplateUrip - Professional Bootstrap Landing Page TemplateUrip - Professional Bootstrap Landing Page Template

2. Select - Ang Landing Page Template Set na may Page Builder

Gamit ang 30 na multi-purpose na na pagpipiliang landing page sa loob nitong page builder, maaari kang pagpipilian. May kasama rin itong ilang mga mockups, mga layout options at kakaibang mga sections na maaaring magamit. Ito ay iki-node upang magamit sa parehong HTML5 at CSS3, compatible sa Bootstrap v3, at may kasama pang Google fonts. Ito ay may makapangyarihang functionality para sa pag-eedit ng teksto, pagbabago ng mga elements, at pagsasama ng video. Ito ay siksik din sa mga pagpipilian na handa nang magamit!

Select landing page template builderSelect landing page template builderSelect landing page template builder

3. R.Gen - Ang Landing Page Template na may Page Builder

Ang responsive na landing page template ay mayroong malinis na modernong disenyo, ito ay binuo gamit ang Bootstrap 3 at mayroong maayos na nacommentan na code na madaling gamitin at baguhin kung kinakailangan. Ito ay ginawa na madaling maisama sa Aweber, MailChimp, GetResponse, Constant Contact, Campaign Monitor, at iba pa.

Ito ay may kasamang higit sa 35 na landing page designs na madaling i-load sa kasamang drag and drop builder para sa mabilisang customization. Sa taglay nitong 260 design sections, ito ay siksik sa mga pagpipilian!

RGen landing page template with page builderRGen landing page template with page builderRGen landing page template with page builder

4. Multipurpose Landing Page Template - All in One

Kung kailangan mo ng landing page na idinisenyo gamit ang conversion principles muna, eh nahanap mo na ang kailangan mo. Ang All in One na landing page template na ito ay hinubog upang magconvert ng leads at magpush ng sales. Ang naiibang selling proposition ay nakaposisyon ng maayos, pati na rin ang mga hero shot, at mayroon ding ibang mga sections upang maipakita ang mga makukuhang benepisyo sa paggamit ng iyong mga produkto, magpakita ng katibayan sa lipunan, at i-highlight ang iyong mga gagawing hakbang. Dahil sa kasama nitong HTML Page Builder, at coding na nakabase sa sikat na Bootstrap 3.x na Framework, ang responsive na landing page na ito ay magandang piliin!

All In One Landing Page Template BuilderAll In One Landing Page Template BuilderAll In One Landing Page Template Builder

5. Launch - Responsive Startup Landing Page Template

Dahil sa hero image at full screen na video options, ang Launch ay simple, at on trend na disenyo para sa landing page template. Ito ay may ilang bahagi na kailangan mo para maipakita kung saan-saan na naitampok ang iyong kumpanya, ang mga pangunahing benepisyo ng iyong produkto, pangunahing tampok, at mga presyo.

Ito ay mabilis i-setup at madaling gamitin. Ang responsive na template na ito ay binuo na compatible sa Bootstrap v3 at ginawa gamit ang HTML5 at CSS3, Font Awesome Icons, at Google Web Fonts. Ito ay tumatanggap ng maraming wika at pwedeng pwede sa SEO.

Launch Bootstrap Landing Page TemplateLaunch Bootstrap Landing Page TemplateLaunch Bootstrap Landing Page Template

6. Getleads - Landing Page Template Pack na may Page Builder

Binuo gamit ang HTML5 & CSS3, at ang Bootstrap 3 Framework, ito ay maraming gamit at talagang makapangyarihang landing page solution. Mayroong higit sa 215 na bahagi sa Getleads. Ito ay may kasamang Page Builder upang magamit lahat ng madaling i-edit na design elements. Ang mga pagpipilian sa teksto, larawan at source dode ay madaling i-edit at gamitin. Kunin na ang iyong landing page setup ngayon!

