Paano Maglagay ng Slide Numbers sa PowerPoint sa Loob ng 60 Segundo
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Alamin natin kung paano maglagay ng slide
number sa iyong PowerPoint slides. Isa itong madali at mabilis na paraan para
masundan mo kung nasaang bahagi ka na ng iyong presentation.
Paalala: Sa pagtututrong ito, ginamit natin ang Simplicity PowerPoint Template. Maaari pang makahanap ng mas maraming magandang PowerPoint presentation template sa GraphicRiver o sa aming Ultimate Guide to the Best Microsoft PowerPoint Templates.
Paano Maglagay ng Slide Numbers sa PowerPoint sa Loob (Mabilis)

Paalala: Panuorin ang maikling pagtuturo
gamit ang screencast na ito o sundan ang mga sumusunod na hakbang na kasama ng
nasabing video.
1. I-click ang Insert na tab para mabuksan ang bahagi na Slide
Ang paglalagay ng slide number ay maaaring gawin sa pamamagitan lamang ng ilang pag-click sa iyong buong presentation. Maglagay tayo ng slide number sa pamamagitan ng pag-click sa Insert na tab na nasa PowerPoint ribbon, saka hanapin ang # na icon na malapit lamang sa Word Art.



2. I-apply ang Slide Number ng PowerPoint sa pamamagitan ng All Pages na opsyon.
Pipiliin ko ang Slide Number na opsyon sa window na ito, saka pindutin ang Apply to All na opsyon para makapaglagay ng slide number sa lahat ng slides ng iyong PowerPoint. O maaari mo ring pindutin ang Apply na opsyon para maglagay ng slide number sa iyong napiling slide lamang.



3. Kusa nang lalagyan ng PowerPoint ng bilang ang iyong mga slide
Makikita ang slide number sa sulok ng kanang ibabang bahagi ng bawat slide, ngayon, kusang nilalagyan ng PowerPoint ng magkakasunod na bilang ang mga slide, kaya hindi na ito kailangang i-update sa setting ng bawat slide.



Sa pagtatapos!
Isa pang payo, kung gusto mong alisin ang slide number mula sa isang piling slide, maaari mong i-click ang mismong kahon na kinaroroonan ng slide number, saka pindutin ang page number na inilagay sa PowerPoint gamit ang iyong keyboard. Sa pamamagitan nito ay matatanggal ang slide number ng piniling slide.
Mas Makatutulong na mga PowerPoint Slide Turorial
Narito ang mga PowerPoint slide turorial na maaari mong gamitin na makatutulong para mapalawak mo ang iyong kaalaman sa paggawa ng presentation:
- OfficePaano Gumamit at Mag-Edit ng PowerPoint Master SlidesBob Flisser
- Microsoft PowerPointPaano Magpalit ng Layout ng Slide sa PowerPoint sa loob ng 60 SegundoAndrew Childress
- Microsoft PowerPointPaano Gamitin ang Slide Sorter na View sa PowerPoint sa Loob ng 60 SegundoAndrew Childress
Mayroon kaming ilang bilang ng PowerPoint tutorials dito sa Envato Tuts+, pumunta sa ibang PowerPoint slide tutorial sa itaas o maghanap ng mas maraming kaugnay ng PowerPoint sa loob ng 60 segundo na video tutorial.