Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Business
  2. Microsoft PowerPoint
Business

Paano Gumawa ng Table of Contents sa PowerPoint Sa Loob Ng 60 Na Segundo

by
Difficulty:BeginnerLength:ShortLanguages:
This post is part of a series called How to Use PowerPoint in 60 Seconds (Quick Video Tutorials).
How to Make a Mindmap on PowerPoint in 60 Seconds
How to Add Bullet Points to PowerPoint in 60 Seconds

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang table of contents sa PowerPoint ay nagbibigay ng ideya sa mambabasa o madla para makita kung saan papunta ang presentation. Pag-aralan natin ito PowerPoint sa mabilis na araling ito.

Mayroon din ditong kapaki-pakinabang na karagdagang features sa pagtuturong ito. I-download ang aming LIBRENG eBook: Ang Kumpletong Gabay sa Paggawa ng Magandang Presentations (The Complete Guide to Making Great Presentations). Kumuha na nito bago magpatuloy sa pagbabasa.

Free presentations ebook

Tandaan: Sa pagtuturong ito ginamit natin ang Iconic PowerPoint Template. Makakahanap ka ng magandang PPT presentation templates sa Envato Elements o sa aming Nag-iisang Gabay Para sa Pinakamagaling na Microsoft PowerPoint Templates (Ultimate Guide to the Best Microsoft PowerPoint Templates).

Paano Gumawa ng Table of Contents sa PowerPoint

Paalala: Panoorin itong maiksing pagtuturo sa screencast o sundan ang mabilis na hakbang sa ibaba bilang karagdagan sa video na ito.

1. Buksan ang Iyong PowerPoint Presentation

Simulan sa blankong PowertPoint slide kung saan makakapaglagay ka ng table of contents (TOC).

Blank PowerPoint slide
Buksan ang blankong PowerPoint slide na gagamitin mo sa iyong table of contents.

2. Kopyahin ang Istraktura ng Power Point Presentation

Pumunta sa View muna at piliin ang Outline View. Ipinapakita nito ang simpleng view ng content structure ng ating presentation sa sidebar.Iha-highlight ko ang sidebar at kokopyahin ito sa aking clipboard gamit ang Ctrl+C sa Windows o Cmd+C sa Mac.

PowerPoint presentation structure
Gamitin ang PowerPoint Outline View para mahanap ang istraktura ng iyong presentation.

Ngayon ibabalik ko sa Normal View para sa natitira pang pagtuturo.

3. Ilagay ang Impormasyon Sa PowerPoint TOC 

Sa blankong slide ipi-paste ko lang kung ano ang nasa clipboard sa slide. Nasa akin na lahat ng kailangan ko dito.

Paste in your clipboard information to make a table of contents in PowerPoint
Para gumawa ng table of contents sa PowerPoint, i-paste ang istraktura ng presentation sa blankong slide.

Ganito talaga kung paano nabubuo ang outline sa Microsoft PowerPoint, bilang tinapos nito ang pangunahing outline ng content bilang list.

4. Tapusin Ang Table of Contents ng Iyong PowerPoint

Maaaring kailangan ng ilang pagbabago, subalit ito ay magandang panimula. Kapag ipi-paste mo ang points sa ibabaw mula sa Outline View, maaaring kailangan mo itong linisin o tanggalin ang points. Gayon pa rin, maganda na itong simula para sa iyo sa paggawa muli mula sa simula.

Adjusting a PowerPoint table of contents
Kapag nakopya mo na ang impormasyon sa blankong slide, maaaring kailangan mong gawan ng ilang pagbabago sa table of contents ng PowerPoint.

Patapos na!

Ang paraan na ito sa table of contents ang pinakamabilis at pinakamagaling na alam ko para lagyan ng TOC ang iyong PowerPoing presentation.

Mas Marami Pang Magaling na Pagtuturo sa PowerPoint sa Envato Tuts+

Maghanap ng mas malawak na pagtuturo sa PowerPoint sa Envato Tuts+ para makatulong sa iyo na matuto kung paano makagawa ng mas magandang presentations. Mayroon din tayong quick-start na 60 segundo na serye ng PowerPoint para matuto ng iba pang PowerPoint tools ng mabilis.

Narito ang ilang videos ng Powerpoint na maaari mo ng simulan ngayon na:

Gumawa ng Magandang Presentations (Libreng Download ng PDF eBook)

Mayroon din tayong karagdagan sa pagtuturong ito, na ipapakita ang buong proseso ng presentation. Matutunan kung paano gumawa ng presentation, lagyan ito ng disenyo na parang propesyonal, at ihanda ito na maipakita ng napakahusay.

 Free eBook PDF Download Make a Great Presentation

I-download ang aming eBook: Ang Kumpletong Gabay sa Paggawa ng Magandang Presentations. Matatagpuan ito ng libre na may subscription sa Tuts+ Business Newsletter.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.