Getleads Landing Page Template Responsive BuilderGetleads Landing Page Template Responsive BuilderGetleads Landing Page Template Responsive Builder

7. Wava App - Responsive Landing Page Template

Ipakita ang iyong app sa mundo! Ang Wava template ay ini-code gamit ang HTML5 at CSS3 markup na ginawa gamit ang Bootstrap V3 at sinubukan sa cross browser na support. Ito ay nagtatampok ng malinis na disenyo, responsive na layout, engaging nga graphics at ginawa para magpromote ng startup mobile apps. Ito ay nakadocument ng maayos at madali lang i-customize. Kung mayroon kang bagong mobile app para magtampok at magtulak ng sales, ito ang pinakaangkop na landing page template para sayo.

Wava Responsive Landing Page App TemplateWava Responsive Landing Page App TemplateWava Responsive Landing Page App Template

8. Multipurpose Landing Page Template - Flat Vault

Ang FlatVault ay isang landing page template na may modernong patag na design style. Ito ay fully responsive at binuo gamit ang Bootstrap. Madali i-customize at i-setup, maaari mong i-dagdag ang iyong produkto o mga detalye ng iyong serbisyo ng mabilisan. Ito ay makasamang lead-capture at click-through na variant na mga disenyo, pati na rin video integration, working form, text rotator na animation, talaan ng mga presyo, at iba pa. Bilhin ang theme na ito upang makakuha ng kaakit-akit na disenyo para sa landing page.

Flat Vault Responsive Landing Page TemplateFlat Vault Responsive Landing Page TemplateFlat Vault Responsive Landing Page Template

9. KeySoft - Software Landing Page Template

Kung kailangan mo ng magandang responsive na landing page para sa iyong bagong software, mobile app, o Sass startup, ito ang template na nababagay sa iyo. Maraming layout styles para sa mga dashboards, mobile o subscribe, pati na rin ang marami nitong pagpipilian sa kulay, background na video o larawan, mga header variants, at iba pa. Gamit ang KeySoft, maaari kang makakuha ng organisado, maayos ang pagkakadocument, at madaling i-setup na template!

KeySoft Landing Page Design TemplateKeySoft Landing Page Design TemplateKeySoft Landing Page Design Template

10. Zollo - Bootstrap Multipurpose Landing Page para sa Apps

Ang Zollo ay maraming gamit, fully responsive na landing page template para sa mga applications na nakabase sa iOS at Android. Ito ay may mga napapanahong tampok na malinis ang pagkakadisenyo, pati na rin ang isang kaakit-akit na interface. Ito ay mabilis magload, i-setup ng may swabeng navigation at nakatagong animated scrolling. Ito ay isang mabisang landing page template na maaari mong i-customize ayon sa istilo ng iyong tatak. Kung kailangan mo ng modernong landing page template, kunin mo na ito ngayon!

Zollo Bootstrap Responsive Landing Page TemplateZollo Bootstrap Responsive Landing Page TemplateZollo Bootstrap Responsive Landing Page Template

5 Pangunahing mga Payo sa Landing Page

Narito ang ilan sa mga makakatulong na payo, na nasasaklaw kung papaano mo didisenyohan ang iyong landing page, i-customize ang iyong pagpapadala ng mga mensage, at i-optimize ito para sa mga usapan. Sa ganitong paraan, mabubuo mo kaagad ang iyong landing page, na nakasaayos ayon sa iyong mga layunin sa negosyo at sa iyong tatak, at ng makapaghikayat ka na agad agad.

Bago tayo tuluyang tumungo sa mga tips na ito, kung kailangan mong balikat at i-review ng mabuti kung ano nga ba ang isang landing page at makakuha ng primer kung papaano ito gumagana, basahin muna ang mga artikulong ito:

1. Magsimula sa isang Dekalidad na Landing Page Template

Sa sobrang dami ng mga propesyonal na landing page templates na pagpipilian, maaaring maging mahirap pumili ng isang gugustuhin mong gamitin. Narito ang ilan sa mga puntong dapat mong isipin:

  • Una, isipin mo kung anong klaseng visual art style ang gusto mo para sa iyong landing page. Piliin mo dapat ang pinakaakma sa iyong tatak at produkto. Mas interesado ka ba sa modernong disenyo na may trendy na hero video header gaya ng sa Launch Startup na Landing Page? O mas gusto mo ba ang landing page na ginawa para sa pagpapakita ng iyong software gaya ng Wava App Landing Page? Alin man dito sa dalawa, gugustuhin mo ng landing page na kaakit-akit at mayroong istilo ng disenyo na akma sa iyong mga layunin.
  • Dagdag pa sa istilo, kailangan mo ring isipin kung anu-anong mga functionality ang kailangan mo. Gusto mo ba magsama ng resume builder, na gagabay sayo sa mga customization options? Kailangan mo ba ng integration sa iyong email marketing software, gaya ng MailChimp? Importante bang mayroong built-in na video field? Bago ka bumili, siyasatin muna kung anong meron sa isang template at siguruhing naroon lahat ng kailangan mo.

Pumili ka ng landing page template na mayroon pareho ang itsura at mga features na kailangan mo. At kung kailangan mo ng tulong sa paggawa ng landing page, mayroon kaming mga pro na web designers na maaari mong arkilahin. Kaya nilang i-customize ang kahit na anong template na piliin mo o gumawa ng isa para sa iyo.

2. Panatilihing Simple ang Iyong Landing Page

Dapat maayos ang isang disenyo ng isang landing page. Kailangan itong mai-streamline, at tanggal na lahat ng mga elementong hindi naman kailangan. Ang iyong landing page ay dapat nakadisenyo na may isang layunin. Kaya naman mabilis ang pagconvert ng mga landing page. Dahil ang mga ito ay nakatutok.

Ang iyong landing page template ay magbibigay sa iyo ng layout na organisado, na may mga bahagi para sa iyong mga mensahe, pagpapakita ng mga tampok ng iyong produkto, pagdadagdag ng mga testimonials, at iba pa. Maging maingat sa pagsasaayos ng iyong disenyo at huwag magdagdag ng mga elementong di naman kailangan - maaari itong makalito ng mga bibisita.

Pumupunta ang mga tao sa iyong pahina sa isang dahilan, kaya naman panatilihin itong simple at dalhin ang mga bumibisita sa iyong site tungo sa iyong signup form o sa purchase button, ng wala nang iba pang karagdagang options na hihila sa kanila palayo sa iyong malinaw na call to action (CTA). Dapat ay madaling makita ng lahat ang mga hakbang na kailangan nilang gawin sa iyong landing page, kung anong dapat nilang punan, o kung saan sila pipindot.

Huwag nang magdagdag ng mga karagdagang menu links o navigation na maaaring magtulak sa mga bisita palayo sa iyong layunin. Bawat element, bawat larawan, bawat mensahe, ay dapat akma sa iyong stratehiya at sasangayon papunta sa isang layunin.

Para matuto ng higit pa tungkol sa mga prinsipyo ng pagdidisenyo ng landing page, o upang makapagsimula sa artikulong ito na tinatalakay lahat ng pangunahing paksa:

3. Idagdag ang Iyong mga Graphics at Brand Assets

Ang mga graphics at mga biswal na gagamitin mo sa iyong landing page ay maaaring magbigay ng dramatikong tama sa iyong mga usapan.

Dapat ay siguruhin mong lahat ng kulay at mga assets na gamit mo ay tugma rin sa iyong tatak. Dapat ay pinapatingkad nito ang kulay ng mga produktong binebenta mo at tumutugma sa iyong mga nakalinya sa gabay ng iyong tatak.

Maging maingat sa paggamit ng mga stock photo na mukhang karaniwan nang ginagamit ng lahat. Gugustuhin mo na makita sa iyong mga larawan kung anong nagagawa ng produkto mo, na ito ay orihinal, at nakakapukaw ng damdamin ng bumibisita.

Magbrowse sa Envato Unstock para sa mga orihinal na larawan o tumungo sa GraphicRiver upang makakuha ng custom illustrations o naiibang mga graphics. Maaari ka ring makakuha ng video project files mula sa VideoHive, gaya ng mga product promotions, application showcases, motion graphics, at panimulang mga footage.

4. I-customize Ang Iyong Messaging

Upang makuha mo ng tama ang pagmemessage sa iyong landing page, kailangan mo munang malaman kung sinong kinakausap mo. Tukuying mabuti kung ano ang iyong iyong mga tagapakinig, matapos ito ay masinsin na alamin kung anong problema ang sinusolusyonan ng iyong produkto.

Ngayon ay pwede mo nang pagtuunan ng pansin ang paggawa ng headline, para mas makahikayat. Dagdag pa riyan, gumawa din ng mga maiikling parirala at mga nakakabilib na bullet points tungkol sa mga benepisyo ng iyong serbisyo na nakaayon sa pananaw ng iyong posibleng maging customer.

Kapag nagususulat sa iyong landing pages, panatilihing maikli ito at direkta sa punto. Gumamit ng wika na tugma sa iyong tatak ngunit nakakapukaw ng atensyon. Magsulat ng tuwiran gamit ang pang-“ikaw” na pananaw, para tuwiran kang nakikipagusap sa bisita at hindi lang nagdidikta ng mga tampok ng iyong produkto.

Pukawin mo sila at gabayan sila tungo sa kung bakit ang iyong produkto ang pinakamahusay o kung anong makukuha nila sa pagpuno ng iyong form. Bigyan mo sila ng malinaw na larawan ngunit gawin itong madiin. At siguruhing ang lahat ng iyong punto ay patungo sa iyong call to action. At siguruhing ang lahat ng iyong punto ay patungo sa iyong call to action.

Matuto ng higit pa tungkol sa pagsusulat ng mabisang mga landing pages:

Itatak sa isip na ang iyong messaging ay bihirang ma-finalize Ito ay isang bagay na gusto mong subukan at pagandahin.

5. Pag-ooptimize para sa mga Conversions

Kakailanganin ng panahon upang magawa ng tama ang iyong landing page. Ang pinakakailangang sangkap ng pagpapabilis magpahikayat at ng pagiging mabisa ng iyong pahina ay pag-trato dito bilang isang umuulit na proseso.

Matapos mong idagdag ang iyong mga biswal na assets, maglagay ng headlines at messaging, at pagbibigay ng iyong call to action, kailangan mo nang simulant ang testing. Siyasatin ang mga pagpipilian at suriin para makita kung ano ang mas mahusay.

Maaari kang mag A/B test para makita kung anu-anong mga element ang gumagana ng mahusay sa iyong mga landing pages. Narito ang ilan sa mga pangunahing sangkap na maaari mong unahing i-test:

  • Mga Headline
  • I-copy
  • Testimonials
  • Call To Action
  • Mga larawan o mga videos

Yan pa lang ang simula, maaari ka pang magtest ng iba pa. Para matutunan ang proseso ng pag-ooptimize ng landing pages at A/B testing:

Magkaroon ng masinsin na layunin para sa iyong landing page na may malinaw na call to action, at isama lang ang impormasyon na makakatulong sa iyong layunin na manghikayat, tapos ay magtest lang hanggang makuha moa ng tama.

Kumuha ng Premium na Landing Page Template!

Ang mga resulta sa dulo ang nagbibigay ng pagiging kakaiba ng isang landing page mula sa ibang mga bahagi ng iyong site o ng iyong marketing campaign. Ang mga ito ay nakatutok sa tiyak na mga paksa at may layunin na manghikayat ng mas maraming bisita sa leads at mga sales. Ang mga ito ay isa sa mga pangunahing sangkap ng mabisang online marketing.

Mayroon kaming daan-daang propesyonal na pagpiliian sa disenyo, alin man rito ay magbibigay sayo ng karagdagang oras, at magbibigay sa iyo ng propesyonal at well-coded na solusyon. Tumingin sa Landing Page Templates sa ThemeForest para mahanap kung anong akma sa iyong susunod na campaign.

Advertisement
Did you find this post useful?
Want a weekly email summary?
Subscribe below and we’ll send you a weekly email summary of all new Business tutorials. Never miss out on learning about the next big thing.
Advertisement
One subscription. Unlimited Downloads.
Get unlimited downloads